24

138 5 2
                                    

AIDEN's POV

Dumaan na ang dalawang araw ngunit di pa rin nagigising si Hawie. Sa ilang oras na dumadamaan na di niya iminumulat ang mata niya, nadadagdagan din ang kaba ko.

I can't bear watching you like this...

Kahapon pa ako narito. Hindi ko maiwan-iwan si Hawie kahit pa sinasabihan na ako ni tita Valencia na umuwi na. Nagpapadala na rin ako ng mga damit dito sa hospital para mabantayan ko si Hawie.

Napalingon ako sa aking likuran ng biglang bumukas ang pinto at iniluuwa niyon si Yezha. Kilala ko na rin si Yezha. Sabi niya, bukod kay Aria, Kasama rin daw siya ni Hawie sa mga misyon. Sa madaling salita, silang tatlo ay mga agent.

"Oh? You're still here, huh?" tumango ako sa tanong niya.

"I can't leave her knowing that...I'm the reason why she is in a hospital bed right now..." Hinawakan ko ang kamay ni Hawie.

Lumapit naman si Yezha sa kabilang gilid ni Hawie na nasa bandang harapan ko.

"Ayzhia wouldn't think like that."

"I know..."

"Then stop thinking like that, too. Kung ganyan ang iniisip mo habang binabantayan mo siya, iisipin niya talagang nakokonsensya ka."

"Really?" parang bata kong tanong sa kanya. Tumitig muna siya sa akin bago tumango.

"Mm, really." Tsaka niya ibinalik ang paningin kay Hawie. "Kumain ka na ba?" umiling ako.

Tiningnan niya ang relos niya.

"Di mo sinabi na plano mo palang magpagutom."

Tiningnan ko ang oras at mag a-alas tres na ng hapon. Napakamot ako sa ulo ko.

"I didn't notice the time..."

"Kumain ka na muna. Ako muna ang magbabantay kay Ayzhia." Hindi agad ako nakasagot pero isinenyas na niya ang pintuan.

"Are you sure?"

"Do I look like I'm kidding?"

Bumuntong hininga nalang ako tsaka tumayo. Lumapit ako kay Hawie at hinawakan ang kamay niya.

"Aalis lang ako saglit. Kakain lang. Sana pagbalik ko gising ka na. I'll be waiting for you..."

Tumayo na ako ng tuwid at naglakad na papuntang pintuan. Sinulyapan ko muna si Hawie bago si Ayzhia na tinanguan lang ako. Sinarado ko na ang pinto at naglakad na paalis ng ospital. Sumakay na ako ng kotse at pumunta sa pinakamalapit na restawran. Agad-agad akong nag order. Habang hinihintay ang order ko binuksan ko muna ay nag open muna ako sa faceook para mag scroll. Marami na ding nag pop up na mga messages galing sa mga kakilala ko. Sa kabilang banda, biglang tumunog ang pintuan senyales ng may dumating pero hindi ko na inabala pang tingnan kung sino iyon.

"Honey..."

Kasabay ng mga salitang iyon ay ang magkapares na mga kamay na humawak sa kamay kong may hawak na cellphone. Automatiko akong napaharap sa pinanggalingan ng boses.

"E-Eunice..." She just smiled at me.

"Hindi mo ba ako yayayaing umupo?" Nagulat ako kaya napatayo ako agad para hilahina ang upuan para alalayan siyang umupo.

I suddenly saw the flashed of her smile when I did it. Tinawag ko ulit ang waiter para umorder ulit.

"You really knew what the food I like."

"Yeah."

Isang nakakabingin katahimikan ang nangibabaw sa aming dalawa.

"I missed y---" "I'm sorr---"

My baby is a Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon