HAWIE's POV
Hila hila ako ni Aiden papasok sa sasakyan. Pagkatapos niyang isigaw ang pangalan ko sa harap ng maraming tao kanina ay humingi siya ng tawad dun sa hinayupak na Annika na yun.
"Sakit ka talaga sa ulo, Ayzhia!" niraratratan na niya ako kanina pa. Kesyo daw bakit inaway ko yung babaeng yun,bakit ko daw pinainit ang ulo at marami pang blah blah blah.
"Wala naman kasi akong ginagawa sa kanya." mahinahon ko iyong sinabi. Sumandal ako sa sandalan ng upuan at bumuntong hininga.
"Yan din yung sinabi mo dati! Sabi ko naman sayo na delikado ang babaeng yun! Lalo na at pinahiya mo siya sa madaming tao!" napapikit ako sa pagsigaw niya.
"Hindi ko siya pinahiya. Siya ang nagpahiya sa sarili niya." Napasubonot siya sa buhok niya.
"Yan!" tinuro niya ako. "That attitude of yours! Yan ang dahilan kung bakit napapasok ka sa gulo. Dadating ang araw na ipapahamak ka ng ugaling yan!" galit na galit siya.
"Hindi ko nga siya hinawakan eh. Kung makasigaw siya dun kala mo papatayin na. Tsk." napangiwi ako.
"C-can't you just shut-up. Tanggapin mo nalang kasi mali mo! Pano kong tanggalan ako ng shares ng babaeng yun? Hindi mo alam kung gaanong ka importante ang babaeng binangga mo kanina!" napakunot ang noo ko.
"Sige. Mali ko na. Bumalik ka na dun. Baka masira ko pa ang gabi mo eh."
"You already did. You ruined my night. Let's just go home." Sumandal siya at tumingin ulit sa bintana.
Nakaka guilty. Kung sana pinalampas ko na yung hinayupak na yun eh di sana di masama ang loob ng lalaking to.
Pinaandar ko na ang sasakyan. Sumasakit pa ang likod ko tapos ngayon sampal na naman ang natanggap ko. Etong undercover na to ang di ko nagustuhan. Kung dati ay nagpapanggap lang ako na isang guest sa event tapos pasikretong dalhin ang target at patayin, o kaya naman ay maging isang janitor sa isang organisasyon tapos ganun pa rin ang gagawin, at marami pang iba. Pero ang isang to ay nakakainis.
Imbis na dumeretso sa bahay ni Aiden ay dinala ko siya sa lugar kung saan hindi kompletong masisira ang gabi niya. Mukhang napansin niya ang pag iba ng daan kay lumingon lingon siya sa gilid at sa likod.
"Where are we? I said let's go home."
"Just wait and see. I don't want to ruin your night completely." inihinto ko na ang sasakyan.
Lumabas na ako pero nanatili pa rin siya sa loob ng sasakyan. Bumuntong hininga ako tsaka pumunta sa pwesto niyaupang pagbuksan siya ng pinto. Nang buksan ko ang pinto ay nakakunot na ang noo niya.
"Para kang bata." Nilingon niya ako at mas kumunot ang noo. "Di ko nga sinasadya yung kanina eh. Bumabawi lang ako para naman gumaan na yang loob mo."
Lumabas siya.
"Saan ba to? Ang pangit. Halos dilim ang nakikita ko." babalik na sana siya pero hinila ko.
Sa likod kasi siya nakatingin kaya inikot ko siya upang makita ang tunay na ganda ng aming pinunta.
Dito ka pumupunta dati pag malungkot o mainit ang ulo mo. Sekretong taguan mo ito noon. Hindi mo ba natatandaan?
Gustong gusto kong sabihin sa kanya ang mga salitang iyon pero kahit man sabihin ko ay magtataka lang siya sa iniasta ko.
Pumunta kami sa di kilalang lugar na ito. Masyadong tago at mataas ito. Saktong madilim at maganda ang panahon kaya makikita na ang mga bituin sa kalangitan.
Pumasok muli ako sa loob ng sasakyan at inihinto ito sa magandang posisyon. Lumabas ako at umupo sa harap niyon, pinagpag ko ang tabi ko at isinenyas na maupo siya. Bumuntong hininga muli siya bago maupo.
"Mas maganda yan kung hihiga ka." Lumingon ako at ngumiti sa kanya. Tinitigan niya lang ako kaya umiwas ako.
"A-ahh!" Napalingon ako sa biglaang pagsigaw niya. Hawak-hawak niya rin ang ulo niya.
"Hoy! Okay ka lang?!" Hinawakan ko ang pisngi niya at pilit ko siyang pinapaharap sa akin.
AIDEN's POV
"Mas maganda yan kung hihiga ka"- "Mas maganda yan kung hihiga ka" parang dalawang tao ang narinig kong nagsalita. Kasabay niyon ay ang pagsakit ng ulo ko.
Flashback
"Sabi ko na nga ba eh, dito lang kita makikita ." lumingon ako sa likuran ko. Hirap na hirap siyang itulak ang bike niya pataas, papunta sa kinaroroonan ko.
Ngumiti ako. "Hawie..." pinagpag ko ang damong inuupuan ko at isinenyas na maupo siya. Umupo naman siya.
"Anong problema?" nilingon ko siya. Mababakas sa mukha niya ang pag-aalala.
Ngumiti ako. "Wala." ibinalik ko ang paningin sa langit.
"Hayy ano ba yan! Tayo ba o hindi? Kung makapagtago ka niyan...nakakatampo ka ah!" tinuro niya ako tsaka siya nag pout.
Bago palang ang relasyon namin ni Hawie. Dalawang buwan pa lang pero parang ang tagal na namin. Dahil siguro sa katotohanang matagal na kaming magkaibigan bago naging kami at aaminin kong siya ang unang babaeng minahal ko maliban sa mama ko. Legal na ako sa pamilya ni Hawie pero sa pamilya ko, ay hindi pa. Magkaiba ang estado ng buhay naming dalawa pero wala akong pakialam dun. Mahigpit si daddy lalo na't inaasahan niya ako na magmamana ng mga business namin. Kaya nga pinag igihan kong mag-aral sa kursong di ko naman gusto para mapasaya si daddy. First year college na ako sa feild ng business ad., para maging karapat dapat akong humawak ng business namin. Hindi ko naman nalilimutan ang obligasyon ko sa pamilya, pero kasi, pag kasama ko si Hawe, parang wala akong pinoproblema. Nakikita ko lang ang mga ngiti niya at ang kulit niya, ayos na.
Nagulat ako. "Syempre tayo no! Ayaw ko lang pag alalahin ka." kumunot ang noo niya.
"Mas lalo mo lang kaya akong pinag-alala. Nako talaga Aiden Sebastian Parker! Paan kung napano ka rito. Mag-isa ka pa naman! Dapat sa oras na ganito, may kasama ka. Alam mo ba iyon ha? Ikaw ang tigas ng ulo mo---" Ngumisi nalang ako. Ayan na naman siya. Raratratan na naman ako.
"Sorry na, babe..." tumigil siya sa kakasalita at pinagtiklop ang mga labi. Nagpipigil ng ngiti.
"Ikaw ha! Ang sama mo! Hmp!" pinagkus niya pa ang mga kamay niya. Ang cute talaga ng babaeng to. "Alam mo bang sasakit ang batok mo niyan?" nagtataka ko siyang nilingon.
"Mas maganda yan kung hihiga ka." humiga siya at sumunod na din ako. Tiningnan naming dalawa ang langit. Nakangiti at hindi inaalala ang mga problema.
End of Flashback
"Hoy! Okay ka lang?!" naaninagan ko ang babaeng napakalapit sa mukha ko.
"Oh? Ano? Pumasok ka na sa loob. Dadalhin kita sa ospital." bumaba siya at dumaan sa harap ko upang pumasok sa sasakyan pero napatigil siya sa salitang binigkas ko.
"Hawie?" Mababakas ang gulat sa mukha niya.
To be Continued...