Chapter 2: Second Life

486 76 2
                                    

Eunbi's

"Bilis, Eunbi! Kanina ka pa diyan!" Naiinis na sigaw ni dad mula sa labas ng kwarto.

Nakaharap ako sa salamin at nakasimangot na tinitingnan ang sarili ko sa bago kong uniform. I can't freaking believe na may pasok na agad eh halos kararating ko lang dito! Hindi man lang nila ako hinayaang makapag-adjust muna!

"Last call, Eunbi Jung!"

Ilang beses akong napabuntong-hininga bago binuksan ang pinto. "Let's go! Madaling-madali kayo, eh!" I said looking so pissed off at dire-diretsong lumakad.

"Sasabay ka sa mga kapatid mo."

I pause and turned around to look at dad.

"Wala akong kapatid. I'm an only child."

"Sa ayaw mo man o hindi, sasabay ka sakanila!" Dad said with gritted teeth.

"Paano kung ayaw ko talaga? Hahayaan niyo ba akong maglakad?!" Hindi siya nakaimik kaya napatawa ako. "Oh my gahd! Obviously, you would let me walk!"

"We've talked about this already, so, stop being a kid! Simula ngayon, sakanila ka na laging sasabay. Sumunod ka sa akin kung ayaw mong i-cut ko ang allowance mo!"

Here we go again with Dad's little threat! Alam niyang wala akong sariling pera kaya napakadali lang sakanyang takutin ako.

"Chill, tito! Puso mo." Someone interfered. An unknown guy is standing beside my dad; wearing a bunny printed pajamas at magulo pa ang buhok. "So, you must be that Eunbi girl?" He looked at me from head-to-toe and chuckled after saying my name. "I heard a lot about you." In-emphasize niya pa 'yung word na 'a lot' and base on his tone, nang-aasar siya.

Sasagot pa sana ako pero nagsalita si dad. "Wala ka bang pasok ngayon, Jisoo?" Tanong ni dad na para bang gulat na gulat na makita 'tong si Mr. Bunny pajamas.

"I have, but they don't mind kahit ma-late ako tito," He answered dad. So he must be the other son na wala noong dinner. "Anyway, what's the matter? Ayaw mo silang kasabay? It's okay, Eunbi. Me too."

"Sa ngayon pero makakapag-adjust 'din siya, 'di ba, Eunbi?" Hindi ako umimik kaya napabuntong-hininga si dad saka tumingin kay Jisoo. "Does your mom knows that you're here?" Tanong ni dad at nag-usap na nga sila. Napairap nalang ako at naglakad nalang ulit when dad called me again. "We'll talk about this again. For now, behave, sweetie. Enjoy your first day."

Nagmartsa nalang ako pababa. I know I won't enjoy anything lalo na't nandito ako. Bumaba ako and went to the kitchen para uminom ng tubig. Ilang araw na ako dito pero ang kusina at dining room lang ang alam ko bukod sa kwarto ko. Wala rin naman akong balak magikot-ikot no!

"Hello!" Bati sa akin nung lalaking nagto-toothbrush sa kitchen sink.

Dumiretso lang ako sa refrigerator at kinuha 'yung pitcher nang magsalita siya ulit. "Sabi ni tito sasabay ka daw sa amin?"

"Hindi." Sagot ko at lumabas.

Pagdaan ko sa living room, may mga lalaking palakad-lakad and wearing the same uniform as mine. Binati nila ako pero nagkunwari akong hindi sila nakita dahil wala akong balak makipag-batian sakanila.

"Goodmorning, ma'am Eunbi! Ito na po 'yung baon niyo." Some maid approached me at nagbigay sa akin ng paperbag.

"Ayos lang po ba kayo?" Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako sa hawak niya. "Mahirap po talaga sa simula pero masasanay din po kayo dito, ma'am."

"Can you just call the driver for me?" Sabi ko nang kunin ko ang binigay niya.

"O-okay po..."

"Noona, hindi ka sasabay sa amin?" Sabi ni Chan. Naaalala ko siya dahil siya 'yung pinaka-bata na tumatawag sa aking noona.

In Between The Brothers (SEVENTEEN x GFRIEND FF)Where stories live. Discover now