AIDEN's POV
"I was just thinking that even though your appearance had changed..." Huminto ako upang titigan siya na ngayon ay nakatingin sa labas ng bintana "my heart beat still beats for you. It is unchangeble." gulat siyang napalingon sa akin kaya ngumiti ako.
Nakita ko ang gulat sa kanya ng sabihin ko iyon pero walang tugon o anummang reaksiyon ang ginawa niya.
Pumasok ang sekretarya ko at sinabi ang mga schedule ko.
"...By Friday, you will meet the son of Mr. Trevor. The heir of their company."
Nang matapos ang sekretarya ko ay lumabas na agad siya. Maya maya ay may mga dumating na papers. Isa isa kong binuklat iyon at binasa. Pinipirmahan ko ang ibang mga papeles at ang iba ay tinatabi ko upang ipa ulit.
*COUGH COUGH*
Naagaw ni Hawie ang atensyon ko. Umuubo siya. Sumulyap siya sa akin bago tumayo.
"May sakit ka? Saan ka pupunta?" Napatayo ako at akmang lalapit sana sa kanya pero iniharang niya ang kamay niya.
"C.r lang." Tsaka siya tuluyang lumabas ng opisina ko.
Bumalik nalang din ako sa kinauupuan ko pero pinag-aalala talaga ako ni Hawie kaya sinundan ko siya patungong girls restroom. Hindi ako pwedeng pumasok kaya sumandal nalang ako upang hintayin ang paglabas niya.
Maya-maya ay lumabas na siya kaya agad kong hinawakan ang braso niya na agad naman niyang inalis sa pagkakahawak ko.
Ang init niya!
"May lagnat ka. Halika." HInila ko siya pabalik sa opisina. Pinaupo ko siya sa couch. "Pinababayaan mo ba ang sarili mo?" Tinitigan niya lang ako.
"Hindi."
"Bakit ka nagkasakit?" Kumibit balikat siya.
"Naulanan lang."
Naulanan?
"Yun ba yung sa park?" tumango siya. "Bakit hindi mo sinabi?"
"Kakasabi nga lang."
Kahit may sakit, pilosopo pa rin!
Lumapit ako sa drawer ko upang maghanap ng gamot pero wala akong makita kaya kinuka ko ang telepono at tinawagan ang sekretarya ko.
"Buy me some medicine for fever. Bilisan mo." Hindi ko na siya hinintay na sumagot dahil pinatay ko na agad.
Bumalik ako kay Hawie. Hinawakan ko ang noo niya pero iniiwas niya pa rin.
"Dalhin na kaya kita sa ospital?" ngumisi siya.
" 'Wag na. Di pa naman ako mamamatay." isinandal niya ang ulo niya sa sofa habang nakaupo.
"Humiga ka." umiling siya. "Ang tigas ng ulo mo."
"Siyempre. Kung malambot to, naku delikado ako."
*COUGH COUGH*
"Nagpahinga ka nalang sana kanina!" nakapikit siya habang ako ay nakaupo sa gilid niyia at tinitingnan siya.
"Bumalik ka na dun. Huwag kang mag-alala di ako mamamatay." ngumisi siya.
"Gigisingin kita mamaya upang uminom ng gamot." Mukhang nakatulog na siya dahil di na siya sumagot sa akin.
Bumalik ako sa upuan ko at nagsimulang buksan ang mga papel pero ang mga tingin ko ay lumilipat pa rin sa pwesto ni Hawie kaya tumayo ulit ako. Inirolyo ko ang manggas ng suot ko at pumunta sa banyo. Naghanap ako ng towel at binasa iyon sa maligamgam na tubig. Lumapit ako sa kanya at inilagay iyon sa noo niya. Tinitigan ko ang bawat parte niyon. Iniwan ko muna iyon sa noo niya at pumunta sa lamesa upang tawagan ulit ang sekretarya.