25

136 4 0
                                    

AIDEN'S POV'S

Para na akong mababaliw. Hindi ko alam kung saan magsisimulang maghanap. Alam ko rin namang hindi nila pwedeng sabihin sa mga pulis na nawawala nga si Hawie dahil nga hindi rin naman nila makikita ang kanyang katauhan dahil nga iniba ang pangalan niya. Pero posible rin naman kasi sinabi naman din nila yung totoo niyang pangalan sa Hospital. Nalilito na ako, hindi ko na alam. Hindi pa nga nahuhuli ang tumugis sa kanila ay dumagdag pa ang pagkawala niya na parang bula. Kinokontak ko na rin ang numero ni Hawie kung saka-sakaling may makasagot pero nabigo lang ako. Nagulat ako nang biglaang may tumawag.

*Ring

*Ring

*Ring

Nakita ko ang tawag mula sa isang unknown number. Nagtaka ako pero sinagot ko pa rin dahil baka makatulon ito para mapadali ang paghahanap kay Hawie.

"Hello?"

"Aiden, it's me, Yezha..."

"Have you found Hawie?" Tumahimik ang kabilang linya.

"No. Still clueless."

Napakunot ang noo ko.

"Don't you have any possible ways to think of? As far as I know, you are also an agent. Why don't you ask help to the higher ups in your organization, sa boss niyo, since you've mentioned that Hawie is the most strongest and smartest agent that you have?!" Hindi ko na napigilang magtaaas ng boses. I'm so frustrated knowing that Hawie is still missing. Hindi agad ako nakatanggap ng tugon sa kanya.

"Calm down. We will find her. Let's wait." Galit akong napangisi.

"Calm down?! It is easy for you to say! Wait my ass!" tsaka ko pinatay ang tawag.

Anong hihintayin niya? Yun bang tuluyang mawala si Hawie? Bullsh*t!

*Ring

*Ring

*Ring----

Hindi ko pa man sinasagot ay pinatay ko na agad ang tawag. In-off ko na rin ang cellphone ko dahil hindi rin naman nila ako mabibigyan ng kasagutan. Mas mabuting habang hinihintay ang tamang oras na sinasabi ni Yezha ay hinahanap ko na si Hawie.

Ipinagpatuloy ko ang pagpapaandar ng sasakyan habang nililingon-lingon ang bawat kalye, mga kotse kung saka-sakaling dinukot si Hawie. Para na akong mababaliw! Hanap ako ng hanap but I ended up going home.

Hinanap ko ang cellphone ko binuksan ito. Tumipa tipa ako roon bago inilagay sa tenga ang cellphone.

"What's up, dude? Himala at tumawag---"

"Do me a favor, Ax." Hindi na ako nagpaligoyligoy pa.

"Ngek. Di man lang ako kinamusta. Pero ano ba 'yon?"

"It's about the girl that I mentioned to you which I don't remember. The girl who lives in my memories but not Eunice."

"Yeah? What about her? Have you remember her already?"

"Yeah. But unfortunately, she's lost..."

"What do you mean by lost?"

"Let's meet. I'm gonna tell you everything so that you can find solution on it immediately."

"Meet right now?"

"Mm." Sinabayan ko iyon ng pagtango kahit hindi naman niya nakikita. Mahihimigan sa boses niya na para siyang nanghihinayang. "Why? Are you busy?"

"Kinda. But alright. Let's meet in the cafe near your sudivision."

Tumango ako bago pinatay na ang tawag. He's Ian Axel Rodriguez, Ax for short, my friend. He has lot of connections and indeed a wealthy man. Nagkakilala lang kami pagkatapos kong ma ospital. As what I've mentioned, I mentioned Hawie to him but at that moment, I don't really recall what does she look like, only some memories with her.

Nang makarating ako sa cafe ay naupo na ako. Saktong dumating naman siya sakay ng kotse niya.

"Ax" Itinaas ko ang kamay ko para makita niya agad ako. Tinanguan naman niya ako. "Pasensya ka na Ax kung dinamay pa kita sa problema ko. Pero kasi... alam ko kasing marami kang kakilala na bihasa sa mga paghahanap kahit na malalabo." Napayuko ako.

"It's alright. May pinag-iwanan naman ako ng trabaho ko. Medyo nagka problema lang kasi sa trabaho. Hindi nga ako makakapangakong makakatagal. So, tell me. Who's this girl na kinababaliwan mo?"

"Hawie..." Nagulat siya sa sinabi ko. "Leilani Hawie Ruiz..."

"What?!" Nagulat ako sa biglaang pagsigaw niya kaya mas lalo akong nagtaka.

"What what?" Mukhang nakarekober siya.

"Uh, nothing. She's somehow familliar, eh?"

"Familliar? Bakit?" Tinitigan niya pa muna ako na para bang nag-iisip.

"Uh. Nevermind."

"Loko! Baka pinopormahan mo ha"

"Tsh. Hell no." Sinabi niya iyon na parang nandidiri. Ang kapal ha, kala mo naman kung gaano ka gwapo, eh mas gwapo naman ako. "So, what's the matter again with her?"

"She's nowhere to be found." Mukhang hindi siya nagulat. Ay walang pake.

"Do you want me to find her?"

"Absolutely." Tumango-tango siya.

"Alright." Walang pag-aalinlangan niyang sagot.

"Okay lang ba? I can pay. Name your price. I can do everything just to find her." Namamangha niya akong tiningnan.

"No worries. Marami akong pera para bayaran mo pa." Wow. Confident ah. "And about finding her..." Huminto siya. "it's on me." Napanatag ako sa sagot niya. Agad tumunog ang cellphone niya kaya tiningnan niya ito. Kitang-kita ang gulat sa kanyang mga mata at napatayo agad.

Nakita ko na ang hindi mapakali niyang galaw kaya napatayo ako. Tumingin siya sa akin.

"I gotta go, dude. Sa trabaho kasi may ano... uh..."

"Sige, Ax. Maraming salamat talaga." Tumango lang siya at palabas na sana pero tinawag niya pa ulit ako.

"Aiden, what's your relationship with that girl Hawie again?"

My relationship with her?

"We're... uh... You know. It's complicated. We didn't broke up at all. I know that everything has changed except my love for her. Therefore, she is still and currently my girlfriend and she is my life." Napangisi siya tsaka tumango-tango.

Tuluyan na siyang lumabas ng pintuan. Sumakay siya sa kotse niya at pinaharurot niya ito palayo. Sumunod na rin ako paalis.

MILLER'S POV

Heto ako't nakaupo sa aking silya na parang hari. Napagaan sa pakiramdam ng nangyaring ito. Animo'y para kong nanalo ng dalawang beses kahit para sa isa lang naman ang ipinusta ko. Hawak-hawak ko ang aking laruan. Napakatalim at talaga namang napakatulis.

*Knock

*Knock

*Knock

Napakunot ako ng noo. Ang kapal naman ng mukha ng taong ito na sirain ang aking pagnamnam sa nangyari. Siguraduhin niya lang na may maganda siyang balita. Dahil kung hindi, alam ko na kung saan tatarak ang laruan ko. Tinatantsa ko na ang posisyon niyon. Hindi pa naman niya binubuksan ang pinto. Nasa labas pa siya at tanging boses lang ang nangingibabaw.

"Boss, dala na namin siya."

Napangisi ako.

Paano ba iyan? Ako na ang nanalo, Hunter.

To be Continued...

My baby is a Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon