Chapter 24: Just Do It

241 40 26
                                    

Eunbi's

After namin alisin ang mga harina sa katawan namin, bumalik na kami sa field.

Nagkasalubong pa kami ni Jihoon kaya tinanguan ko siya. "How's the taste of victory?" Pang-aasar ko dahil nalagyan ko siya ng harina sa labi nung nagkakagulo na kami. He literally tasted his victory.

He just 'tsk'- ed before walking pass me.

Napatawa nalang kami nina Yewon and the other girls bago umupo sa bleachers at hinintay na mag-start ang main game.

"Nervous?" Dinig kong sabi ni Myungho pagkatapos niyang umupo sa tabi ko.

"Hindi naman," Sabi ko habang hindi inaalis ang mga mata sa mga naglalaro. "Actually, medyo. Naiisip ko na baka mabagal pala ako compared sa iba. Tapos paano kung madapa ako, 'di ba? Lahat manunuod at super nakakahiya 'yun."

Kita ko sa peripheral view ko na tumango siya. "'Wag kang matakot madapa, Eunbi."

Napailing naman ako habang nakatingin parin ng diretso. "I'm not. I just don't want people to laugh at me. Alam mo naman ang mga tao, konting mali, pagtatawanan."

"Kapag nadapa ka, ibig sabihin lang n'un, tumakbo ka. May sinubukan ka. Hindi ba't mas nakakahiya 'yung mga tatawa? Pinagtawanan nila 'yung taong lumalaban."

Binalikan ko siya ng tingin at hindi ko napigilang mapakunot-noo. "That's deep!"

"Kapag nadapa ka, tumayo ka. Pero 'wag kang mahihiya. Lahat ng tao nararanasang madapa. Doon tayo natututo," Sabi niya at tipid na ngumiti. I can't disagree. He has a point. Kahit papaano nabawasan ang kaba ko. "'Wag mong isipin ang trophy, isipin mo 'yung na-practice niyo. Kung hindi man manalo, ayos lang." Nakangiti niyang sabi.

"You know I have to. We have to kundi magagalit si President." Sabi ko at tumango sa pwesto nila Wonwoo.

Napangiti siya ulit. "Pressured."

"Sino bang hindi? Nung training pa lang, hindi siya naniniwalang kaya namin kaya gusto kong patunayang nagkakamali siya."

"Kailangan ko narin palang galingan."

"Dapat lang!"

Naramdaman ko nalang na may ipinatong siya sa kamay ko. "Kahit hindi mo na patunayan sa kaniya. Panalo ka na." Sabi niya saka tumayo at bumaba ng bleachers.

"What is this for?" Kunot-noo kong sabi pero hindi na siya lumingon. Napakunot-noo nalang ako habang naguguluhang napatingin sa binigay niyang bulaklak sa akin: isang pink peony.

"Waaah! Congrats Senior Class A Girls!" Sigaw ng mga kaklase namin pagdating ko sa finish line. Sobrang gulo. Hindi ko na alam kung sino ang nakayakap sa akin habang tumatalon at nagce-celebrate. Tumalon nalang 'din ako kahit na hinihingal parin ako sa pagtakbo. We did it.

Habang nagkakagulo, hinahanap ko si Myungho. Tinaas ko ang baton ko habang nakangiti and mouthed 'Thank you' to him.

Nakangiti naman siyang tumango bago lumapit sa akin at ginulo ang buhok ko. "Congratulations! I know you can do it."

In Between The Brothers (SEVENTEEN x GFRIEND FF)Where stories live. Discover now