Chapter 18: Our Secret

230 62 11
                                    

Eunbi's

Naglalakad na kami sa hallway at 'yung sinabi parin ni Yewon ang nasa isip ko.

"Ang weird ba? Na marami akong alam kila Myungho? Baka isipin mong stalker nila ako but I'm not. Everyone in the school knows it. Nali-link lang talaga si Jihoon sakanila pero hindi sila magka-ano-ano. Pati si Soonyoung ko. Nadadawit lang siya minsan sa mga chismis kasi nga hawig daw sila ni Jihoon. Iniisip nung iba na baka nga kambal sila at hindi nila inaamin. Ang ironic naman n'un kung magkapatid pala sila tapos magkalaban 'yung bands nila. Tapos kapatid 'din sila ni Wonwoo? Hahaha walang sense! Bad vibes lagi si Wonwoo kay Jihoon. Their personalities don't match. Basta si Soonyoung, wala siyang ibang relative dito. Ako palang if ever... kung magkakatuluyan kami. Hehe."

Sinubukan kong tanungin pa siya pero 'yun at 'yun lang ang sinasabi niya. Nagtanong pa siya sa kaklase naming bumalik sa classroom at kaparehas 'din ang isinagot nito. Soon-Hoon are not twins daw at walang anumang connection kila Wonwoo.

Nainis lang ako nung pinagtawanan nila ako dahil naniniwala daw ako sa chismis.

Ako na nga 'tong may alam ng katototohanan, ako pa nagmukhang mali!

I came back to my senses when I heard Seokmin's voice. "Bili-bili na kayo mga suki! Bente pesos isa! Forty pesos dalawa! Sixty pesos tatlo! Walang discount kasi mas maganda pa 'to kesa sainyo!" May nagkukumpulan na mga tao sa gitna ng quadrangle at nasa loob siya ng kumpulan.

Nagkakagulo ang mga babae at nag-uunahan kumuha ng mga polaroid pictures na nakadikit sa malaking illustration board na hawak nila ni Hwang.

"Umayos kayo ng pila! Lahat makakakuha!"

"Kumalma kayo! 'Wag magtulakan kung ayaw niyong banatan ko kayo isa-isa!" Sabi ni Hwang habang tuwang-tuwa na kinukuha 'yung bayad ng mga bumibili.

Napailing nalang ako sa nakikita ko. Kaya naman pala busyng-busy sa pag-picture si Seokmin nung field trip. Akala ko nagagandahan lang siya sa lugar at natutuwa siya sa mga tao pero may hidden agenda naman pala! Gagawin palang negosyo at nagtulong pa sila ni Jologs!

"Excuse me po. Dadaan kami." Sabi ni Yewon at naglakad papunta sa unahan.

Hindi ako sumunod sakanya at nagpaiwan sa likod. Ayoko nang makipag-siksikan. Natuto na ako mula doon sa nangyari dati.

"Hoy, ikaw, alis nga muna! Padaanin niyo si Eunbi. Liit-liit nung tao, hinaharangan niyo!" Sabi ni Seokmin nang makita ako. Kumaway pa siya na parang pinapalapit ako saka tinataboy 'yung ibang nakapila.

"Sino naman 'yun?"

"Diba siya si Eunbi?" Turo nila kay Hwang.

"Oo nga pero mukhang kapreng Eunbi 'yan. 'Yung magandang Eunbi ang tinutukoy ko."

Akmang sasapakin ni Hwang si Seokmin pero mabilis nitong naitaas 'yung illustration board kaya ito ang nasapak niya. Nagtawanan 'yung mga tao. Naramdaman ko nalang na may humawak sa kamay ko at dire-diretso akong dinala sa harapan. "Sandali! Ayoko diyan!" I cried but it was too late. Nasa unahan na ako.

In Between The Brothers (SEVENTEEN x GFRIEND FF)Where stories live. Discover now