5

179 9 0
                                    

HAWIE's POV

Tahimik akong nagmamaneho dahil may pupuntahan si Aiden. Sinasabi niya lang sa akin kung kakanan o kakaliwa.

"Turn left then straight that lane." iniliko ko ito sa kaliwa tsaka idineretso lang sa isang daan. "Parang mag-isa lang ako, ah." bulong niya pa eh rinig na rinig ko naman.

Pamilyar sa akin ang daan na tinatahak namin. Nakarating kami sa isang tree house. Maganda ang desinyo niyon. Hindi naman siya gaanong mataas pero may terrace ito na matatanaw ang mga kakayuhan.

Dito niya ako sinasama dati. Pinagawa niya pa to dahil sa akin, dahil daw para makalanghap daw ako ng sariwang hangin, at totoo nga. Kahit kailan ay di ako na dismaya sa mga tanawing makikita dito. Pero naalala niya ang isang to?

Umakyat siya habang ako nanatiling nakatayo. Sumandal ako sa kotse at tiningnan ang kabuoan ng lugar. Kakaunti lang ang bahay na makikita rito at dahil mas marami ang punong makikita, mas sariwa at nakakawala ng mga iisiping problema. Medyo malayo ito sa tinutuluyan niya kaya nakakapagtakang sinadya niya talagang puntahan to.

"Ayaw mo bang umakyat dito?" nilingon ko si Aiden na ngayon ay nakatingin na sa akin. Nasa terrace na siya pero nilingon niya ako kaya nakatagilid ngayon ang ulo niya.

Umiling ako.

"Oh, come on." Tiningnan ko siya at tinitigan. Nailang naman kaya iniwas ang tingin. Nakakalito ang ugaling ipinapakita niya. Paiba-iba.

Marami ng nagbago sa katawan niya. Mas lalong lumaki ang mga balikat niya at ang mukha niya, ganun pa rin, walang kupas at hindi nakakasawang tingnan ang disenyo nito na parang inihulma ng napagaling na mang uukit at nakagawa ng perpektong disenyo. Maganda ang mga mata niya at ang ilong ay napaka perpekto at ang kanyang labi na kulay rosas.

Ibinalik ko ang paningin sa paligid nang may nahagip ang aking mata. May mga tinging pasulyap-sulyap na animo'y may hinihintay.

"I'm thirsty." nagsalita na naman siya. Tiningnan ko siya at ibinalik ang tingin sa mga lalaki.

"They're now making an action, Mm" binulong ko iyon at napangisi sa sariling naisip. "Alright." sagot ko kay Aiden. Naglakad ako sa kabilang daan kung saan hindi ko makasalubong ang mga lalaking iyon.

Nakakita na ako ng tindahan pero lumiko ako paikot at sumuot sa mga damuhan. Ngayon, nakikita ko na ang mga lalaking nasa lima ang bilang.

Limang tao para sa iisang taong titirahin. Ang hihina siguro kaya nagpadala ng limang tauhan para tapusin si Aiden. Napangisi ako. Kahit ako nga lang mag-isa, kaya ko kayong tapusin lahat. Sisiw lang sa akin yan.

Sumenyas ang isang tao sa kasamahan niya kaya dahan-dahan ang paglapit nito sa tree house. Buti nalang at may harang sa kabila ang terrace kaya di madaling makita si Aiden. Makikita lang siya kung ang mga lalaking eto ay nakapwesto sa kinatatayuan ko kanina.

Kinasa ng lalaking eto ang hawak niyang at itinutok kay Aiden. Bakit ba bumaba pa siya? Pano kung mapahamak siya?

"If I were you, I won't do that. " nagulat siya sa biglang pagsingit ko kaya iniliko niya ang posisyon ng baril papunta sa direksiyon ko. Umikot ako at sinipa ang baril kaya nahulog ito. Saktong-sakto naman ang pag-akyat muli ni Aiden.

My baby is a Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon