Eunbi's
"Tukayo!" Sigaw ni Hwang nang makita akong palabas ng gubat. Patakbo siyang lumapit kasunod sina Mingyu at Wonwoo.
"What?" Tanong ko. Pinasadahan ko ng tingin ang dalawang lalaki sa likod niya. Ang atensyon nila ay nasa kasama ko.
"Bakit kasama mo 'yung killer? Ikaw ha! Kanina ka pa namin hinahanap tapos may kasama ka pala!" Inakbayan ako ni Hwang. "Sino 'yan? Nangangagat ba?" Bulong niya.
Suot-suot ulit ni Jihoon ang mask kaya hindi siya nakilala. Magsasalita palang ako nang tanggalin niya ang mask. "Si Jihoon."
"O, bakit kayo magkasama?" Tanong niya ulit. Seryosong nakatingin ang dalawa kay Jihoon. "Hindi ba si Mingyu ang partner mo? Naguguluhan ang brain cells ko!"
"Huh? Si Wonwoo ang partner ko."
Napakamot siya sa ulo. "Ganito kasi... si Wonwoo ang partner ko. Team A nga kami, eh! Tapos si Mingyu, ang partner mo sa Team B. Ibig sabihin, nagkapalit tayo ng partner! Sabi rin sa akin ni Mingyu kanina na ikaw daw partner niya." She explained.
"Paano mo nasabi? Pareho kayong Eunbi." Sabat ni Jihoon. Naguguluhan naman akong nagpalipat-lipat ng tingin sakanila.
"Did you write your full name sa form? First name lang nilagay ko." Sagot ko nang maalalang pangalan lang ang sinulat ko.
"Hindi..." Pabulong na sabi ni Hwang.
"Kanina ko pa kasi pinapaliwanag sainyo na si Eunbi ang partner ko sa Team A. Ikaw, Ms. Hwang, sabi mo sa Team B ka bumunot ng number, tapos sa Team A ka tumingin ng ka-partner. Doon palang mali ka na." Seryosong sabi ni Wonwoo kay Hwang bago humarap sa akin. "Ikaw naman, bakit hindi full name mo ang sinulat mo? Kaya akala nitong si Mingyu ikaw ang ka-partner niya sa Team B!"
"Huh? P-pero –" Hwang sighed. "Sorry."
Nakasimangot siyang tiningnan ni Wonwoo. "Ang simple ng instructions, hindi pa naintindihan!" Naiinis niyang sabi.
"Basta sure akong Team A ako." Sagot ko.
Napakamot sa ulo si Hwang, bakas na bakas sa mukha ang pagka-pahiya. "Pasensya na, Mingyu. Hindi ka tuloy nakalaro." Sabi niya at ngumiti ng pilit.
"Hayaan na." Sagot ni Mingyu.
Napatawa naman si Wonwoo.
"Wala nang mapapala ang sorry mo. Nangyari na. Kung hindi mo naman kasi naintindihan, nagtanong ka na sana agad."
Nakangiting napakamot sa ulo si Hwang.
"Ang shunga ko. Sorry na talaga."
"Mabuti alam mo." Sagot ni Wonwoo.
"Grabe ka naman! So what kung akala niya nagkapalit-palit ng partners?! Hindi ba iniwan mo rin ako sa loob?!" Reklamo ko.
Sinaman ako niya ako ng tingin.
I laughed in disbelief.
"Bawal ba talaga magkamali saiyo? Ano ba ang tingin mo sa sarili mo?! Diyos ka ba?!"
"Tama na 'yan." Saway ni Mingyu.
"Perfect ka ba?!"
"Sabing tama na 'yan!"
"Kung maka-asta ka, parang ikamamatay mo kapag may nagkamali sa paligid mo!"
"Tumigil ka na, Eunbi!"
"No, you stop!" Giit ko. "You were so harsh on Seungkwan dahil sa bumagsak siya. Ngayon, kami naman ang mamaliitin mo dahil sa simpleng pagkakamali na 'to?!"
YOU ARE READING
In Between The Brothers (SEVENTEEN x GFRIEND FF)
FanficThey say that blood is thicker than water... And 'brothers first before others'. But what will happen if they all fall in love... ...with the same girl? 13 hearts. 1 girl. HIGHEST RANK: #1 in HOSHI category #1 in EUNHA category #7 in JUNHUI categor...