Eunbi's
Papunta na ako sa cafeteria nang may tumawag sa akin. Bago pa ako makalingon, nakasabay na siya sa akin sa paglalakad. "Chan? Bakit nandito ka?""Sasabayan ka."
"Bakit?!" Medyo malayo ang building ng Sophomores dito, hindi gaya ng building ng Juniors. Dumayo pa talaga siya.
"Ayaw ko namang maging loner ang ate ko. Tsaka gusto rin kitang makausap."
I cringe at the word 'ate'. Feel na feel niya talagang magiging ate niya ako, huh. "Hindi naman ako loner!" Giit ko.
Tumingin siya sa kaliwa't-kanan ko at ngumiti ulit. "Hmm... alone lang? Pero nandito na ako. May kasama ka na."
"Oo na!" Napairap nalang ako. I'd rather call myself an individualist. Nasanay na akong mag-isa kaya I enjoyed being alone. "Bakit gusto mo akong makausap?"
"Tungkol sa amin..."
"Oh?"
"Salamat... kasi tanggap mo na si mama."
Gusto kong tumawa at pumalakpak for a job well done. I am so proud of myself!
Nagkwento lang siya hanggang sa maka-order at maka-upo kami. Ang kulit niya. Ang weird pa tumawa pero ang cute.
"Alam mo ba, noona, sobrang sumaya si Mama nung dumating si Tito Eunhyuk!"
Gusto kong bawiin 'yung cute. "Sa dami niyo imposibleng ngayon lang siya sumaya! Nagpapatawa ka ba, ha?!"
"Totoo 'yun, noona! Ngayon ko lang nakita si Mama na ganito kasaya pagkatapos mawala ni Papa," Napataas na ang kilay ko. 'Sumaya kasi nakilala si ganito' blah-blah is so gasgas na. "Five years old lang ako nung namatay si Papa. Nagkaroon naman siya ng ibang manliligaw pero wala rin. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti nang may buhay ang mga mata at hindi 'yun nagawa ng iba, si Tito Eunhyuk lang."
Ayos 'din 'to mag-kwento. May pa buhay-buhay pa ang mga mata. Nanunuod siguro 'to ng mga Romantic-Comedy movies!
"Noona?!" He snapped. Hindi ko namalayang napatulala na pala ako. "Nakikinig ka ba?"
"Oo! Mag-kwento ka lang."
Ngumiti siya bago nagpahalumbaba. "Ano pa ba? Hmm... ah basta! Thank you talaga! Akala ko hindi mo kami matatanggap kasi pagdating mo dito, sobrang sama mo makatingin tapos lagi ka lang sa kwarto."
"Talaga ba?" Nagkunwari pa akong nagulat. "Hindi kasi ako sanay na may mga lalaki sa bahay bukod sa Dad ko, eh."
"Kami rin naman, noona, eh! Hindi kami sanay na may babae sa bahay," Maniniwala ba talaga ako sa sinasabi niya?! Sa itsura ng mga kuya niya, imposibleng hindi sila sanay sa babae. "Maniniwala ka bang ikaw ang unang babaeng nakapasok sa bahay bukod kay mama at sa maids?!"
"Hindi." Mabilis kong sagot.
"Oo nga, promise!" Nagtaaas pa siya ng kanang kamay. "Sabi kasi ni Mama, once na magdala ng babae sila kuya sa bahay, dapat 'yun na daw 'yung seseryosohin at papakasalan nila. Kaya hindi sila nagdadala maliban nalang kay kuya Jun!"
"Paano pag gagawa lang ng projects?!"
"Edi sa labas. Sa coffee shops. 'Wag lang sa bahay." Wow. Dami nilang alam.
"Eh 'yung mga lalaking dinadala ng mama mo sainyo, 'yun na pinapakasalan niya?!"
"Si Tito Eunhyuk palang dinadala niya. Ngayon, magpapakasal na sila. Galing, 'di ba?!" Ngiti-ngiti niyang sabi. I crossed my arms saka napasandal. Muntik pa akong mahulog dahil wala naman palang sandalan. "Hala! Noona, ayos ka lang ba?!"
YOU ARE READING
In Between The Brothers (SEVENTEEN x GFRIEND FF)
FanfictionThey say that blood is thicker than water... And 'brothers first before others'. But what will happen if they all fall in love... ...with the same girl? 13 hearts. 1 girl. HIGHEST RANK: #1 in HOSHI category #1 in EUNHA category #7 in JUNHUI categor...