11

169 8 1
                                    

HAWIE's POV

Ilang buwan na ang nakalipas simula ng mapunta kami sa misyong ito. Maraming nagbago sa loob ng buwang iyon. Gaya na lang ng pagbabago bago ng mga galaw ni Aiden. Minsan nahuli ko siyang panay tingin sa akin o tinititigan niya nalang ako bigla at ang mas importante ay alam ko na din kung saan makikita ang lungga ng mga Miller.

Nakatayo ako ngayon sa loob ng office ni Aiden, sa tabi mismo ng pinto. Trip ko lagi tumayo sa pinto eh. Diretso lang ang tingin ko likuran niya na halos salamin ang makikita. Kitang kita ko ang mga nagtatayuang gusali at ang ulap na napakaganda.

"Sit down." Naagaw ni Aiden ang atensyon ko dahil sa pagsasalita niya. Nang tingnan ko siya ay agad naman siyang nag iwas ng tingin.

Ayan na naman siya. Ano bang nangyayari sa kanya?

Naghanap ako ng mau upuan. May nakita akong couch sa gilid kaya pumunta ako dun upang maupo. Hindi ko nakikita ng buo si Aiden dahil nakataglid ako sa pwesto niya pero nakikita ko naman siya sa gilid ng mata ko.

"Bakit ang tahimik mo? Hoy Ayzhia!" Nilingon ko siya at tinitigan. Gumalaw galaw naman ang mata niya na parang iniiwasan ang mga titig ko.

"Kailan ba ako nag ingay?"

"Aba malay ko sa iyo." umirap pa siya. Hanep.

"Mukhang alam mo na kung kailan eh."

"Hah! Kailan naman? Ang kapal ng mukha mong payatot ka!"

P-payatot? Loko to ah!

"Lagi mo akong tinititigan eh." napatikhim siya.

"Ang kapal."

"Sabi mo eh." Inilinga ko ang ulo ko sa buong opisina niya nang may nakaagaw ng atensyon ko. Isang picture frame.

Tumayo ako at nakita ko ang pagtaas ng tingin ni Aiden sa gawi ko.

"Do you know her?" Tumayo siya mula sa pagkakaupo at tumayo sa likuran ko.

Bakit hindi ko makikilala ang sarili ko?

"Hindi. Ikaw kilala mo ba siya?" tukoy ko sa may litrato.

"Mm, syempre." Nagulat ako pero di ko pinahalata.

"Ah, may I know her name?"

"Mm. It's Eunice." Nilingon ko siya bigla. "Mukhang gulat na gulat ka ah."

"Ah hindi. Mukhang malayo kasi sa litrato. Ang laki ng pinagbago ni Eunie diyan..." Nakapalda at normal na t-shirt. Mahaba ang buhok na halos natatakpan na ang mukha at suot suot ang hairpin.

"We're too young that time but I don't exactly remember when did we take the picture. I just accidentally saw it in my room and when I asked daddy, he said it was Eunice."

It was the day when you gave me the hairpin.

"Sanaol glow up." Mapait akong ngumisi. Tumikhim ako tsaka bumalik sa pagkakaupo.

Biglang may natanggap akong tawag. Para akong may suot na headset na kulot ang wire na nakalagay sa loob ng damit ko. Nagpaalam akong mag si c-r. Saktong paglabas ako ay pinindot ko iyong nasa tenga ko at pumasok ako sa Fire exit. Saktong walang tao ang lugar na iyon.

"Ayzhia, I just received an information that Morris Miller is going to the opening party. I can send you back ups---"

"No need. I can handle it. In fact, I have Aria as standby."

"Okay. As you please. But if you need anything, call us immediately, okay?"

"Mukhang di ka kampante sa kakayahan ko ah?" ngumisi ako.

My baby is a Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon