Chapter 23: Trauma

207 38 23
                                    

Eunbi's

"What kind of shirt is this?!" Nakangiwi kong sabi habang hawak ang t-shirt na binigay sa akin ng kaklase kong babae.

The day. Si Dad ang naghatid sa akin ngayon sa school. Exactly 7 o'clock in the morning, nandito na ako sa field para sa last minute training ko with the girls kaya hindi ko kasabay ang mga lalaki ngayon.

"Our class shirt." Ngiti-ngiting sabi ni Yewon. Tumango-tango naman 'yung tatlo.

"Baka naman shit?!" Nandidiri kong sabi. "This is the ugliest print I've seen in my whole life! I am not wearing this trash!"

Pinasadahan ko ng tingin ang hawak kong t-shirt. A blue navy shirt na may print ng mga mukha ng participants namin for the boys relay. Meaning, mukha nina Myungho, Mingyu, Jihoon, Wonwoo at nung noisiest in our class. Like seriously, paano ko pagbubutihan ang pagtakbo kung may mukha nila ang ipapasuot sa akin?! Baka malasin pa ako at madapa!

"Look, the only ugly here is this one," Sabi ng ka-group kong si Nayeon saka tinuro ang mukha nung maingay naming kaklase sa suot niyang t-shirt. The four of them is already wearing it at nakakatawa silang tingnan. "Nakasanayan na every Sports Fest, dapat may unique attire ang every class. Ito na nga ang less weird na suot, eh! Alam mo ba last year, naka-suot pa kami ng black capes, cat ears at boots?!"

"Tapos 'yung mga lalaki, kulang nalang ng itim na brief, mukha na silang si Batman." Dagdag ni Dahyun. Napangiwi ako ngunit napangisi rin nang maisip kung anong itsura nung apat kapag naka-ganoon. "May award kasi ang may best attire. Kung gusto mong saktan 'yung nag-isip nito, sisihin mo 'tong panget na 'to. Sila-sila ang nag-print nito." Sabi niya at muling tinuro 'yung kaklase naming lalaki sa t-shirt niya.

"Ano, Eunbi? Suotin mo na."

"Oo nga. Wear it na." Udyok ni Sana.

Ilang beses akong napabuntong-hininga bago nagsalita. "How about the others?! Tayong lima lang ba ang magsusuot ng ganito? How about the boys sa relay?! Ayoko namang tayo lang ang kahiya-hiya!"

Nanlaki ang mga mata nila bago nagtinginan at ngumiti. "Makikita mo rin."

After ng last minute training, nagpunta ako sa restroom para makapagbihis na dahil pinagalitan ako ni Miss dahil ako nalang ang naka-P.E. t-shirt sa aming lima. Urgh! Bakit pa kasi nauso 'tong ganito, 'di ba?!

Paglabas ko ng cubicle, inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko at nag-clip ng silver hairpin. The print may look bad but that excludes me. Maganda parin ako sa kahit anong isuot ko. Inayos ko ang suot na dolphin shorts at natuping white socks bago nagpagpag ng sneakers at lumabas.

"Hi."

Hindi ko pinansin 'yung nagsalita at dumiretso lang ako sa paglalakad.

"Bakit ka nakasimangot?"

Nakahabol na siya at sumasabay na sa aking maglakad. Hindi ulit ako nagsalita.

"May problema ba?"

Napabuntong-hininga ako bago pinasadahan ng tingin si Soonyoung. Bigla siyang ngumiti. "Kinakabahan ka siguro, 'no? Balita ko kasali ka daw sa relay race."

In Between The Brothers (SEVENTEEN x GFRIEND FF)Where stories live. Discover now