Chapter 1: Change Up

1K 73 3
                                    

Eunbi's


"How's your trip, darling?"

"It's was fine, Dad. Pero mas maayos sana kung hindi mo na sinama 'yang babaeng 'yan dito." Taas-kilay kong sagot sa Daddy ko nang salubungin nila ako sa labas ng airport kasama ang 'fiancee' niya.

Ito ang first time kong makita siya dahil tuwing mags-Skype kami ni dad, I always refuse to talk to her. My mom died three years ago and the nerve of dad na ipagpalit agad ang mommy ko sa babaeng 'to. Obvious naman na ayaw ko sakanya at sa relasyon nila ng daddy ko.

"Darling, the wedding..." Dad started.

I rolled my eyes saka kinuha ang maleta ko na hawak ng driver niya. All my life, kasama ko ang mommy ko sa Korea before she died because of cancer. Si dad naman, dito naka-base sa Philippines ang trabaho. Masaya kami noon. We're like a portrait of a perfect family hanggang sa magkasakit si mommy. Dad went back to Korea at magkasama naming inalagaan si mom hanggang sa sumuko ang katawan niya. After a year, bumalik si dad dito sa Philippines, and I continued my studies kasama ang cousins ko doon. Masakit. Pero life goes on. I know mom is always with me. She's my guardian angel now.

A year ago, nagulat nalang ako ng malaman kong nakahanap na si dad ng bago. If it wasn't for my money hindi ako uuwi dito para ma-witness ang so-called-wedding nila next month. Tinakot niya kasi akong icu-cut ang credit cards ko kapag hindi ako sumunod.

Inis na inis ako sa daddy ko to the point na gusto ko siyang suntukin sa mukha. Paano niya nagawang humanap ng bago? Paano niya nagawang ma-in love sa iba kung nagsumpaan sila ni mom na mamahalin ang isa't-isa hanggang sa mamatay sila? I tried to stop him from doing this, pero hindi. Opinyon ko bilang nag-iisang anak niya, hindi niya pinakinggan.

"I don't want to talk about it," I stopped dad from talking. Kanina pa siya nagsasalita pero ayaw pakinggan ng tenga ko. I looked at his 'fiancee'. "Ihatid niyo nalang ako sa hotel. I want to rest!"

"Hindi ka sa hotel tutuloy, Eunbi. Sa bahay ka muna namin titira hanggang sa matapos ang kasal." Malumanay na sabi ng 'fiancee' ni dad. Sa sobrang pagka-walang interes ko, ni hindi ko alam ang name niya. At wala akong balak malaman 'yun. Wait. What did she just say?!

"Anong sabi mo?" I asked in disbelief.

"Manners, Jung Eunbi, you're talking to your future stepmother," Maawtoridad na sabi ni dad. Napa-cross arms lang ako. Pumayag ba ko? Tsk! "Whether you like it or not, sa bahay ka muna namin titira habang nandito ka sa Pilipinas."

I almost choked at the word 'namin'. Isang taon palang sila may bahay na agad? Don't tell me may mga anak narin sila? Instant? Patawa.

I know my argument won't matter dahil mukhang na-brainwash na nitong babae ang dad ko kaya padabog nalang akong pumasok sa car. Hindi ako makakaisip ng magandang plano to ruin their wedding kung may jetlag ako. Sumunod naman sila after ilagay nung driver ang mga gamit ko sa compartment. Si dad ang umupo sa harap while itong babae, tumabi pa sa akin.

Kinuha ko sa sling bag ang earphones saka sinuksok ito sa tenga ko. Sana ma-feel niyang ayaw kong siyang kausapin o marinig magsalita.

"We're here." Ani dad.

After a while, hindi ko na napansin na tumigil na ang kotse sa tapat ng isang malaking puting bahay. Four-storey house. Ito ang bahay nila? I never thought na mala-mansyon naman pala. Akala ko sa kubo lang o whatever dahil hindi naman mukhang mayaman 'tong babae.

"Let's go." Nakangiting yaya niya.

Hindi ko siya pinansin at naunang bumaba ng kotse at dire-diretsong pumasok sa loob. This place is really huge. Napadaan ako sa garden na napupuno ng halaman. May mga lalaki pang nakaupo doon na napatingin sa akin. Inirapan ko sila. Ang dami namang hardinero dito.

In Between The Brothers (SEVENTEEN x GFRIEND FF)Where stories live. Discover now