HAWIE'S POV
Nakakapagod magpanggap. Oo, sa loob ng dalawang araw na nandoon ako sa Hospital ay nagpapanggap lang ako na natutulog. Rinig na rinig ko lahat ng sinabi ni Aiden, nila nanay, nilang lahat. Hindi naman ako mahina para magpahinga ng ilang araw. Kung tutuusin ay sa tagiliran lang ang tama ko. Saktong kumalat lang talaga ang dugo sa bandang tiyan ko.
Bukod sa akin ay alam nina Yezha at Ax ang plano kong maging pain kay Miller kaya ipinalantad ko nag totoo kong pangalan sa Hospital para mas madali sa kanilang hanapin ako. Hindi na rin ako pumayag na pabantayan ako sa mga agent dahil baka may makahalata. Sinadya ni Yezha na sina Aiden at nanay lang muna ang hayaang pumunta-punta sa kwarto ko. Ang hirap ding gumalaw lalo na't hindi umaalis si Aiden kaya napipilitan akong pigilin ang pag-ihi, ang gutom,at ang pangangati. Buti nalang at lumalabas-labas siya saglit kaya nakakagalaw ako at nakakapunta sa banyo at nakakakain. Laking pasalamat ko sa tulong ni Yezha nang pinapalitan niya si Aiden o pinapalabas.
"Oh? You're still here, huh?" Rinig ko ang boses ni Yezha kasabay ng pagbukas ng pinto.
Gutom na ako...
"I can't leave her knowing that...I'm the reason why she is in a hospital bed right now..." He hold my hand.
Napalunok ako dahil sa biglaang pagtibok ng puso ko.
"Ayzhia wouldn't think like that."
Oo, hindi ko naman talaga siya sinisisi.
"I know..."
"Then stop thinking like that, too. Kung ganyan ang iniisip mo habang binabantayan mo siya, iisipin niya talagang nakokonsensya ka."
"Really?"
"Mm, really. Kumain ka na ba?" Tanong pa ni Yezha kay Aiden.
"Di mo sinabi na plano mo palang magpagutom."
"I didn't notice the time..." Tinanggal niya ang kamay sa pagkakahawak sa kamay ko. Tinitingnan niya siguro ang relos niya.
"Kumain ka na muna. Ako muna ang magbabantay kay Ayzhia." Matagal pa bago nakasagot si Aiden.
Gutom na gutom na talaga ako.
"Are you sure?"
"Do I look like I'm kidding?"
Rinig ko pa ang buntong hininga niya. Naramdaman ko na naman ang hawak niya sa kamay ko.
"Aalis lang ako saglit. Kakain lang. Sana pagbalik ko gising ka na. I'll be waiting for you..."
Halos matanggal na ang puso ko sa dibdib ko dahil sa lakas niyon.
GUTOM NA TALAGA AKO!
Ilang saglit pa ang binitawan niya na ang katawan ko at narinig ko na ang pagbukas at pagsara ng pinto. Hindi ko pa muna binuksan ang mata ko.
"Okay na." Sabi ni Yezha.
Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at inayos ang upo ko. Isinandal ko ang likod ko sa headboard ng kama.
"How's the shot? Do you still feel the pain? Want me to call the nurse?"
"Okay na. Pagkain ang kailangan ko." Napatawa naman ng mahina si Yezha.
"Here." inabot niya sa akin isang pagkain galing sa bag. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at kumain dahil baka biglaang may dumating. Naku talaga. "Dahan-dahan lang, Ayzhia."
"Ba't kasi antagal umalis nung Aiden na iyon, eh." Tumawa na naman siya.
"Speaking of Aiden, he still cares for you, doesn't he? And what are your plans? You already know that your job, OUR JOB is not simple as it is. It can risk and can put someone's life in danger."