Third Person's
"Mingyu, pwede mo bang bantayan ang anak ko? Nung mamatay kasi ang Mama niya, naging matigas ang ulo niya. Natatakot akong baka mapahamak siya habang walang ako dito. Ikaw lang ang pinaka-maaasahan ko sa mga kapatid mo dahil alam kong maiintindihan mo ako. Pwede mo ba akong tulungan bilang pangalawang ama mo at para na rin sa kaniyang nag-iisang babaeng kapatid mo?"
Tila paulit-ulit na bumabalik sa isipan ng binatang si Mingyu ang sinabi sa kaniya ng ama ni Eunbi nung kausapin siya nito kaya't hindi siya makapag-concentrate sa nakakatakot na pelikulang pinapanood.
"Kailangan kong makuha ang loob ni Eunbi kaya pwede bang tingnan-tingnan mo siya? Gusto kong malaman ang mga hilig niya at mga klase ng pagkaing gusto niya."
Napakamot nalang sa ulo si Mingyu nang tila marinig naman ang boses ni Gyungmi na nakikiusap sa kaniya. Iniling niya ng ilang beses ang kaniyang ulo, baka sakaling maalis ang bagay na ito sa isipan nang maramdaman niya ang mga kamay ng pinsang si Seokmin na dahan-dahang pumupulupot sa kaniyang kaliwang braso.
"Ano ba? Bumalik ka nga sa pwesto mo!" Reklamo niya ngunit ngumuso lang si Seokmin at umiling saka mas isiniksik pa ang katawan palapit sa kaniya. Napabuntong-hininga nalang siya at walang nagawa kundi hayaan ang duwag na pinsan na halos yumakap na sa kaniya.
"Shit! Bakit ba ang OA nila yumuko kapag naghihilamos sa C.R.?!" Reklamo ni Seungcheol mula sa kabilang upuan.
"Para sa thrill. Horror movie nga, 'di ba?" Kumento naman ni Myungho na piniling mag-isang maupo sa nakalatag na carpet.
"Ayan na ayan na! 'Wag kang lilingon! Pagsisisihan mo 'yan bobo!" Dalang-dala na sigaw ni Junhui habang hawak ang isang bowl ng popcorn sa kanang kamay.
"Saan?!" Tanong ng takot na takot na si Seokmin. Napailing nalang muli si Mingyu.
"Ah shit!" Sigaw ni Seungcheol kaya naman napabalikwas at napatalon sa kinauupuan ang kapatid na si Seokmin.
"Fuck! Ba't ba tayo nanunuod nito kung natatakot kayo?!" Sagot ng apuradong si Junhui saka kinain ang hawak na popcorn.
"Bobo ba you? Kaya nga tayo nanuod nito para matakot!" Reklamo ni Seokmin saka umayos ng upo at nagtakip ng mga mata.
"Tingnan mo 'tong siraulo na 'to. Siya nagsabing ito panuorin tapos magtatago lang pala kay Mingyu. Ano kaya 'yun?!"
"H-hindi ako natatakot! Inaamoy ko lang si Mingyu dahil ang bango niya ngayon!"
"Mukha mo! Iwan mo nga mag-isa 'yang duwag na 'yan." Biro ni Seungcheol na mabilis namang sinunod ni Mingyu. Lumipat siya sa malaking bean bag sa sahig. Hindi na niya pinansin pa ang pag-aasaran ng magkakapatid at nanood.
"Nasaan ba si Eunbi? Bakit hindi niyo niyaya? Edi sana nayayakap ko ngayon." Malokong sabi ni Junhui na ikinatawa ni Seungcheol. Dahil sa liwanag mula sa telebisyon, kitang-kita ni Mingyu ang malapad na ngisi nito kaya napasimangot siya. Pilit niyang inaalis ang pangalan nito sa kaniyang sistema pero heto na naman.
"Wala ba kayong napapansin sa kaniya?" Wala sa loob na sabi niya sa mga pinsan.
"Huh? Kanino?" Tanong ni Seokmin. "Dito sa babaeng bida? Meron. Tatanga-tanga. Alam na ngang may killer sa loob ng bahay bumalik pa! Tingin niya ba makakaligtas siya diyan laban sa chainsaw ng kalaban?"
"Bida nga, 'di ba? Magkakalasog-lasog lang 'yan pero mabubuhay pa rin. Ikaw ata 'yung tanga, eh." Buwelta ni Seungcheol.
"Pareho lang kayong tanga pinag-aawayan niyo pa 'yan. Mag-kuya nga talaga kayo." Mapang-asar na sabi ni Junhui sa dalawa.
YOU ARE READING
In Between The Brothers (SEVENTEEN x GFRIEND FF)
FanfictionThey say that blood is thicker than water... And 'brothers first before others'. But what will happen if they all fall in love... ...with the same girl? 13 hearts. 1 girl. HIGHEST RANK: #1 in HOSHI category #1 in EUNHA category #7 in JUNHUI categor...