YEZHA's POV
Naglakad kami papunta sa underground ng gusali namin. Nakasunod lang sa likuran ko si Aria. Pagkapasok palang namin sa opisina ko ay bumungad na ang mga mukha ng mag inang Ruiz. Sinundan niya agad ng tingin ang nasa likuran ko pero agad bumaba ang balikat niya nang makitang si Aria ito. Kaming apat lang ang nasa loob ng kwarto at sinadya ko iyon upang makausap sila.
"Kamusta ang anak ko?" Lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko. Halos tumulo na ang luha ni Ginang Ruiz. Makikita pa sa damit niya ang dugo mula kay Ayzhia.
"I don't know yet." nangunit ang noo niya.
"A-anong hindi mo alam? Bakit?"
"Kasi wala ako doon at hindi ko alam kung ano ang kalagayan niya."
"Iniwan mo siya doon? Nang mag-isa? P-paano kung balikan siya ng mga iyon?!"
"Aiden's with her. You don't need to worry." Napatulala lang siya sa sinabi ko at wala sa sariling napaupo.
"Si Aiden?! Na halos siya nga ay may dahilan kung bakit natunton kami ng mga tauhan ni Miller! Kung hindi siya nagpunta doon, hindi sana mangyayari to." Pahina ng pahina ang boses niya at sumunod ang mga hikbing hirap siyang pigilin.
"Ginang Ruiz, k-kumalma po kayo. Hindi po ito lahat tungkol kay Aiden." Napunta kay Aria ang paningin ng ginang.
"At sino ka naman para sabihing kumalma ako? Hindi mo nararamdaman kung anong sakit ang nararamdaman ko sa mga oras na ito!"
"A-ako po si Aria Madison. Alam kong hindi ko po mapapantayan ang sakit ng isang ina habang naghihintay na maalis sa bingit ng kamatayan ang anak p-pero naging malapit po ako sa anak niyo. Kumalma po kayo, magiging maayos din ang kalagayan ni Hawie."
"Paano mo naman nasabing magiging maayos ang kalagayan niya?"
"D-dahil malakas po siya at pipilitin niya pong maging maayos para sa inyo."
"Hindi robot ang anak ko na kung gugustuhin niya ay maalis siya sa posisyon niya ngayon. Bala iyon! Nakakamatay!"
"Please be calm. I will tell you everything." Sumingit na ako sa usapan nilang dalawa. Umupo nalang siya at humikbi ng humikbi.
Umupo ako sa harapan niya habang si Aria naman ay nasa likuran ko nakatayo.
Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ng kapatid ni Ayzhia. Nilapitan ko siya. Nang makita niya ang bandang paanan ko ay iniangat niya ang paningin niya sa akin.
"Don't worry about your sister. Makakaligtas siya lalo na't napurohan. Babalikan niya ang mga umatake sa inyo---"
"Sasama ako." Blanko ko siyang tiningnan.
"Sasama saan?"
"Kung babalikan man ninyo ang umatake sa amin, sa pamilya ko, sasama ako."
"Hindi mo makakayanan." Tumayo siya at pinantayan ang mga titig ko.
"B-bakit?! Kung dahil sa tingin mo wala akong kakayahan, nagkakamali ka! Tinuruan ako ni ate Hawie makipaglaban. Kakayanin ko!"
"H-hail..." Tiningnan ko ang kamay ng nanay ni na nakahawaka sa braso niya, pinipigilan ang anak.
"Sa tingin mo kakayanin mo?" Tumingin siya sa akin ng may mababakas na tapang sa mukha tsaka tumango.
Nakatingin pa rin ako ng blanko sa kanya.
"Sa tingin mo kakayanin mo dahil lang sa inaakala mong may kakayahan kang labanan sila? Dahil may lakas ka?"
"Oo! Para sa pamilya ko, makakaya ko!"