18

168 9 0
                                    

HAWIE's POV

Papunta ako ngayon sa bahay namin. Balak kong bisitahin sina Hail at Nanay. Pinaharurot ko ang motor ko at kung saa-saang daan dumaan para kung sakaling may nakasunod man ay maliligaw. Iniwan ko ang motor ko sa lugar na tago at nilakad ko na lamang papunta sa bahay namin. Isang kahoy ngunit moderno ang disenyo. Modern log cabin ang itsura niyon. Umakyat na ako sa maliit na hagdan at nilanghap ang sariwang hangin. Malayo ang lugar na ito sa pinanggalingan ko. Mas malayo, mas ligtas. Hindi naman sobrang masukal ang pinaglalagyan ng bahay namin. Marami namang kapitbahay ang makikita dito at ang iba ang mga agent na nagbabantay sa pamilya ko.

Kumatok ako at sinilip iyon ni nanay mula sa bintana. Napakatamis na ngiti ang makikita sa maganda niyang mukha. Binuksan iyon ng malaki ni nanay.

"Hawie, anak?! Kamusta ka na?" niyakap ako ni nanay tsaka sinuri ang katawan ko.

You haven't changed a bit.

Ngumiti ako at niyakap si nanay ng napakahigpit.

"Huwag kang mag-alala nay, Di ako uuwing may galos." Tiningnan ko siya habang sinasabi iyon.

"Dahil mag-iingat ka?" umiling ako at kumunot naman ang noo niya.

"Dahil di naman ako magagalusan at saka kung makatsamba sila ay... di talaga ako uuwi." hinampas niya ako kaya napaiwas ako at tumawa.

"Loko-loko ka talaga kahit kailan, Hawie." umiling-iling siya. Tawa naman ang itinutugon ko.

Halos kalahating taon din akong di nakabisita sa kanila kaya na miss ko sila. Inilibot ko ang paningin ko pero walang Hail akong nahagilap.

Saan na yung lokong iyon?

"Si Hail, nay?"

"Andun sa taas. Natutulog."

Tiningnan ko ang relos ko at tanghaling tapat na. Umakyat ako upang gisingin sana siya ngunit pinigilan ako ni nanay. Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Hayaan mo muna siya, Anak. Hindi siya nakatulog kagabi dahil nag-iba daw ang pakiramdam niya kaya't binantayan niya ako buong magdamag." naantig naman ang puso ko sa narinig.

Umupo nalang muna ako sa upuan habang tinitingnan si nanay na naghahanda ng tanghalian. Tumataas na ang edad ni nanay pero mukhang bata pa rin ang itsura niya. Maya maya ay narinig ko ang mga yabag ni Hail pababa ng hagdan. Gulong gulo ang buhok niya. Di pa niya ako nakikita dahil diretso siyang umupo sa kusina. Nilingon siya ni nanay at balak sanang sabihin na nandito ako pero sinenyasan ko siya na huwag sabihin. Ipinikit ko ang aking mata dahil balak kong magpahinga.

*YAWN--- COUGH COUGH COUGH*

"Ate Hawie?!" sinilip ko siya na gulat na gulat.

"Walang iba." agad siyang tumakbo at tumalon paupo katabi ko.

Isip bata.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Nag mall." Sarkastiko kong sagot. Ngumuso naman siya. Lumapit siya sa akin at sinuri ang mukha ko. Lumayo naman agad ako. "Magsipilyo ka nga muna." tinulak ko ang mukha niya.

"Merong bang bumabagabag sa iyo ate? Haggard na masyado yung mukha mo ah. Alam ko namang haggard na iyan dati pa pero mas lumala ngayon eh." kinunotan ko siya ng noo. Nasindak naman kaya ayun tumakbo papunta sa kusina upang magsipilyo.

Bumuntong hininga ako. Maraming bagay ang bumabagabag sa akin ngayon. Naalala ko ang ilang araw nang pagpilit ni Aiden na ako si Hawie at ang pagtanggap niya sa katotohanang hindi ako. Wala pa rin kaming makuha-kuhang bagay sa bahay nila Aiden na konektado sa insidente sa pagtugis sa kanya. Hindi pa sakto ang mga nalalaman ko para gumawa ng aksiyon dahil di ko pa naman alam ang buong katotohanan. Naisip ko ding gamitin ang katauhan ko bilang Hawe upang makuha ang katotohanang ninanais ko pero natatakot din ako sa mga posibleng mangyari. Bumuntong hininga ulit ako.

My baby is a Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon