Chapter 14: Don't Listen To Me

212 60 2
                                    

Eunbi's

"What's up?!"

Katatapos lang ng fourth subject nang lumabas ako para magpahangin dahil absent daw 'yung prof. Nakasalubong ko si Seokmin, may hawak-hawak na folder.

Kung maka-asta parang hindi ko siya kasama sa bahay at kasabay pumasok!

"What do you want?! Hindi mo pa binabalik 'yung sci-cal ko!" Sabi ko nang maalala ko 'yung hiniram niyang 'di niya pa binabalik!

His lips parted a little nang maalala bago napakamot sa ulo. "Aww! Oo nga pala! Ibabalik ko sana saiyo kahapon kaso nawala na sa isip ko! Sorry!" Speaking of, no one is talking about what happened last night. 'Yung pagkawala saglit ni Seungkwan. Naisip ko tuloy na baka sanay na sila sa isa't-isa kaya they're not making a fuss about it na. Parang hindi big deal.

"Tell me kung ayaw mo talagang ibalik!"

"Easy! Nasa bahay lang 'yun! Pareho lang naman tayo nang inuuwian." He shrugged.

Tumingin pa ako sa paligid at baka may makarinig sa sinabi niya. Kami lang pala ang nasa hallway dahil may klase 'yung iba. I faced him again and sighed. "Okay! Mamaya, ah?! Give it back to me!" Naglakad na ako pero sumunod siya.

"Teka lang, Eunbi!"

"Bakit ba?"

"May club ka na bang sinasalihan?"

Napaisip ako sandali bago siya tiningnan. "Wala pa. Why? Mahalaga ba 'yun?"

He dramatically opened his mouth saka nanlaki ang mga mata. "Mas mahalaga pa saiyo! Bakit hindi mo alam?!" He teased. Inirapan ko lang siya. "Hahaha biro lang syempre! Sobrang importante mo kaya! Pero ito seryoso na, mahalaga nga 'yung clubs. Hindi ba sinabi saiyo ni Wonwoo?"

Wonwoo told me nothing. Kaklase ko nga siya pero parang hindi niya ako nakikita. Lagi siyang busy dahil sakanya madalas magpasuyo ng gawain 'yung teachers.

"I wouldn't be asking if I know."

"Eunbi, Eunbi, Eunbi," Umiling-iling siya while saying my name saka pinatong ang kamay sa balikat ko. "Kawawa ka naman! Dahil mabait ako... sumama ka sa akin!"

Hindi ko alam kung bakit niya ako napapayag sumama sakanya. Nasa tapat kami ngayon ng isang pinto at excited na excited siyang buksan 'yon nang may tumawag sakanya. "Seokmin! Pupunta ka ba 'dun sa..." Si Hansol. Hindi niya ako agad napansin. Nang magtama ang tingin namin, nagtataka niyang tiningnan si Seokmin. "Bakit kasama mo si Eunbi?"

"Masama ba? Ito-tour ko lang siya. Wala pa daw kasi siyang club." Sagot ni Seokmin.

"Ganoon ba?" Hansol answered saka tumingin saglit sa akin at nag-iwas. "Maraming clubs dito. Hindi lang Drama Club. 'Wag mo siyang pilitin kung ayaw."

Napakamot naman sa ulo si Seokmin bago napanguso. "Ano ba naman 'yan! Ini-spoil mo na! Wala pa nga akong sinasabi, eh!"

"Drama Club?" My brows arched.

"Oo! Tara pasok na tayo! 'Wag mo na pansinin 'yan si Sol. Sinira diskarte ko!"

I just shrugged. Napangiti lang si Hansol habang nakangusong binuksan ng dahan-dahan ni Seokmin ang pinto. Mukhang asar parin na naunahan siya.

"Behold the beauty of the Drama Club!"

Nilibot ko ang tingin sa loob ng kwarto. White-painted walls. May two navy blue couches malapit sa malaking bintana. May wooden table sa gitna at may malalaking boxes sa sulok, lagayan yata ng props.

"Anong masasabi mo, Eunbi?"

"Spacious." I said, nodding.

"Nandoon 'yung ibang members. Nabawasan kami nung grumaduate last year 'yung dating seniors," Kwento niya saka tinuro 'yung grupo na nakaupo sa sahig na naglalaro ng board games. "Pasok ka. Ipapakilala kita sakanila."

In Between The Brothers (SEVENTEEN x GFRIEND FF)Where stories live. Discover now