[A/N: Salamat po sa mga naghihintay sa update at nagbabasa pa! Magka-jowa sana kayo na kamukha ng mga bias niyo! :)))))]
Eunbi's
Yesterday was like a dream. I never thought I did such things; joining a beauty contest and winning a sport competition.
I was called a wimpy kid in my middle school days dahil lalampa-lampa ako at palaging nasusugatan. Isang beses, nagpalusot ako sa teacher ko na nahihirapan akong huminga para ma-excuse ako sa P.E. class. Kung anu-ano pang palusot ang ginawa ko noon hindi lang makasali sa activities hanggang sa naniwala ang mga kaklase kong may sakit ako at tuluyan nila akong nilayuan.
My Mom knew about that dahil ilang beses na siyang naipatawag sa school noon para sunduin ako sa clinic. Mom were always there to console me, sinasabi niyang hindi ko dapat iniiyakan ang P.E. class. She told me I should be strong because not all the time, she'll be here with me. I was a kid that time, I didn't take her words seriously.
I continued being the laughingstock until 8th grade. I was started to get bullied but I never told Mom. Sapat na ang kahihiyan ko na sunduin niya sa clinic na umiiyak tuwing natatakot akong maglaro. Masyado akong natuon sa kahinaan ko pero si Mom, hindi siya lumayo sa akin. Hindi ko sinabing nabu-bully ako pero alam kong alam niya na 'yun. Pero 'yun ang mali ko.
I was too focused on how to overcome my weakness that I never noticed Mom was struggling with her own battle. Palagi siyang nakangiti at malakas ang loob tuwing kasama ko. Hindi ko napansin na tuwing mag-isa siya, nanghihina pala siya.
When Mom died, everything about me changed. Malayong-malayo ang ngayon ko sa kung ano ako noon. Siguro ang pagluluksa ko sa pagkawala niya at ang galit ko kay Dad ang nagpalakas sa akin.
I felt a tear escaped in my eye. Mapait akong napangiti sa kawalanan at hinayaan lang ang pagpatak ng mga luha ko. "I wish I can celebrate this little achievement with you, Mommy. I miss you, very very much!"
❦
Third Person's
"Kwan kunin mo nga 'yung towel ko sa taas! 'Yung kulay blue!" Utos ni Seungcheol sa nakaba-batang kapatid.
Wala sa sariling napatagilid ang ulo ni Seungkwan habang hindi inaalis ang mga mata sa cellphone screen. "I'm seriously watching here! Go and ask someone else!
Napasinghap si Seungcheol saka nilapit ang mukha sa balikat ng kapatid na nakaupo sa sahig at nakangising tinuro ang pinapanuod nito. "Kahit ulit-ulitin mo pa 'yan, hindi na magbabago ang resulta!"
Nandidiri namang inilayo ni Seungkwan ang mukha ni Seungcheol sa balikat niya saka napairap at parang walang nangyaring pinagpatuloy ang panunuod.
"Bad mood?" Usyoso ni Junhui na iniwas sandali ang tingin sa kaniyang cellphone.
Maya-maya ay napanguso si Seungkwan at tumango-tango kay Junhui. Unti-unting napangisi si Junhui nang mapagtanto kung bakit ganoon ang inaasal ng pinsan. "Kwan, sabi ko naman sa inyo hindi siya mananalo 'dun! Panget nga ng ayos niya!"
Mahinang napatawa si Myungho na kanina pa tahimik at nagbabasa ng libro. "The only ugly thing about her is living here with you." Casual na sabi ni Myungho habang hindi inaalis ang tingin sa kaniyang libro.
"Shut up and just read, bookworm!" Sarkastikong sagot ni Junhui. Ngumisi na lamang si Myungho at hindi na sumagot.
"Away! Away!" Pasaring ni Seungcheol at nang-aasar na pumalakpak. "Pero 'yung towel ko muna! Pakikuha na 'dun sa taas!"
YOU ARE READING
In Between The Brothers (SEVENTEEN x GFRIEND FF)
FanfictionThey say that blood is thicker than water... And 'brothers first before others'. But what will happen if they all fall in love... ...with the same girl? 13 hearts. 1 girl. HIGHEST RANK: #1 in HOSHI category #1 in EUNHA category #7 in JUNHUI categor...