Eunbi's
Katatapos ko lang magbihis when I hear someone knocking at my door. "Who's there?" Tanong ko while tying my hair up. My hair is pretty long already at naiirita narin ako and thought of getting a haircut.
"Junhui."
Nakauwi narin pala ang isang makulit. "Junhui, who? Wala akong kilalang ganon." Kibit-balikat ko saka lumapit sa mirror para i-check kung maayos ang pagkakatali ko.
"Ako 'to si Junhui na mahal na mahal ka."
I snorted before opening the door at sinamaan siya ng tingin. "Ha-ha-ha. Tumawa na 'ko kahit napaka-corny mo!"
"Sus. Sa sobrang kilig bigla mo ngang binuksan?" Nakakaloko niyang sabi.
I rolled my eyes. "Eww. Binuksan ko kasi lalabas na ako. Dinner na. Feeler ka!" Hindi naman niya pinansin ang sinabi ko at tumawa-tawa lang. Tuwang-tuwa sa kabalbalan niya. Babaw ng kaligayahan.
Naglakad nalang ako pero he followed. "Sandali lang. Parang may mali saiyo."
He went in front of me at naniningkit na tumingin sa magkabila kong pisngi, pababa sa mga paa, umikot pa para tingnan ang likod ko bago binalik ang tingin sa mukha ko. "Parang may iba?"
"Pinagti-tripan mo na naman ba ako?!" Sagot ko na patanong. "Hindi na ako naniniwala saiyo. Palagi kang maloko. Baka may ilagay ka na naman sa akin!"
"Hindi nga. Totoo 'to. May iba nga saiyo."
"You attempted to scare me when you handed me a fake frog pagdating ko dito at nilagyan mo ako ng gum sa ulo nung first day ko sa school. Ano naman 'to ngayon?!"
Napailing siya bago dahan-dahang inangat ang kamay. I knew it. Sasalagin ko pa sana ang kamay niya pero mabilis niya itong nailagay sa buhok ko. Urgh! Damn this crazy height difference! "Ayan." Sabi niya saka sinuot sa wrist ang scrunchie ko.
"What's wrong with you?!" Reklamo ko dahil sa pagtanggal niya sa pagkakatali ko.
"'Wag mo nang uulitin. 'Di bagay."
"What?!"
"Ang laki ng mukha mo."
"A-anong sabi mo?!"
"Pinapayuhan kita. At least ako lang nakakita. 'Wag mo nang gagawin pa 'yan."
Napahawak ako sa mukha ko.
Malaki nga ba talaga?!
"Malaki nga. Sasabihin ko ba kung hindi?"
"Fine! Give my scrunchie back!"
Hinubad niya ito at nilaro sa kamay. Aagawin ko palang nang itaas niya ito. "Kunin mo sa baba, Eunbs, laki mukha." He teased saka tumalikod at naglakad na.
❦
"It's nice to see all of you gathered here. Para akong nananaginip. It's been years simula nang magsama-sama ulit tayong kumain. Sayang nga lang at hindi parin makauwi si Jisoo dahil sa busy schedule niya." Sabi ni Gyungmi pagkatapos nang mahaba at boring na kamustahan. We're halfway through finishing our food nung sabihin nilang may good news sila ni Dad.
"Masakit ba ngipin mo?"
"Huh? Why?"
"Pansin ko kasi kanina ka pa nakahawak sa pisngi mo." Mahinang sabi pa ni Hansol, he's sitting on my left side.
Ang bwiset na Junhui na 'yun! He made me uncomfortable. Nabo-bother tuloy ako kung totoo ngang malaki ang mukha ko o tumaba lang ang pisngi ko! I hate him!
YOU ARE READING
In Between The Brothers (SEVENTEEN x GFRIEND FF)
FanfictionThey say that blood is thicker than water... And 'brothers first before others'. But what will happen if they all fall in love... ...with the same girl? 13 hearts. 1 girl. HIGHEST RANK: #1 in HOSHI category #1 in EUNHA category #7 in JUNHUI categor...