28

131 6 0
                                    

IAN AXEL'S POV

"Sir Ax, lumitaw na po ang lokasyon ni Ayzhia!" Napalingon ako sa babaeng tumawag sa akin na naka assign sa computer. Lumapit agad ako sa pwesto niya at tiningnan ang computer na may pulang bilog na umilaw-ilaw.

Lumapit ako kay Yezha at sinabi ang update kay Hawie. Tumango siya at tumayo, tinatawag ang atensyon nilang lahat.

"Agents..." Tuon na tuon naman sa kaniya ang paningin ng lahat. "Maghanda na kayo. May pupuntahan tayo." Sa mga salitang iyon na binigkas niya ay agad naintindihan ng mga kasamahan namin. Agad nagtayuan ang iba at pumunta sa kanilang pwesto upang kumuha ng kani-kanilang mga kagamitan. Samantala yung bihasa sa mga computer ay naiwan upang magbantay.

Kinuha ko ang aking Beretta 92 FS Model na baril. Napalingon ako kay Yezha na papunta sa akin habang hawak ang sariling baril na planong ilagay sa may hita niyang may lalagyan nito.

Ang ganda talaga...

Napatigil ako sa naisip at agad nag-iwas ng tingin.

"Nakahanda ka na?" Tumango ako pero di pa rin siya tinitingnan. "Let's go." Paglingon ko ay nagsimula na siyang maglakad paputa sa parking lot kaya sumunod na rin ako.

Nasa sa kenseng tao lang ang papunta sa lokasyon. Konti man kung titingnan ay sinisugurado kong lahat sila ay napakalaking tulong sa mission. Sumakay na ako sa motor ko at isinuot ang helmet. Bago ko paandarin ito ay biglang humarurot ang motor palabas ng gusali namin.

Ang bilis namang magpatakbo ni Yezha. Pwede naman siyang mag dahan-dahan, ah. Paano kung mapano siya. Nakoooo!

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at pinaandar na ang motor at pinaharurot. Pinindot ko ang gilid ng helmet ko at lumabas doon ang lumilitaw-litaw na pulang bilog. Lumalabas doon ang lokasyon ng pinsan ko.

Naiisip ko kung maayos na ba ang lagay niya. Tinamaan lang naman siya sa gilid na parte ng tiyan niya kaya alam kong kinakaya niya pero sigurado akong pag sinadya iyong tamaan ay sasakit pa rin dahil hindi pa iyong tuluyang naghilom. Pero ang taas rin kasi ng pride ng babaeng yun eh. Sasabihin niya lang na 'Parang kagat lang ng langgam' o di kaya 'Malayo sa bituka, di nakakapatay'. Kung siguro magkakaroon siya ng love life, aatakihin siguro sa puso dahil sa katigasan niya ng ulo.

Speaking of love life. Aiden really hit by the charisma of my cousin. The way he said 'We didn't broke up at all. I know that everything has changed except my love for her. Therefore, she is still and currently my girlfriend and she is my life' when I asked him about his relationship with Hawie, I adore him. Despite of losing his memory, his feelings for her doesn't changed at all.

Aiden and I met in the bar. It was not an accident but an intentional one. When that tragic happened, his memory was lost, I wanted to guard him and see the situation he's up to, in the name of my cousin. It is my own will to make connection with him.

The day he called me to meet him, I was busy gathering data about this Miller while waiting my cousins' location. And by surprised, he is also looking for her.

Kakaiba ang nagagawa ng pag-ibig.

Inihinto ko ang motor ko malayo pa sa lokasyon ni Ayzhia. Ayaw naming bigyan sila ng ideya na malapit na kami. Hindi ko na mahagilap si Ayzhia kaya inilagay ko ag daliri sa tenga ko at nagsimulang magsalita. Gamit ko ang signal. Ito ay parang relos ngunit pag inilalagay ko ang daliri ko sa aking tenga ay nagagawa naming makipag-usap ng hindi naririnig ng iba. Ang sabi ni Yezha ay papunta na daw siya at susunod nalang daw kami kaya ayun ang ginawa ko.

Naglakad ako ng naglakad. Nakasunod na rin ang ilan sa mga agents sa akin. Ilang minuto pa ay narating namin ang abandonadong building. Maraming sulat ang bawat haligi niyon at may mga nakabantay pa sa labas. Natanaw ko si Ayzhia na nakatingin sa bawat bintana ng building kaya lumapit ako sa kanya.

"Diyan ka dadaan?" Tumango siya. "Sige. Susunod ako."

"No. Doon ka sa kabila. We'll meet inside. Sasamahan ako ng ibang Agent at ikaw din. Ang ilang naman ay look out." Aangal pa sana ako kaso kilala ko si Yezha. Pag nakagawa na siya ng desisyon ay alam kong pinag-isipan niya iyong mabuti kaya sumunod nalang ako.

"Alright. Be careful."

"Mm. You too." Habang inaayos ang grappling hook.

Sumenyas na ako sa ilang agent at umikot na kami ng tahimik sa kabila ng gusali.

Kinuha ko ang grappling hook.

Naunang umakyat ang isang agent sa itaas. Nang magtagumpay ito ay sumenyas ito. Sumunod na rin ako. Tinatahak namin ang madilim na gusali. Tanging ilaw ng buwan ang nagsisilbing liwanag dito sa daan. Nang makarinig kami ng mga yabag papunta sa amin ay agad kaming nagtago sa madilim na parte niyon. Tatlong taong may hawak na kaniya-kaniyang baril. Nang makita naman sila ay hinintay pa naming makalapit sila amin. Nang nasa bandang harapan namin sila nang lumabas kami at pinalabutan namin sila. Hindi na namin sila hinayaan makagawa ng ingay. Isa-isa kaming pumunta sa likuran nila at...

Sa isahang malakas na paghawak namin sa magkabilang gilid ng kanilang ulo at mabilisang pagpihit nito patagilid ay nabali iyon. Nagpatuloy na kami sa paglalakad at dahan-dahang binuksan ang bawat kwartong nadadaanan. Ang katahimikan ng gabi ay nangingibabaw sa digmaang magaganap. Bawat tunog ng kuliglig ay siyang pagpatay namin sa mga tauhang naririto. Bakit kailangan nilang sayangin ang mga buhay nila sa paggawa ng masama kung dadalhin lang sila nito sa kapahamakan, ang kamatayan.

Pagkatapos ng ilang pintong nadaanan ay sa wakas natagpuan ko na ang hinahanap namin. Nagulat pa nga ako sa biglaan niyang pagtutok ng baril sa akin. Napakalakas talaga ng pakiramdam ng pinsan ko. Pati ako ay inaakala niyang kalaban. Ibinigay ko sa kanya ang dala kong bag na may lamang pamalit niya.

Lumabad na kami at biglang nag-iba ang pakiramdam ko. Tiningnan ko si Hawie ngunit tahimik lang niyang inoobserbahan ang paligid.

"Is there something bothering you?" Bulong ko sa kanya.

Tiningnan niya lang ako at nagkibit-balikat.

Ano yun?

Parang may kakaiba sa buong building. Parang biglang tumahimik ang paligid.

"Sir Ax!" Narinig kog nagsalita si Xai, isa sa mga agent, sa signal. Alam kong naririnig iyon ng lahat , pati na rin si Hawie dahil nabigyan ko siya kanina. "Umalis kayo diyan! Ngayon na!----"

Umalingawngaw ang putok ng baril na nagmumula sa ibaba. Napalingon si Hawie sa akin. Hindi na kami nagdalawang isip na lumabas ng gusali ng masilayan ko ang sunod-sunod na pag-ilaw ng mga maliliit na pulang ilaw sa bawat gilid ng gusali. Noong una ay hindi ito masisilayan kaagad dahil sa hindi ito nasisinagan ng liwanag ng buwan.

Bumalik kami sa dinaanan namin at naghanap ng labasan. Agad kaming nagmadali nang isa-isang nagsiputukan ang mga pulang ilaw.

MGA BOMBA! SH*T!

Nagtinginan kaming apat tsaka sunod-sunod na nagsitalon mula sa gusali. Mas mabuting mabalian kaysa matusta at mawasak ang kalamnan.

To be Continued...

My baby is a Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon