Chapter 6: Eunbi

260 64 6
                                    

Eunbi's

"If I call your name, raise your hand and say present." Sabi ng P.E. teacher.

Inayos ko muna ang pagkakatali ng buhok ko habang nagro-roll call si Sir. Nandito kami ngayon sa indoor court na nasa fifth floor for our P.E. subject at muntik pa akong ma-late dahil napagod ako kaka-akyat. Bakit kasi walang elevator dito!

"Ikaw si Jung Eunbi, 'di ba?"

"Yes, I am. Why?!"

"Kanina ka pa tinatawag ni Sir Park." Sabi pa niya at tinuro si Sir. Mukhang ako na ang tinawag dahil nakatingin siya sa akin.

"Present." I said and raise my hand. Tumango si Sir and continued. Umupo muna ako sa bench dahil medyo matagal pa ito.

Everyone looks so excited kaya ang ingay-ingay. Kanya-kanyang kwentuhan ang mga kaklase ko habang hinihintay ang ipapagawa sa amin ni Sir kaya may mga hindi naririnig 'yung pangalan nila.

"Ano sa tingin mo ang gagawin natin?" It was a guy's voice. Paglingon ko, si Myungho. Umupo siya sa tabi ko. Hindi ako sumagot. Nasungitan ko nga pala siya sa 7/11. "Kumusta? Hindi ka nilagnat?"

"Hindi. Mukha ba?!" Sarcastic kong sabi.

Sandali siyang natahimik. Nakatingin lang siya kaya na-concious na ako at nag-iwas ng tingin. "Ano 'yung nasa tenga mo?"

"Edi hikaw." I retorted. Hindi ko alam kung bakit kinakausap ko siya. I mean, okay naman siya it's just... I got strange vibe from him. Hindi siya tahimik gaya ni Wonwoo at at hindi rin maingay gaya ng Choi brothers. Kung kulay siya, he's neutral. Mysterious looking to the point that he's intimidating.

"Hindi 'to mukhang hikaw sa akin," My eyes grew wide nang may iharap siya sa aking bulaklak na mukhang kinuha niya sa likod ko. "Red rosebud... for a lovely lady like you." Nakangiti niyang sabi saka ito tinapat sa akin pero hindi ko ito kinuha.

"Where'd you get that?!"

Hinawakan ko ang likod ko at baka nilagay niya na 'to sa akin bago siya umupo dahil wala naman akong nakitang hawak niya.

"Magic."

"Tsk. Imposible. Walang ganon."

Ngumiti pa siya ulit. "Take it." Pinaningkitan ko muna siya bago tinitigan ang bulaklak. Baka may kung ano doon at baka prank lang 'to. "Hindi 'to didikit saiyo, 'wag kang mag-alala. This is real and... safe." He explained and giggled a little.

"Just making sure! Mahirap na!"

"Everyone... line up!" Tawag ni Sir. Nagsipagtayuan at nagsipaglapitan na 'yung iba kaya wala na akong nagawa kundi tanggapin 'yung bulaklak kay Myungho.

"Hindi ko alam kung para saan 'to pero –"

"You're welcome." Sabi niya at tumayo.

I was left stupefied. See? He's obscure!

Tumayo narin ako at naki-pila. Sir Park is giving instructions para sa exercise na gagawin namin nang may lumapit sakanyang babaeng naka-formal attire. "Sorry to interrupt your class, Sir, may estudyante ka bang Eunbi ang pangalan?"

Nagpantig ang tenga ko. Napalingon pa sa akin sina Wonwoo, Mingyu at Myungho. "Oo. Bakit anong kailangan?" Tanong ni Sir.

"Pinapatawag sa guidance office."

Nagtinginan na sa akin ang lahat. May ibang nagbulungan at masama ang tingin sa akin. Hindi ko hinintay na tawagin pa ako at kusa na akong lumapit. Wala namang ibang Eunbi dito kundi ako lang.

"Sumunod ka sakin, Ms. Eunbi."

"Alam mo ba kung bakit nandito ka?" Seryosong tanong sa akin ng Principal pagpasok ko sa guidance office. Before I could speak, he continued. "Hindi namin tino-tolerate ang kahit anong uri ng karahasan sa eskwelahang ito. Pero dahil bago ka lang, papalampasin ko 'to ngayon kung ipapangako mong hindi ka na uulit."

In Between The Brothers (SEVENTEEN x GFRIEND FF)Where stories live. Discover now