Eunbi's
Nagsimula ang meeting sa pagpapakilala naming mga bagong members. Nag-briefing 'din tungkol sa history ng club, rules and regulations and such. Pinaliwanag 'din sa amin ng President ang gagawin namin every club meeting. Dahil Foreign Film Club ito, we'll watch a movie tapos gagawa lang ng review about it and sharing of thoughts. Since mahilig ako sa movies, piece of cake nalang sa akin 'yun.
Pinanuod muna kami ng short film and pinagawa kami ng review. Every newbie is so focused and serious while watching. Tamang-tama lang talaga ang napili ko dahil para lang akong nasa bahay. Makaka-discover pa ako ng movies na hindi ko alam at hindi ko pa napapanuod.
Nang matapos ako sa film review, pinasa ko na sa Vice President 'yung paper ko. I looked around to find Jungkook. Pagkatapos niya kasi akong ihatid, umalis siya at hindi pumasok dahil may gagawin daw muna siya sandali, pero mukhang hindi na babalik. Gusto ko sanang magtanong pero sa huli hinayaan ko na lang. Ayokong maging feeling close.
Bumalik na ako sa inuupuan kong bean bag at napatingin doon sa member na nago-off ng projector nang may tumayo sa harapan ko bago kumaway. "Welcome to the club!" Nakangiting bati saka nag-bow.
"Thank you." I said with a smile.
"Ako nga pala si Yein Jeon, Junior Class B. One year palang akong member ng Club."
"Eunbi Jung, Senior Class A." I simply said.
"Oh my! Sorry! Akala ko mas matanda ako saiyo! Ang cute mo kasi, eh! Puwede bang unnie nalang itawag ko saiyo?!" She said, pouting her lips. Naaalala ko sakanya si Chan na 'noona' naman ang tawag sa akin.
"Okay. You may." I shrugged.
"Thanks!" Tili niya saka kinuha ang kamay ko at shinake hands ito. Kunwari nalang akong tumawa sa ginawa niya dahil nakatingin sa amin 'yung iba na parang natutuwa sa ginagawa nitong si Yein.
She's pretty kasi. Naka-poinytail ang buhok, na gustung-gusto ng mga lalaki at nakasuot pa ng round eyeglasses. Na-enhance ang facial features niya at hindi nakakapagtaka why other members are staring at her. Anyway, mas maganda parin naman ako. Matangkad lang siya.
"By the way, Eunbi unnie, kilala mo ba si Junhui Moon?" Napataas agad ang kilay ko at nawala ang pekeng ngiti sa labi ko.
"Hindi. Bakit?" Hindi naman talaga kami close ni Junhui. Sadyang madalas niya lang ako asarin kaya mukha kaming close.
"Parang nakita na kasi kita dati," She paused before putting her index finger in her chin. "Parang ikaw 'yung nakita kong kasama niyang umuwi " She said, pouting.
"Coincidence. " Palusot ko.
"Baka naman boyfriend mo siya at tinatanggi mo lang?" She said cheekily.
"Imposible 'yang sinasabi mo. Junhui's not my style." 'Yun nalang ang sinabi ko dahil ayokong magmukhang masama ang tingin niya sa akin since it's my first day. Tsaka ang innocent ng mukha niya. Nakaka-konsensya kung tatarayan ko pa.
❦
"Unnie, saiyo nalang 'tong sandwich ko."
"No, thanks. I have mine."
"Kunin mo na. Mas masarap 'to."
"Sure ka? Anong kakainin mo?"
"Busog na 'ko. Tinira ko talaga saiyo 'yan."
The following day, nakakapalagayan ko na ng loob si Yein. Binigay niya pa sa akin ang sandwich niya nang mag-snack kami. Okay naman siyang kausap. Madaldal pero may sense ang sinasabi hindi gaya ni Seungkwan kung minsan. Nakwento rin niya na sa Music Club siya dati kasali at lumipat siya dito last year nung nahiya siyang sumali sa recital. Mas okay daw dito dahil mas mababait ang members.
YOU ARE READING
In Between The Brothers (SEVENTEEN x GFRIEND FF)
FanficThey say that blood is thicker than water... And 'brothers first before others'. But what will happen if they all fall in love... ...with the same girl? 13 hearts. 1 girl. HIGHEST RANK: #1 in HOSHI category #1 in EUNHA category #7 in JUNHUI categor...