Chapter 13: Run To You

246 63 10
                                    

Eunbi's

"H-hahanapin... d-diyan?!" Seokmin gulped and pointed at the school. Tumalikod ako at tiningnan ito. It looks different at night.

"Alam kong tanga si Seungkwan pero hindi naman siguro siya ganoon katanga at magsta-stay diyan sa school ng ganitong oras. Wala nang tao diyan, at kung nandiyan nga siya, kanina pa siya lumabas," Katwiran ni Wonwoo. Pansin kong ang haba ng sinasabi niya tuwing may sasabihin siyang masama tungkol sakanila. "Mauna na tayo. Uuwi rin 'yun."

"Tagal niyong kasama sa bahay, hindi niyo kilala?" Sabay-sabay kaming napatingin kay Jihoon. Dahan-dahan niyang binaling ang tingin kay Wonwoo. Parang naiinsulto naman siyang tiningnan ni Wonwoo na nakaupo na sa loob. "Ganoon siya ka-tanga dahil nandiyan pa siya sa loob."

Wonwoo snickered bago kami isa-isang tiningnan. "Paano ka nakakasigurado?!"

"Kasi nakita ko siyang pumasok."

"Ganoon lang? Paano kung nakalabas na siya kanina at hindi lang natin napansin?"

"Niyo. Hindi natin. Hindi ko siya nakitang lumabas kaya alam kong nandiyan pa siya." Sagot ni Jihoon sa sinabi ni Mingyu.

"Sa tingin mo maniniwala kami saiyo?!"

"Hindi. At wala akong pake sainyo."

Hindi nakasagot sina Wonwoo at Mingyu pero napangiti si Myungho. It's a two versus one battle pero parang mas lamang pa si Jihoon. Both went speechless, eh.

"Babalik nalang ako sa café. Baka nasalisihan niya lang kami kanina," Hansol suggested. Nagtinginan kaming lahat sakanya. "Mauna nalang kayo sa bahay."

Hindi dapat ako makisali pero nandito narin lang ako. Gotta do what I have to do. "What if he's inside nga? Hindi ko pa ganoon ka-kilala si Seungkwan pero... paano kung nandiyan pa nga siya, 'di ba?"

"Naniniwala ka diyan?" Mingyu hissed saka dinuro si Jihoon. I raised a brow.

"I only trust my gut," Depensa ko. "Wala namang mawawala kung titingnan natin. Paano kung nandoon nga siya at na-lock sa library? He's into studying lately, paano kung bigla siyang nakatulog doon? Kayo narin nagsabi na tanga si Seungkwan."

Nanlaki naman ang mga mata ni Junhui bago tumango-tango. "May punto ka," I smiled wryly at him. I always have a point. "Kaya saiyo ako, eh!" He said and winked.

"Nutcase! I'm going in. Who's with me?"

"No one." Taas-kilay na sagot ni Mingyu.

"Kung natatakot ka pumasok, you can join Hansol sa café. Hindi naman kita pipilitin."

"Hindi ba kahibangan 'to?! Paano kung pumasok tayo diyan tapos wala siya?!"

"Edi wala. Wala namang mawawala kung iche-check natin." Sagot ko kay Seokmin.

"Akala mo lang wala, pero meron! Meron!" Nag-akto pa siyang akala mo nasa drama. I rolled my eyes at his ka-OA-han. "Madilim na diyan. Baka biglang may mangagat at hindi na tayo makalabas ng buhay at buo."

Napailing ako. "Seriously? Mangangagat talaga? Patay lang ang mga ilaw pero walang zombie diyan. Kung takot ka rin, you can join Mingyu and Hansol naman."

"Sinong nagsabing natatakot ako? Hindi ako takot! Hindi lang ako nagtitiwala diyan! Paano kung pakulo niya lang pala 'to na papasukin tayo? Magpapaka-pagod pa tayo para sa wala!" Mingyu opposed.

"Lagay mo sa mug na may kape. Haluin mo tapos inumin mo. Pakulo pala, eh." Napaka-pilosopo ng Jihoon na 'to. But I like that. Mas naiinis niya sila Mingyu. Baka mamaya magkasapakan na sila at ayon ang gusto kong mangyari kaya ipagpipilitan kong pumasok dahil alam kong hindi sila sang-ayon kay Jihoon.

In Between The Brothers (SEVENTEEN x GFRIEND FF)Where stories live. Discover now