Chapter 3: Shhh

406 67 0
                                    

Eunbi's

"Get lost! Hindi ako papasok ngayon!" Sigaw ko pero patuloy parin ang pagkatok ng maid sa pinto ko. Halos 2 minutes narin niya akong kinakatok at naririndi na ako.

"Ma'am, Eunbi, hindi nga po pupwede! Binilin ka po ni sir at ma'am sa amin dahil hindi sila makakauwi ngayon. Mahigpit pong pinagbilin ni sir na bantayan at 'wag ka daw pong hayaang hindi pumasok!"

"Mukha ba akong bata para bantayan pa?!"

"'Wag niyo pong masamain ma'am pero..."

"At sasagutin mo talaga?! Tsk. Kung iniisip mong papatalsikin ka ni dad, don't worry, akong bahala sayo, just leave me alone!"

"Pero ma'am -"

"Alis!"

Biglang nanahimik. Maya-maya nakarinig nalang ako ng mga yabag paalis. Sa wakas, napagod 'din siya. Pinilit kong pumikit ulit pero hindi na ako makatulog kaya umupo nalang ako at kinuha ang libro sa side table ko. Distracted man dahil sa nangyari kahapon, pinilit ko parin magbasa. Hindi ko hahayaang maapektuhan ako ng Junhui na 'yun.

Tanghali na nang maisipan kong lumabas. Nagpalit ako ng damit at nag-toothbrush. Bubuksan ko palang ang pinto, sakto naman na may kumatok. I was expecting na 'yung maid na naman 'to pero hindi.

"Okay ka na ba?" Nakangiti niyang bungad sa akin dala ang isang tray na may pagkain. I can see na he's looking at may hair kaya napairap ako. He chuckled. "Ganyan talaga 'yun. Wala kasing kalaro nung bata kaya ngayon nangungulit."

"What he did to me was disgusting! Hindi ko mapapayagang maulit pa 'to sa akin!"

"Wala pa 'yun sa ginawa niya sa amin. Gusto mo bang isa-isahin ko pa?"

"No thanks. Wala akong pake!"

He chuckled again. "Nagtha-thank you ka naman pala. Bakit nung hinatid kita hindi?"

"'Yun lang ba ang gusto mong marinig kaya nag-presinta kang tanggalin 'yung gum sa ulo ko kahapon?!" I huffed. Pumasok naman siya sa kwarto saka nilapag ang tray sa side table. Umayos siya ng tayo at nilibot ng tingin ang kwarto ko at napangiti pa. "Okay... thanks! Thank you! Happy now?! Makakalabas ka na!"

"Very much," Sagot niya. "Anyway, about the car, sa akin 'yun. Kahit hindi mo tinatanong, Hanhan says he forgive you."

"I am not sorry for kicking your seat. You deserve it after all." I said with my head high. Tumawa siya at ginulo ang buhok ko.

"You are too brave for your height!"

Pinalo ko ang kamay niya. "And you're so cheesy for naming a luxury car like that!"

"Hey! Cute kaya," Reklamo niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Tumawa na naman siya. "Okay. Medyo weird nga. Galing sa pangalan ko 'yun, eh, since it's my first car. Anyway, I'm Jeonghan Lee, panganay na anak ni Gyungmi at hindi manong driver."

Tinitigan at pinag-isipan ko pa kung tatanggapin ko ang kamay niya. Umiling naman siya at shinake-hands nalang ang sarili. Napairap nalang ako. Pare-parehong may sayad ang mga lalaki dito. "I'm Eunbi Jung, only child, so, stay away from me."

Umiling siya pero nakangiti parin. What's wrong with this guy? Mapunit sana ang labi niya. "'Nga pala, bakit pinahirapan mo si manang? Bakit hindi ka pumasok?"

"Wala ka na 'dun," Sagot ko at umupo sa kama. Hindi siya nagsalita pero nakatingin lang siya at mukhang naghihintay sa seryoso kong sagot. "Hindi porket dinalhan mo ako ng pagkain, kakausapin na kita."

"But you're already talking."

"Can't you just leave?!" Buwelta ko.

Nawala ang ngiti niya. "Seryoso ako. Second day palang, um-absent ka na. What's wrong? Is this about my brothers?"

In Between The Brothers (SEVENTEEN x GFRIEND FF)Where stories live. Discover now