Chapter 9: It's You

230 65 5
                                    

Eunbi's

I spent my whole Sunday morning sa loob ng kwarto ko. Magbabasa ng libro, itutuloy 'yung homeworks, browse sa social media and repeat. Also, I decided to stalk Jisoo since nasa harap narin ako ng laptop ko.

Just like Hoshi and Woozi, may stage name 'din pala siya and it's Joshua Hong. 18 years old since he started modelling hanggang sa na-cast siyang um-extra sa isang music video. Nagsimulang mag-boom ang career niya ng bumida siya sa isang TV drama. He received multiple 'Best New Actor' awards in different award giving bodies in that drama. Hindi lang siya sa pag-arte magaling kundi sa pagkanta rin, just like what Hansol said. Last year, nag-release siya ng single na four weeks nag-top sa iba't-ibang song charts worldwide. Doon na siya kinuha ng mga high-end clothing brand para maging ambassador. Now, he's working on his on-going drama: My ID is Busan beauty.

Sikat na sikat pala siya. How come I didn't know a single thing about him before?!

Nang magsawa ako, I decided na i-search naman 'yung twins. Baka sakaling may lumabas na tungkol sakanila sa internet.

I was typing when my stomach growled. Time out. Sinarado ko ang laptop ko at bumaba. May noise sa baba so I thought na it was Dad and Gyungmi, na naisip nang hindi ituloy ang kasal kaya nagmadali ako. I need to be there if that happens!

"Umalis ka nalang para walang gulo."

I immediately stopped when I heard Jeonghan's voice. Hindi pa ako totally nakababa pero kita ko na sila. Mga nakatayo at may kausap na lalaki.

"Hindi naman kayo ang ipinunta ko dito."

"Sino?!" Mukhang galit na galit si Wonwoo kaya hinawakan siya sa balikat ni Jeonghan na parang inaawat ito.

Ngumisi 'yung lalaking kausap nila. "Siya," Their eyes were all on me when he suddenly pointed at my direction. "Si Eunbi Jung." Ngayon ko lang napansin, present pala 'yung sampu. Woah. Wait a minute!

"What's up! Anong ingay 'yan? What did I miss?" Someone said at my back. Kung kanina na sa akin ang attention nila, nabaling na ito sa kung sinong nagsalita sa likod ko. Para silang nakakita ng multo.

"Anong meron? Bakit nandito kayo..." Seungcheol broke the silence kaya nilingon ko na kung sino 'yung nasa likod .

"Jihoon at Soonyoung." Mingyu muttered.

"Hindi pa ba uuwi sila Tito at Mama?" After that short 'commotion', umakyat sa kwarto si Wonwoo, na mukhang mananapak while the other boys stayed and went in the dining room na parang walang nangyari.

"Hindi ko alam. Hindi pa nagrereply." Sagot ng katabi kong si Hansol kay Chan. Wala nang nagsalita pagkatapos. Lahat sila, tahimik at seryosong kumakain. Tanging tunog lang ng mga kubyertos ang naririnig. Babawiin ko na. Halatang-halata na may nangyari. Dahil narin siguro sumabay sa amin ang bagong dating na si Soonyoung.

"Water is none in the pitcher."

"Inom ka kasi ng inom ng tubig!"

"Syempre nauuhaw kaya iinom ako. Alangan itong kanin ang laklakin ko?!" Akala ko matatapos kami ng tahimik pero hindi pala kaya nung dalawa. Seungkwan and Seokmin broke the awkward silence.

"Bakit hindi mo i-try?!"

"Wag na kayong magtalo. Tawagin niyo na lang si Manang para kumuha ng tubig." Kahit nagsalita na si Jeonghan, hindi parin tumigil sa pagbabangayan 'yung dalawa.

In Between The Brothers (SEVENTEEN x GFRIEND FF)Where stories live. Discover now