30

170 5 0
                                    

AYZHIA'S POV

Lumapit ako sa katawan ni Jax na nakahilata na sa malamig na sahig. Natatamaan na ito ng sinag ng buwan. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang pisngi niya.

"I'm sorry, Jax. I'm sorry for being selfish."

Nakarinig ako ng sunod-sunod at pagsasalitan ng putok sa ibaba kaya hindi na ako nagsayang pa ng oras. Tumayo na ako at nagmamadaling bumaba sa hagdan.

Nakita kong nakatago sina Yezha sa isang malaking pader, iniiwasan ang mga putok ng baril. Nabubutas na rin ang mga haliging gawa sa semento dahil sa mga balang nagmumula sa mga kalaban.

Ang hirap gumalaw lalo na't kitang-kita nila kami.

Nasa huling parte pa ako ng hagdanan. Isang hakbang na lang ay makikita na nila ako. Inihanda ko ang baril ko sa magkabilng kamay at kinasa ito. Sa hindi padadalawang isip ay dire-diretso akong lumabas at pinutukan sila. Sasaktuhin ko lang na hindi ila magkakaroon ng pagkakataon na matamaan ako kaya hindi ko itinigil ang pagpapa-putok kaya sunod-sunod na nagsitumba ang ilan sa kanila. Nang maubos ang bala ko ay lumiko ako papunta kina Yezha.

"Alam mo namang malakas tayo kahit kakaunti lan di ba, Ayzhia?" Tumango ako.

"Gawin natin kung saan tayo magaling, ang pagtago sa mga anino." Tango ang isinukli ko sa kanya.

Sinulyapan niya pa ilan sa mga kasamahan namin at agad nila itong naintindihan. Tumayo ang isa sa sinenyasan ni Yezha at dumaan ito sa bintana para lumabas. Ilang saglit pa ay namatay lahat ng ilaw. Isinuot ni Yezha ang night vision glasses niya. Iyon din ang ginawa naming lahat.

Kinuha niya ang baril niya at hinawakan ang magasin nito. Maya-maya pa ay itinapon niya ito sa espasyong namagitan sa amin at sa kalaban. Halos mabingi ako sa sunod-sunod nilang paputok. Nalinlang sila sa kakaunting ingay na gawa ni Yezha. Nang tumigil na sila at tsaka kami sabay-sabay na lumabas at pinaputukan ang pwesto nila.

Hindi na kami umatras dahil sa pagkakataong iyon ay sigurado na kaming naubos ang kanilang bala dahil sa ginawang ingay ni Yezha. Hindi kami nagpadalos-dalos, kahit pa madilim na, panay pa rin ang tago namin sa bawat haliging nadadaanan upang makaiwas kung sakali mang may magpapa-putok at hindi nga kami nagkamali. Chambang natamaan ang isa sa kasamahan namin at humandusay. Nang sulyapan ko ito, may likido nang lumalabas sa ulo niya. Nagtago muna kami upang magpalit ng magasin.

Nang ilang dipa nalang ang layo namin sa kanila ay nagtaka ako kung bakit wala nang putok mula sa kanila. Aabante na sana ako nang iharang ni Yezha ang mga kamay niya malapit sa tiyan ko. Hindi na niya ako nilingon dahil siya na mismo ang umabante. Daha-dahan ang ginawa niyang paghakbang sa mga paa. Nang diretso na siyang nakatayo malapit sa kina pe-pwesthan ng kalaban ay bigla akong napaigtad sa gulat.

Dahil sa night vision glasses na suot namin ay nakikita ko ang baril na direktang nakatutok kay Yezha. Inihanda ko ang baril ko pero nakita ko ang kamay ni Yezha na nakapwesto sa gilid ng mga hita niya na isinesenyas na mga kamay na nangangahulugang wag kong ituloy ang balak gawin.

"Isang galaw mo, basag yang bungo mo." Sabi pa nung lalaking may hawak ng baril.

"Ows?" Humakbang pa si Yezha hanggang sa dikit na dikit na sa ulo niya ang baril.

Seryoso ang mukha ng lalaki hanggang sa nakita ko ang paggalaw ng kamay ng lalaki sa hawak na baril.

BANG!

Nagulat ako pero mas nagulat ako sa postura ni Yezha dahil diretso pa din itong nakatayo ngunit nakatabingi na ang ulo. Kasabay niyon ay ang pagtama ng bala sa sementong nasa likuran namin.

"Mintis nga lang. By the way," Inayos niyang muli ang ulo at diretso na uli itong nakatingin sa lalaki. "Where's Miller? I mean, his exact location in this place, kung nandidito nga lang siya."

My baby is a Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon