Eunbi's"Bakit ka ulit nandito?" I should be thanking her dahil na-distract niya si Wonwoo kanina pero half of me is still irritated dahil kasalanan niya kung bakit ako naipit at muntik mapaaway kanina.
"Hindi ba si Hwang 'yun?"
"Balita ko Eunbi rin 'yung kasama niya."
"'Yung transferee sa section A?"
"O, talaga? Magka-pangalan pala sila."
"Sino mas maganda?"
"Si Hwang syempre!
Sinamaan ko nang tingin 'yung tatlong lalaki na dumaan. Mga bwiset. Hindi ba nila alam na kapag nagchi-chismisan, dapat mahina lang ang boses lalo na kung nasa malapit ang pinag-uusapan?! Wala silang karapatang pagkumparahin kami dahil lang we're sharing the same name!
"Why are you here again?!" Pag-ulit ko sa tanong ko pagkaalis nung mga lalaki. Kami nalang ang naiwan sa classroom dahil lumabas na si Wonwoo. Nagbilin pa siyang bumalik ako sa soccer field. Ano siya hilo? I won't go back to that place!
I snapped my fingers dahil parang wala na sa sarili 'tong si Jologs. Nakatulala na.
"Sorry! May naisip lang," Kamot-ulo niyang sabi saka ngumiti. "Hinanap kita kasi may nagsabi sa aking kasama mo daw si Wonwoo. Napanuod mo ba 'yung Krypton? Okay ka lang ba? Nagka-hiwalay kasi tayo." Napairap ako. 'Yung tono ng pagkasabi niya ay para bang nag-alala sa pagkawala ko. Who knows? Baka sinadya niya talagang iwan ako para maipit sa crowd.
You know, I don't trust anyone.
"Ah yes! Nag-enjoy ako, sobra." Liar. Hindi naman ako ganoon kababaw para mag-enjoy sa ganoong klaseng event.
"Good! Ikaw, ah?! Close pala kayo?!"
"What do you mean?"
"Hindi ba kanina? Parang seryosong-seryoso 'yung pinag-uusapan niyo. Ayaw ka pang paalisin," Pinatong niya 'yung braso niya sa balikat ko saka ako inakbayan. "Binusted mo ba?" Bulong niya.
"Pinagsasabi mo?!" Eew to the nth level. He's obviously pertaining to Wonwoo.
"Edi words. Nako, tukayo! Kunwari ka pa!"
Bukod sa jologs at feeling close, malisyosa rin pala. I should stay away from these kind of people dahil wala itong magandang idudulot sa akin. "Hindi ako nagkukunwari. Wala akong dapat ipag-kunwari." That hit me for a second. Nagkukunwari nga pala ako. Pretending to be nice at home to ruin Dad's wedding.
"Hindi nga? Bakit namumula ka?!"
"Tigilan mo ako!" Naiirita kong sabi saka inalis ang kamay niya sa balikat ko at naglakad. Narinig ko ang pagtawa niya.
"Joke!" Sabi niya nang mahabol niya ako. Sumasabay na siya sa paglakad ko. "Pero close nga kayo ni Wonwoo?" Usisa niya.
"Hindi." Diretso kong sagot.
"Weh? Baka naman dini-deny mo lang?"
"Wala akong oras para sa ganyang bagay."
"Hmm. Ang weird kasi. Ngayon ko lang nakita si Wonwoo na may kausap na babae, bukod sa mga co-officers niya."
"So? What's the big deal? President ng klase namin si Wonwoo. Natural na 'yun." Hindi nga mahilig makipag-usap sa klase si Wonwoo. Bukod nalang kapag may ipapagawa si Miss na activity o may papagalitan siya. Most of the time, he's talking to Mingyu or Myungho lang.
"Hindi, eh! Sigurado ka ba talaga?!"
It doesn't make sense. That doesn't make me an exception. Ano ba si Wonwoo sa tingin niya? Prinsipe at big deal kapag may kausap na babae?! "Bakit mo ba tinatanong?! May gusto ka ba sakanya?"
YOU ARE READING
In Between The Brothers (SEVENTEEN x GFRIEND FF)
FanfictionThey say that blood is thicker than water... And 'brothers first before others'. But what will happen if they all fall in love... ...with the same girl? 13 hearts. 1 girl. HIGHEST RANK: #1 in HOSHI category #1 in EUNHA category #7 in JUNHUI categor...