Third Person's
Oras na ng kanilang klase sa Arts. Prenteng nakaupo si Eunbi sa unahan kaharap ang mga gamit sa pag-guhit. Walang magawa kundi ang umupo sa likuran niya si Mingyu nang maunahan ito ng kaklaseng babae sa tabi ni Wonwoo.
Nagsimula na ang lahat sa hudyat ng guro. Sinimulan munang sulatin ni Eunbi ang kanyang pangalan sa ibabang parte ng canvas habang iniisip kung paano gagayahin ang subject. Lingid sa kaalaman niya, pinapanuod siya ni Mingyu habang inaalala kung saan nakita ang sulat-kamay na kaparehas ng sakanya.
Akmang lilingon si Eunbi sa kaniyang likuran para kumuha ng gamit sa kaniyang bag nang hindi sinasadyang matabig ni Mingyu ang tubig sa kaniyang harapan.
"Oh my gosh?!"
Naiinis na tumayo ang dalaga habang pinapagpag ang nabasa niyang uniporme.
"Anong nangyari?" Tanong ng kaklase nilang si Yewon na nasa tabi ni Eunbi.
"Sorry," Ayon na lang ang nasabi ng binata dahil sa pagka-bigla. Gustuhin man niyang tulungan ang dalaga, ayaw naman niya itong hawakan dahil alam niyang mas magagalit lang ito. "Hindi ko sinasadya."
"Sorry? Mapapatuyo ba ng sorry mo ang uniform ko?! Hindi sinasadya? You've got to be kidding me! Basang-basa nga ako!" Inis na inis na sabi ni Eunbi habang nanlilisik-matang tumingin kay Mingyu.
Ang atensyon ng buong klase ay nasa kanilang dalawa. Mabuti na lamang at lumabas ang kanilang guro pagkatapos nitong ipaliwanag ang gagawin. Napuno ng bulong-bulungan ang silid. Sa inis ng dalaga, lumakad na siya at iniwan ang gawain. Ngunit bago siya makalabas, sinamaan niya muna ng tingin si Mingyu.
❦
Eunbi's
Nagmadali akong tumakbo pabalik sa classroom namin kung nasaan ang lockers. Kaya pala naisipan kong maglagay ng extra uniform dito. Hindi ko inaasahan na magagamit ko siya sa ganitong pagkakataon. Sa dinami-rami ng pwedeng matabig ni Mingyu, bakit 'yung tubig pa na gagamitin niya pang-paint?!
Papunta na ako sa restroom para makapagpalit na para makabalik agad nang may huminto sa harap ko. Humakbang ako pakanan para maiwasan siya pero humakbang 'din siya pakaliwa. Humakbang ulit ako pakaliwa pero humakbang 'din siya pakanan. Taas-noo ko siyang tiningnan saka tinaasan ng kilay.
"Hi!" Nakangiti pa niyang sabi.
Nang-aasar ba siya?!
"Do I know you?!" Tanong ko. Hindi ko naman siya kilala pero kung makapag-approach, akala mo close kami.
"Nakita kita nung isang araw."
"Ako hindi!"
"Ikaw 'yung kasama nung nabunggo ko." Sabi niya pagkatapos mahinang tumawa.
"Everyday, in this hallway, maraming nagkakabanggaan dahil most students don't pay attention to where they're walking!" Sabi ko nalang at aalis na sana pero hinarangan ulit niya ang daraanan ko.
"Nalaglag ng kasama mong nabunggo ko 'yung polaroid pictures kaya tinulungan ko siya." Mabilis niyang paliwanag pagkatapos ngumiti. I raised a brow.
Ooh, he's that guy... and so what?!
Wala akong pake kung sino man siya o kung kasama ko o hindi ang mabunggo niya. Kailangan pa talagang ipaalala 'yun?!
"I'm Jungkook Jeon from Class E. And you are?" He offered his hand. Nakita kong nakatingin na siya sa name tag ko kaya mabilis ko itong tinakpan. Nakangiti siyang napailing. "Bakit basa ang uniform mo?"
"Wala na 'yun saiyo!" Diretso kong sagot.
Napapahiya naman niyang inilayo ang kamay sa akin saka inilagay sa batok niya. Magsasalita pa sana siya pero mabilis na akong naglakad para makalayo sakanya.
YOU ARE READING
In Between The Brothers (SEVENTEEN x GFRIEND FF)
FanfictionThey say that blood is thicker than water... And 'brothers first before others'. But what will happen if they all fall in love... ...with the same girl? 13 hearts. 1 girl. HIGHEST RANK: #1 in HOSHI category #1 in EUNHA category #7 in JUNHUI categor...