Chapter 22: Thanks

230 41 14
                                    

Third Person's

"Sandali. Mukhang maganda 'yun." Nakangising sabi ni Junhui saka tinuro ang isang body fit red dress na naka-display sa loob ng sikat na boutique.

"Saan?" Naguguluhang lumingon ang kapatid niyang si Myungho habang hinahanap ang damit na tinutukoy niya.

"Nandoon. Pasok tayo."

Niyaya naman ni Junhui sina Hansol at Seungkwan na pumasok 'din. Sumunod naman sila nang walang reklamo. Pagpasok nilang apat ay sinalubong sila ng sales lady na napaka-lapad ng ngiti.

"Mukhang babagay 'to kay babe," Malokong sabi ni Junhui nang makalapit sila sa mannequin. "Ano sa tingin mo, Ho?"

"Maganda." Tipid na sagot ni Myungho.

"Babe? May bago ka na namang babae, Junjun?!" Nakapamewang na tanong ni Seungkwan na nakatayo sa tabi ni Hansol.

"Kailan ba ako nawalan?" Puno ng kayabangan na sagot ni Junhui na parang wala lang sakanya ang pagiging babaero.

"Hindi ka na nga nagdadala ng babae sa bahay simula nung dumating si Eunbi." Sagot ni Hansol habang nagiikot-ikot sa loob kahit na puro pambabae ang paninda.

"Napansin mo pa 'yun?" Tila natuwang sambit ni Junhui habang nakahawak sa ibang damit pambabae. "Mukhang binabantayan mo mga galaw ko." Maloko niyang sabi. Nagpatuloy lang sa paglalakad si Hansol at hindi ipinahalatang nailang siya sa sinabi nito.

"Bakit? May gusto ka ba kay Eunbi?"

Napatawang muli si Junhui saka lumapit at inakbayan ang kapatid. "Hindi ko siya type. Nakakatuwa lang siyang pag-trip-an."

Tumango na lang si Myungho. Hindi parin mawala sa isip niya ang itsura ni Eunbi nung mailigtas nila ito nung isang araw.

"Basta ako, I don't prank Eunbi. I crush to her." Sambit ni Seungkwan na sigurado sa kaniyang nararamdaman. Napailing na lamang ang tatlo sa kakaiba niyang sinabi.

"Eh ikaw? Gusto mo rin ba si Eunbi?"

"Pinsan natin siya." Sagot ni Myungho.

"Oo nga. Wala naman akong sinabi bilang babae," Palusot ni Junhui. "Ikaw, Hansol?"

"Anong ako?"

"Gusto mo rin ba si Eunbi?"

"Syempre. Pinsan natin siya."

"Ay. Gaya-gaya ng sagot."

"Anong klaseng tanong kasi 'yan? Natural na gusto dapat natin siya kasi pinsan natin siya." Kunot-noo niyang sabi. Nagkibit-balikat nalang ang dalawa habang tumatawa lang si Junhui na balak bilhin ang nakita niyang damit. Nagikot-ikot muli si Hansol at napangiti ng bahagya nang may makitang simple pero eleganteng puting dress. Hindi naman mawala sa isip niya ang babaeng kakilala kaya alam niyang babagay ito sakanya.

Pagkatapos nila sa boutique ay pumasok naman sila sa isang sports equipment shop. "Sports Festival na next next week. Anong balak niyo? Nagti-training na kayo?"

"Oo nga pala!"

"Hindi pa. Pero sure akong matatalo kayo."

"Bakit? Tatalunin niyo kami?"

"Of course!" Masiglang sagot ni Seungkwan kay Myungho saka niyakap ang braso ni Hansol na tulad niya, pursigido rin sa paparating na event.

"Good luck." Makahulugan na sabi Myungho dahil nararamdaman niya na magiging masaya ang Sports Fest na ito.

Eunbi's

Two days ago, our homeroom teacher announced about the upcoming Sports Festival. May iba't-ibang activities pero I decided na sumali sa girls relay race. The bruise on my knee and the scratch on my cheek healed already kaya wala nang problema. May plus points kasi ang mga sasali sa main event kaya pumayag ako.

In Between The Brothers (SEVENTEEN x GFRIEND FF)Where stories live. Discover now