1

448 13 2
                                    

HAWIE's POV

"I won't do it" gulat na gulat ako sa siabi ni Yezha. "Find someone to be with Aria"

"What's wrong with you, Ayzhia? You're always determined but now...I don't know" ilang buwan na ang nakalipas simula ng naging opisyal na myembro ako ng organisasyon. Naatasan nadin ako ng mga misyon at laging matagumpay ang mga iyon. "Tell me your reasons" diretso ang tingin ni Yezha.

"There's no reason, Yezha. It's just...new members can handle it" kumunot ang noo ni Yezha.

"Then, if there's none. Let's end this and the mission will be yours. End of conversation." akma na siyang tatalikod. "You're starting to disappoint me, Ayzhia" galit siya.

"Okay, Yezha. I accept the mission" nagdadalawang isip man ay ayokong ma bad shot kay Yezha. "I know that I'm good at it that's why you assigned it to me". ngumiti na din si Aria sa pagpayag ko.

"Mm. Prove it" nagpatuloy siya sa pagsasalita. Nang matapos kami sa pagpupulong ay nagpaalam ako kay Aria na may pupuntahan. Uuwi din daw siya dahil aalamin niya ang tungkol sa subject namin.

Pumasok ako sa secret room at humarap sa salamin. Kumuha ako ng baril at nilinisan ang katawan nito. Napaganda ng AMT AutoMag III. Itim na may halong pilak ang kulay nito. Gusto ko iyong ginagamit. Marami na ding dugo ang dumanak dahil dito. Humigpit ang kapit ko dito at nang pumasok sa isip ko ang bagong misyon ay parang nanghina ako.

Flashback

"Yezha?" tawag ko sa kanya pagkapasok ko sa meeting hall, kung saan dito ginaganap ang mga pagpa plano. Napakalaki ng lugar na ito. Meron itong mga upiuan sa bawat gilid at sa harapan, sa mismong likod ni Yezha ay may malaking screen. Doon ipinapakita kung sino ang kakasahin at sinong ititira.

"Oh, you're here " tumango lang ako. Sumenyas siyang umupo ako. "I have a mission for you and Aria" tumango lang ako at tiningnan si Aria na nauna na pala sa akin. Kitang kita sa mata nito ang galak. Tumayo siya at kinuha ang remote at itinutok sa malaking screen. "This is Morris Marlin" tumango ako. Malaking lalaki at sa unang tingin ay di kaaya-aya ang pakiramdam ko sa isang to.

"What's with him?" Tukoy ko sa lalaking nasa larawan.

"Creepy looks" komento din ni Aria.

"What's with him? Uh, nothing. He's only the most dangerous leader of Mafia" tinaas ko ang kilay.

"So, you want us to finish him?" Tanong ni Aria. Umiling si Yezha bilang tugon.

"Not yet. I want both of you to get the information that can benefit us and bring the Mafia boss, down." Pinindot niya ulit ang controller na dahilan ng pagbilog ng mata ko.

"Aiden Sebastian Parker""-Aiden " napasabay ako ng bigkas kay Yezha. Anong meron sa kanya?

"Ang gwapo" bulong ni Aria. Tiningnan ko siya at tutok na tutok ang mga mata nito.

"The keeper of the information" literal na nagulat ako. "Two years ago, he joined Marlin's group. Gusto na niyang kumalas but they won't let him leave...alive, as we know that he witnessed everything in that damn organization." naglakad sa harap sa Yezha habang nagsasalita. "Tumakas siya at balak isumbong sa mga awtoridad pero malas niya, nasagasaan siya ng sasakyan" what? Bakit tatanga-tanga siya?! tsk! nakakinis "and he's perfectly fine. Nagka retrograde amnesia siya"

"What do you want us to do?" direktang tanng ni Aria.

"I want you to disguise Aria as his maid and Ayzhia as his personal driver. Don't worry his dad asked us for help so it will easy for both of you"

"I won't do it" nagulat si Yezha at Aria sa sinabi ko. "Find someone to be with Aria." tsaka ako tumayo.

End of Flasback

Napapayag pa rin niya ako sa huli, tsk. Ipinaliwanag ni Yezha kung bakit kami ni Aria ang kailangan ay dahil sa lakas at galing ko daw makipaglaban ay maililigtas ko si Aiden. Habang si Aria naman ang magiging responsable kapag aalis kami ni Aiden at maiiwan si Aria ay maghahanap daw siya ng clue sa loob ng kwarto ni Aiden na parang tigre dahil ayaw daw magpapasok ayon sa daddy niya. Eh, sana ginawa nalang nila habang wala si Aiden. Mang uutos pa , tsk. Buti nalang talaga at hindi pa pamilyar ang daddy niya sa akin, bukod sa hindi siya suportado sa relasyon namin noon dahil manang-manang pa ang outfit ko, eh mababa rin ang status sa buhay.

Kinuha ko ang pang-ipit at inilagay iyon sa mahaba kong buhok. "It suits you" nagsalita si Greyson na kakapasok lang din kaya dali-dali ko iyong tinanggal. Magaling din sa pakikipaglaban ang isang to kaso mas magaling nga lang ako. "Who gave that to you?" hinawakan ko ulit ang baril.

"None of your business" ang plastic ng isang to. Sabi ng instincts ko, maling pagkatiwalaan ang inggitero.

"Ang laki na ng ulo mo, Ayzhia ah. Nakatanggap lang ng parangal, kala mo na kung sino" nakaharap siya sa salamin habang ako nakatalikod naman ako pero magkatabi kami.

"ketchup toyo" (it's up to you) nabasa ko lang iyon sa joke eh kaso mukhang tanga tong kasama ko kaya di rin niya gets.

"What?" di ko siya pinansin at tuloy tuloy ako sa pagalik ng pistol sa lalagyan niyon. "Ang yabang mo"

"Hindi ako mayabang" tumalikod ako at tumingin din sa salamit at tiningnan siya sa mata.

"Sa akto mo palang, mayabang na" ngumisi siya.

Ngumisi din ako. "Di ako mayabang, talagang inggit ka lang" at tinapik siya tsaka iniwan sa loob nun. Baka maisipan niyang magpakamatay sa inggit, nakakaawa pa naman yung taga linis. Malaking basura ba naman lilinisin, tsk.

"Saan ka nagpunta?" bungad agad ni Aria. Di ko siya masagot dahil malalim ang iniisip ko. Sa sobrang lalim, hindi masisisid. "Hulaan ko. Nililinisan mo na naman yung baril mo no?" tumango nalang ako. Dada ng dada eh. "Nakita ko si Greyson pumasok dun, ah. Anong nangyari? Inaway ka ba ?" umiling ako . "Weee?" tumango ako. "Talaga?" tumango ulit ako ng biglang tumigil siya sa paglalakad. Tinaasan ko siya ng kilay at...binatukan ako.

"Aray! Suntukin kaya kita?" Nag peace sign siya. Mukha daw kasi siyang baliw na mag isang nagsasalita. Alisin nalang kaya niya ang 'mukha', baliw naman na siya.

Umuwi na kami pero nagbihis ulit ng panibago. Nakapantalon, t-shirt at cap lang ako at ganun din si Aria. Sumakay kami sa kanya-kanyang motor at pinaharurot sa magkaibang direksiyon dahil di naman kami pareho ng inuuwian.

Pagdating ko sa bahay at hinayaan kong lamunin ako ng mga iisipin.

"Ready yourself, Hawie. It's going to be challenging" bulong ko sa sarili bago ipinikit ang mga mata.

To be Continued...

My baby is a Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon