Eunbi's
Nung makita nila ang itsura ni Mingyu, hindi na natigil sa pang-aasar si Seokmin hanggang sa makarating kami sa bahay.
"Sa lahat naman nang pwedeng patulan, Mingyu, si Jungkook pa talaga," Ngiwi ni Seungcheol saka isinandal ang likod sa sofa. "Hindi mo ba alam na black belter 'yun sa taekwondo nung middle school?!"
"True ba?" Gulat na sabi ni Seungkwan.
"Oo!" Tango ni Seungcheol.
"Sa tingin mo kung alam niya 'yun, gaganti pa siya? Syempre hindi!" Seokmin said after crossing his arms across his chest.
"Ang tanong, bakit mo nga ba kasi ginawa?" Jihoon commented while sitting in the armchair sofa with his legs crossed.
Hindi umimik si Mingyu.
Tiningnan ako ni Myungho bago nagsalita. "Hindi ako nagtitiwala sa itsura nung Jungkook kaya sinundan namin si Eunbi. Nagulat kami nung nasa loob siya ng kwarto na sinadyang i-lock. 'Yung Jungkook at 'yung babaeng kasama niya lang ang nandoon at kahina-hinala. Kakausapin lang sana namin sila pero mayabang 'yung Jungkook at biglang sinuntok si Mingyu," He explained. "Walang kasalanan dito si Mingyu."
I just nodded in response. But I think it's a wrong move dahil mas sumakit lang ang ulo ko mula 'doon sa pagkasabunot sa akin. Curse that Yein fake and his brother!
"Kilala mo ba sila Eunbi? May alam ka ba kung bakit nila ginawa 'yun saiyo?" Tanong ni Jeonghan na pagdating na pagdating sa bahay, mukhang alalang-alala na sa amin.
"Yein and I are in the same club. Nakaka-kwentuhan ko. Si Jungkook, I don't know him personally pero unang beses ko siyang nakita, tinulungan niya si Yewon."
"Paanong tinulungan?"
"'Yung araw na nagtinda si Seokmin ng pictures from the trip, Yewon, our classmate, bumped into him. Nalaglag 'yung binili niya at tinulungan siya ni Jungkook. Since then, lagi ko na siyang nakikita." Sagot ko kay Seungcheol.
"Yein... parang narinig ko na 'yan." Pagsingit ni Junhui sa usapan habang nakakunot-noo na mukhang may inaalala.
"'Yung Yein na nakaka-kwentuhan mo, wala ka namang ibang sinabi sakanya?"
"What do you mean?" Tanong ko kay Hansol. Napatingin ako kay Jeonghan at naalala ko 'yung sinabi niya noon. "Kung iniisip niyong baka ipinagsabi ko na ang sikreto niyo, don't worry. I know how to keep a secret." I said and fake a smile.
Itinagilid ni Hansol ang ulo, nagtataka sa sinabi ko pero hindi na siya nagsalita.
"Hindi kaya..." Panimula ni Chan kaya napatingin kami sakanya. "Hindi kaya pinlano ka talagang ikulong 'dun, noona?"
"Bakit naman nila gagawin 'yun?" Kunot-noong tanong ni Hansol.
Wonwoo crossed his arms, pursed his lips and faced me with slanting brows. "Nakikita kong kinakausap ka ni Jungkook, bakit hindi na ikaw mismo ang umiwas? Hindi mo ba alam ang kasabihang 'stranger danger'?! Na delikado makipag-usap sa hindi mo kilala?!"
"So? Are you blaming me?! Ako na nga 'tong nasaktan, hindi ba?!" I shot back.
"Hindi ka naman maikukulong 'dun kung una palang, hindi ka nagpadalos-dalos!"
Napanganga ako. Wow, ah?! Hindi ba niya makitang ako ang biktima dito?! My gosh! The nerve of this guy na sumbatan pa ako!
"Kung hindi ka sana nakipag-palayagan ng loob doon sa hindi mo kilala, wala sanang ganito." Naiinis pang dagdag ni Wonwoo.
Napatawa si Jihoon kaya napatingin kami sa kanya. "'Stranger danger', huh?" Tila nang-aasar niyang sabi saka tiningnan ang mga kapatid at pinsan. "Lahat tayo hindi niya pa lubusang kilala. Ikaw... ako. Pwedeng isa sa atin ang manakit sakanya o maging dahilan para mapahamak siya."
YOU ARE READING
In Between The Brothers (SEVENTEEN x GFRIEND FF)
FanficThey say that blood is thicker than water... And 'brothers first before others'. But what will happen if they all fall in love... ...with the same girl? 13 hearts. 1 girl. HIGHEST RANK: #1 in HOSHI category #1 in EUNHA category #7 in JUNHUI categor...