Punong-puno ng mga taong nakabantay, paroon at parito. May nasa pintuan, sa labas, at mga taong aaligid lang sa kung saan-saan.
"Sino ba iyang nandyaan sa loob?" Habang nagsasalita ay kumuha siya at nagsindi ng yosi. Sinilip nila iyon sa butas. Isang babaeng mahimbing na natutulog sa isang kama. Maraming nakatali sa kamay at paa. Meron ding mga taong nakabantay sa kanya sa loob na nasa apat ang bilang.
"Ewan ko." Nagkibik-balikat lang ang kasamahan niya. Isinenyas niya ang sariling yosi na hawak at nagpasindi sa kasamahan.
"Ang daming bantay. Gaano ba iyan ka delikado? Babae lang naman iyan."
"Aba malay ko. Huwag ka nangang tanong ng tanong. Baka may makarinig pa na nag chichismisan tayo. Nako, lagot talaga tayo kay boss."
"Oo na. Oo na."
Nagpatuloy lang siya sa paghithit. Ilang minuto ang lumipas ay umandar na naman ang kuryosidad niya sa magandang babae sa loob pero naging dahilan lang iyon ng paglaki ng mga mata niya at pagkahulog ng yosi sa paanan ng kasama.
"Aray! P*ta! Ang sakit. Ano ba, Roger!" Nag makita niyang nakatitig ito sa loob ay di rin niya mapigilang lumingon roon. "A-anong nangyari dito?"
Ang kaninang kwarto na puno ng mga guwardiya ay ngayong mga nakahilata na sa sahig at parang wala ng mga buhay. Tiningnan din nila ang bihag na babae ngunit nakahiga pa rin naman sa kung saan siya nakapuwesto.
"Anong..."
Patuloy pa rin sila sa pagsilip. Kinuha niya ang susi at binuksan ito. Kahit nasa sa loob ang mga kasamahan ay ipinag-utos pa rin ng kanilang boss na isarado at I-lock dahil baka makatakas daw.
"Bob* ka ba? Alam mo namang kabilin bilin ni boss na huwag bubuksan ang pintuan na iyan kung hindi pa naman kakain iyang kasamahan natin. Sabihin na natin kay boss."
"Huwag mo nga akong bino bob* bob* diyan, Henry. Kung tutuusin, ikaw ang mas bob*. Nakita mo nang nakahiga silang lahat diyan tapos pag sinabi mo kay boss, anong sasabihin mo? Natumba sila agad ng biglaan?! Eh nandyan pa naman yung babae eh."
Hindi na niya kunimbinsi pa ang kasama hanggang pumasok sa loob ng mag-isa. Hindi rin iyon nakatiis at sumunod papasok sa loob. Lumapit sila sa mga kasamahang nakahiga at hinawakan ang pulsuhan.
"Hindi na tumitibok..."
Nilingon niya ang kasamahan ngunit isang matatalim na mga mata ng diretsong nakatingin sa kanya. Ang kasamahan ay nakatingin sa kanya at nahihirapang huminga dahil sa pagkaipit ng leeg nito sa mga braso ng dalaga. Ang kaninang parang walang buhay na babae na nakahiga kanina ay ngayong diretso nang nakatayo sa may pintuan habang iniipit ang leeg ng lalaki. Napakuha agad siya ng baril at initutok sa dalaga.
*Smirk
"Bitawan mo siya kung ayaw mong sumabog yang bungo mo!"
"Ano?"
Napamura nalang ito sa isip at napasabi na ang bob* ng babaeng ito.
"Bitawan mo kung ayaw mong sumabog yang bungo mo---"
"Anong pake ko." Sinabayan pa iyon ng pagngisi.
"I-iputok m-mo na!"
Nalilito man ay inasinta niya ng mabuti ang ulo ng dalaga na hindi man lang nagbago ang itsura.
"Ang init naman ng ulo mo. We can talk about it naman. How about a cup of tea?"
Napakunot nalang ang mga noo ng lalaki dahil kahit nasa ganoong sitwasyon ay nagawa pang magbiro ng dalaga. Hindi pa rin niya inaalis ang mga baril na nakatutok dito. Unti-unti na ring ipinipikit ng kasama niya ang mga mata dahil sa labis at lakas ng pagkaipit sa leeg nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/247086477-288-k106432.jpg)