Third Person's
Habang pinapaliwanag ng kanilang guro ang assembly, natagpuan ni Hansol ang sariling nakangiti, hindi dahil sa muling mapapaaga ang uwi nila, kundi sa matagal na niyang plano na maisakakatuparan na.
"Kwan!" Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at dumiretso sa upuan ng pinsang nagbubunyi para sa maagang uwian.
"O, problema?"
"Tara sa room nila Eunbi! Bilis!" Sabi niya at kinuha ang bag ng pinsan saka ito itinayo at hinatak palabas ng kwarto.
Hinihingal dahil sa layo ng tinakbo, parehong napahawak ang dalawa sa kanilang mga tuhod. Nagrereklamo ang pinsan pero hindi ito pinakinggan ni Hansol nang makabawi siya ng lakas.
"Kwan, please shut it, just this once!" Pagmamakaawa ni Hansol saka itinuon ang tingin sa kwarto para hanapin ang dalaga. Nang mamataan ang dalaga, natagpuan ni Hansol ang sariling nakangiti habang pinapanuod kung paano magpahalumbaba ang dalaga habang pinakikinggan ang gurong nasa unahan.
"How could you tell me to shut up when I almost slipped when you dragged me here?!" Inis na inis na reklamo ni Seungkwan. Sandaling nanlaki ang mga mata ni Hansol sa gulat dahil sa diretso at maayos na ingles nito. "What?! Don't give me that look! I'm trying my best!" Giit nito.
Naibuka ni Hansol ang bibig. Napangiwi naman ang pinsan, nagtataka sa sasabihin niya. "Seungkwan Choi, you've improved!"
"I did... what?!"
"'Yung grammar mo!" Natatawang sagot niya sa pinsan. Unti-unti itong napangiti.
"Hindi na masakit sa ulo?!"
Natatawa siyang napatango.
Napahawak ito sa bibig, hindi makapaniwala sa mga lumabas sa bibig. "Shocks! Me so amazing!" Laki-mata nitong sabi saka nagtatalon sa tuwa.
Parehong malaki ang ngiti, nagpalakpakan ang dalawa para sa isa't-isa. Sa ilang buwang pagbabasa ng ingles na libro ng kaniyang pinsan, may nakuha narin ito.
"Sino ba 'yang maiingay diyan sa labas?!" Nahinto na lamang ang pagsasaya ng dalawa ng biglang tumingin sa kanila ang masungit na guro na nasa loob. May dala-dalang stick, lumabas ito ng kwarto kaya naman nagkatinginan ang dalawa bago mabilis na kumaripas ng takbo.
Nang makalayo, tumigil ang magpinsan sa pagtakbo saka napahawak muli sa tuhod habang hinahabol ang hininga. "Walastik! Hindi magandang salubong 'yun para sa perfect english ko, ah!" Reklamo ni Seungkwan. Hinihingal niyang tinapik sa balikat si Hansol. "Sabihin mo nga sa akin, bakit tayo nagpunta sa room ni Hwang?!"
Sasagot pa lamang siya nang matanaw ang isa pang Eunbi kasama ang kapatid.
"Oy! Si Eunbibe!" Tila nawala ang pagod na sabi ng pinsan sa kaniya. "Sandali... hindi naman siguro ako binulag ng great english skills ko, 'di ba? Bakit kasama ni Soonyoung ang Eunbibe ko?!" Ngiwi nito.
❦
Eunbi's
"Chan, can you pass me the glue?"
"Here, noona."
"Thanks, kiddo," Sagot ko at pinagpatuloy ang pagdikit ng popsicle stick sa miniature house project niya. Napakunot nalang ang noo ko nang makita ko siyang napanguso sa sinabi ko. "Bakit? Ayos ka lang, bata?"
YOU ARE READING
In Between The Brothers (SEVENTEEN x GFRIEND FF)
FanfictionThey say that blood is thicker than water... And 'brothers first before others'. But what will happen if they all fall in love... ...with the same girl? 13 hearts. 1 girl. HIGHEST RANK: #1 in HOSHI category #1 in EUNHA category #7 in JUNHUI categor...