AIDEN's POV
Labis labis ang kaba ko habang naghihintay kay Hawie sa labas ng operating room na ngayon ay sumasailalim sa operasyon.
Itinikom ko ang bibig ko at diretsong tinitigan siya. Ramdam na ramdam ko na ang pananakit ng lalamunan ko dahil sa pagpipigil ko ng luha.
Bakit ngayon kung kailan kilala na kita? Bakit ikaw? B-bakit?
Tumulo ang luha ko habang nakatingin sa kanya. Ikinuyom ko ang kamao at nilingon si Aria na nakaupo at nakayuko sa mga tuhod.
"W-why Aria?!" hindi niya ako nilingon. Maya maya ay gumalaw ang mga balikat niya senyales ng paghikbi niya. "K-kung hindi mo ako hinila kanina paalis, maililigtas ko pa sana si Hawie?! K-kung hindi ka d-dumating... ako sana ang nasa posisyon niya ngayon!"
"Impossible."
Nilingon ko ang babaeng berde ang mga mata na ngayon ay naka krus ang mga braso at nakasandal malapit sa pintuan ng kwarto ni Hawie. Nakatingin lang siya sa kaharap na pader habang nasa gilid naman niya ako. Hindi ko siya namumukhaan. Ni hindi ko nga alam kung anong koneksiyon niya kay Hawie.
"What do you mean?"
Nagtanong pa rin ako kahit hindi ako sigurado sa katauhan niya. Lumingon muna siya sa akin bago umayos ng tayo.
"Nung una nagtataka rin ako kung bakit naging target ang pamilya ni Ayzhia kung ang totoo ay ikaw ang may atraso sa kanya." Nagulat ako sa sinabi niya.
How did she find out?
"Paano mo nalaman?" Tumitig lang siya sa akin.
"Kilala ako ng taong nakahimlay sa kwartong iyan." Turo niya sa kwarto na kinalalagyan ni Hawie. "Hindi ako masamang tao kaya huwag kang mag-alala." Diretso niyang sabi. "Minsan nga lang." Dugtong niya pa. Tumataas naman ang balahibo ko sa sinabi niyang iyon.
"Ang ibig mong sabihin hindi ako ang target nila Miller?"
Ngumisi ang gilid ng labi niya.
"Ikaw pa rin naman...sana..." tiningnan ko siya. "kaso mukhang nakakita siya ng mas interesadong target. Kung ikaw talaga ang sadya niya, sa tingin mo, hahayaan ka nalang ba niyang makaalis gayong sakto ang dala niyang tauhan upang hulihin ka?"
Napatulala ako sa sinabi niya.
She's right.
Hindi pa naman kami nakakalayo kaya kung may balak talaga si Miller na habulin kami ay pwedeng pwede niya pa kaming maabutan.
"Bakit? Paano siya nagkaroon ng interes kay Hawie?" Tumitig lang siya sa akin.
"I gotta go."
Marami pa sana akong gustong malaman kaso mukhang nagmamadali siya. Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad pero tumigil siya.
"Come with me, Aria. We need to talk."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagpatuloy siya sa paglalakad. Sa pagkasabi niya ring iyon ay napalingon si Aria sa kanya at makikitaan ng magkahalong takot at bigla ang kanyang mukha. Mukhang napakataas ng posisyon ng isang iyon dahil normal naman ang pagkakasabi at pagbigkas niya ng mga salita ngunit napakalakas ng dating niyon. Tumayo si Aria at agad sumunod sa babae ngunit hinawakan ko siya upang pigilan. Nakatingin siya sa akin ng blanko habang ang mga mata ay makikitaan pa rin ng mga luha galing sa pag iyak na ginawa.
"You know who she is?"
Tukoy sa babaeng kakaalis lamang. Tanging tango lang ang sagot niya. Nang akma na niya tatanggalin ang kamay ko ay hinila ko ulit siya.