9

192 9 0
                                        

I'm dedicating this story to Joy Joy Mendoza ^.^ Thank you for your support <3

**********************************************************************************************

AIDEN's POV

"What did you just say?" lumapit si Ayzhia sa harap ko. Di pa ako nakakababa sa pagkakaupo sa harap ng kotse.

"Hawie..." Wala sa sariling binigkas ko ang pangalang yun.

"What...about hawie?" Nakita ko ang paglunok niya.

"I..."

"You what?" mas lumapit siya sa akin.

"I saw her in my head." Nagulat siya.

"What do you mean?"

"I think she was a part of me." Hindi pa rin nagbabago ang itsura ni Ayzhia pero nakita ko ang pamumuo ng luha niya.

"You're doubting."

"Because I didn't saw her clearly..."

"Come on. You need to rest." Bumaba na ako. Inalalayan naman niya ako papasok sa sasakyan.

"Hindi ako pilay, okay? I can handle myself." Parang wala siyang narinig dahil tuloy-tuloy lang ang ginagawa niya. Pati ang seatbelt ay siya pa ang naglagay.

Gawin ba naman akong baldado! Tsh.

Tahimik ang buong byahe. Minsan naririnig ko ang pagbubuntong hininga niya at paminsan minsang pagsulyap sa akin.

What's with her?

Nakarating kami sa bahay. Pinapasok niya ako sa kwarto ko upang magpahinga daw.

"Okay na nga ako!" lalabas na sana ako pero hinarang niya ang kamay niya sa pinto at tinitigan ako.

"Ang tigas ng ulo. Papatulogin kita o papatulogin kita?"

"Hah! Ang kapal ng mukha mo. Gusto mo pa akong chansingan ha! Nagpapanggap ka lang sigurong driver no? Hoy Ayzhia! "

"Ang ingay mo. Madali ka lang namang patulogin eh. Isang suntok lang, pwede na." napanganga ako sa sinabi niya.

Akala ko tatabihan niya ako.

Tumikhim ako tsaka pumunta sa kama. Ngumisi siya tsaka tuluyan na niyang isinara ang pinto.

Humiga ako at pilit inalala ang nangyari kanina pero parang pinasasakit lang niyon ang ulo ko.

"Crazy Ayzhia." bulong ko.

Ilang araw pa lang siya nagtatrabaho dito ay parang para sa akin ay matagal na kaming magkasama. Komportable akong makipag usap sa kanya. Nagagawa ko ring magtampo---Wait what?! What I am thinking! No---Hell NO! It's just because she's my... driver and she's a woman. Yeah, that's right! And maybe I got intimidated by her because of her attitude. Yeah, of course! that's the reason.

*Knock knock knock

Nilingon ko ang pinto dahil sa narinig na katok mula rito.

"Mm? Come in." pumasok ang family doctor namin. "Doc. Martinez..." ngumiti siya.

"How's your feeling?"

"I'm alright." tumango siya. Nakatayo siya ngayon sa tabi ko sa gilid ng kama. Itinaas ko din ang katawan ko upang sumandal sa head board ng kama.

"So, Ayzhia told me what happened." Nilingon ko ang likuran niya pero wala si Ayzhia. "She's on the phone." Napapahiya ko siyang nilingon tsaka tumango.

"Anong naramdaman mo kanina?"

"Uhm... Ayhia said something to me then suddenly a figure flashed in my head. There was a girl named Hawie... but I can't identify her status in my life." Sakto naman ang pagpasok ni Ayzhia. Nakatayo lang siya sa likuran ng doctor at diretsong nkatingin sa akin.

"You're improving. That's a sign of the recovering your memory. Just don't force yourself to remember, okay?" Tumango ako. "Take a rest. I'll go ahead Mr. Aiden. I need to talk to your dad." Tumango ulit ako tsaka siya lumabas. Ngayon ay kaming dalawa nalang ni Ayzhia.

"You can go out." Naka krus ang mga kamay niya at diretsong nakatingin sa akin. Nakakailang naman kung tumingin tong babaeng to!

"Later." Tumikhim ako.

"Wala ka naman ng trabaho dito! Driver kita okay. Wala ka naman nang ida drive."

"Aalis muna ako. Huwag kang mag-alala, mababantayan pa rin naman kita kahit malayo ako." kaswal lang ang pagkakasabi niyang iyon pero parang ang lakas ng dating sa akin. Tumikhim ako.

"Tch! I'm not a kid! Stop treating me like one." tumango lang siya tsaka lumabas.

Aba, loko yun ah!

HAWIE's POV

Kanina pa sa sasakyan ay marami nang iisipin ang pumasok sa isip ko. He remembers me. Hindi ko alam kung matutuwa ako o kakabahan. Matutuwa dahil ako ang unang naalala niya o kakabahan dahil baka maging dahilan pa iyon upang maging kahinaan ko sa misyong ito.

Pagdating sa bahay ay pinapasok ko agad siya sa kanyang kwarto upang makapagpahinga pero di ko alam na pinaglihi pala sa bato ang ulo niya sa sobrang tigas. Buti nalang napilit ko.

"Yezha..." panimula ko. Sinabi ko sa kanya na may naalala na si Aiden. Mas pinahigpitan niya pa ang pagbabantay ko kay Aiden para kung may impormasyon man na lalabas sa bibig niya ay ako ang unang makakaalam. "Mm." Tsaka ko pinatay ang tawag.

Oo, hindi ang daddy ni Aiden ang una kong tinawagan dahil hanggat naririto ako, ako ang masusunod para sa kapakanan at ikabubuti ng lahat.

"Hello Mr. Parker, I need a doctor." Ipinaliwanag ko rin sa kaniya ang nangyari kay Aiden. Mahihimigan ang pag-aalala niya rito. Nagpumilit pa itong umuwi upang makita ang lagay ng anak.

Pumasok ako sa kwarto ni Aiden at narinig ko ang pangalan ko.

"There was a girl named Hawie... but I can't identify her status in my life." Tinitigan ko siya. Buntong hininga ang ginawa ko.

Bago ako nagpaalam na aalis ay biniro ko pa siya. Halatang halata naman ang pagkapikon niya. Tsh.

Lumabas na ako ng kwarto niya. Nakita ko si Aria na papalapit sa akin.

"Aria, aalis muna ako at may I-iiwan akong trabaho sa iyo."

"Yes! Finally! Ano yun?" Mahihimigan ang kagalakan sa boses niya.

May kinuha ako sa bulsa ko. Isang litrato ng babae. "Ibigay mo sa akin ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanya. Lahat, Aria..." Kinuha niya iyon sa akin tsaka tumango.

"Teka nga, gabi na ngayon ah. Saan ka ba pupunta?"

"Kukunin ko lang baby ko. Babalik ako agad." tsaka siya tumango.

Pumasok muna ako sa kwarto tsaka nagbihis. Inilugay ko ang buhok ko. Nagsuot ako ng t-shirt at pLumabas na ako ng bahay at pumara ng taxi.

"Magkita tayo." Papatayin ko na sana ang tawag pero ibinalik ko agad. "And oh, bring my baby. Na mi-miss ko na eh."

To be Continued...

My baby is a Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon