Eunbi's
I can't keep my eyes off of the road. Tinatahak namin ang napakahaba na kalsada na parang walang katapusan. Naiinip man, napakasarap naman ng hangin sa labas na niyayakap ang balat ko.
"Saan ba talaga tayo papunta? Hindi na ako tatanggap ng sagot na 'secret'," Sabi ko kay Seungcheol habang hindi inaalis ang ulo ko sa nakabukas na bintana ng kotse. "Wala pa tayong pagkain and I'm starting to get hungry. Bakit mo ba naman kasi iniwan 'yung mga pinamili namin?!"
"Wait ka lang kasi! Makikita mo rin," Sagot niya saka mabilis na tumingin sa akin. "H-hindi ba nga wala nga silang barya?!"
"E-money? Card?"
"Down ang system. They don't accept cards." Mabilis na sagot ni Seungcheol.
Napaayos na ako ng upo saka siya tiningnan habang nakataas ang isang kilay. "What kind of store is that? All of the convenience stores accept credit cards!"
"Hindi lahat. Hindi nga nila tinanggap."
"Sigurado ka?" Usisa ko. "Baka naman –"
"B-baka a-ano?! Wala akong ginagawa, Eunbi! Binigay ko card ko pero 'di tinanggap! Wala rin daw silang barya kasi nai-sukli na raw 'dun sa iba. I-ikaw naman!"
"Woah! There's no need to raise your voice at me! Sabi ko lang naman baka wala ka na talagang cash at baka nagpapalusot ka lang na wala silang barya," Kunot-noo kong paliwanag. "You sound so defensive, huh!"
"Hindi ah," Sagot niya at napalunok. Nakatingin siya sa daan pero kitang-kita ko sa mga mata niyang may tinatago siya. Hinayaan ko nalang dahil hindi ko rin naman gustong malaman. "Chan, gumising ka na. Malapit na tayo." Sabi niya saka sinulyapan si Chan na natutulog sa backseat habang nakasuot ng seatbelt.
"Poor kid. He looked so tired. Sana pala hindi ko nalang sinama para nakapagpahinga ng maayos." I pitied him.
"Pwede pa naman natin siyang ibalik sa bahay. Tulog naman kaya hindi niya malalaman. Ano?" Nakangising sabi ni Seungcheol kaya naman napairap ako.
"Just focus on your driving!" I scowled.
❦
"Behold the beauty of nature!" Masiglang sabi ni Seungcheol pagkatapos tumakbo patungo sa picnic ground saka umikot ng ilang beses. Huminto lang siya nung mahilo. Madalas talaga hindi ko ma-distinguish ng maayos kung sino ang matanda na at bata pa sa kanilang magpi-pinsan. Lahat kasi isip-bata pa.
Malawak at napaliligiran ng matataas na puno ang lugar. Berde at buhay na buhay ang kulay ng mga damo. Kakaonti lang rin ang mga tao kaya mas maluwag at preskong tingnan ang picnic ground.
"Naisip mo 'to? Hindi ko alam gusto mo pala 'yung mga ganitong bagay. This is so not you." Sabi ko kay Seungcheol pagkatapos nilang maghabulan ni Chan.
Huminga siya ng malalim, hinabol ang hininga bago sumagot. "Ano ba tingin mo ang gusto ko?" Napapangiti niyang sabi.
"Obviously, closed areas and basketball."
Bigla siyang tumawa. "Hindi naman porket atleta ako, 'yun nalang ang gusto ko o ang buhay ko. Mahilig 'din akong lumabas para makapagpa-hangin. Gusto ko rin ang mga bulaklak pero 'di tulad ng pagkahilig ni Myungho. Mahilig akong kumain tulad ni Seungkwan, at gusto ko rin ang mapag-isa at magmuni-muni minsan kagaya mo."
"Excuse me, hindi ako nagmumuni-muni!"
"Ang dami kong sinabi, 'yun lang napansin mo," Kamot-ulong sabi ni Seungcheol. "Tingin mo ba corny 'tong mag-picnic? Naisip ko baka magustuhan mo lang. Halos lahat kasi ng naka-date ko, tuwang-tuwa nung dinala ko sila rito."
YOU ARE READING
In Between The Brothers (SEVENTEEN x GFRIEND FF)
FanfictionThey say that blood is thicker than water... And 'brothers first before others'. But what will happen if they all fall in love... ...with the same girl? 13 hearts. 1 girl. HIGHEST RANK: #1 in HOSHI category #1 in EUNHA category #7 in JUNHUI categor...