HAWIE's POV
Biglang bumukas ang pinto kaya agad kong itinutok ang hawak kong baril roon.
"Ayzhia!" Si jaxon. Tiningnan niya ako at bumaba iyon sa nakahandusay na lalaki. Nakahinga ako ng maluwag dahil siya ang dumating kaya ibinaba ko na ang hawak kong baril. "Halika na!" Tiningnan niya ang relos niya. "May isang minuto pa tayo para maka alis sa lugar." Tinanggal ko ang isang sandal ko at tumakbong naka paa.
Nakasunod ako kay Jaxon ng bigla siyang huminto.
"Sa kabila." mabilis kaming bumalik sa pinanggalingan dahil makakasalubong namin sila Miller.
Takbo lakad ang aming ginawa hanggang sa makalabas kami sa lugar na iyon. Dumeretso na kami sa loob ng sasakyan at pinakiramdaman ang susunod na mangyayari sa loob.
"10 seconds." tiningnan ko si Jax na nakatingin sa kanyang relos. "5... 4... 3... 2..." tiningnan niya ang loob ng lugar kaya napatingin din ako doon.
Ilang segundo ay lumabas na ang ilan sa mga bisita. Lumabas si Jax.
"Excuse me miss, is the party over?" Huminto naman iyong tinanong niya. Mukhang hindi naman sila nagmamadali.
"Yeah, the owner canceled it because something urgent came."
"I see, thank you." tsaka siya bumalik sa sasakyan.
Something urgent...
Isa-isang nagsilabasan ang mga tao.
"Look behind you." Nagsalita si Yezha sa mga TCAP naming dalawa. Lumingon si Jax sa likuran namin.
"At the back door?" Wala sa sarili niyang usal.
Nilingon ko rin ito. May mga lalaking papalabas sa pintuan sa kabila. Palingon-lingon ito. May hila-hila din silang lalaki na sa tingin ko ay yung inakala kong si Miller. Huminto ang tingin ng malaking lalaki sa gawi namin, hindi, sa akin. Mukhang siya ang tunay na Miller. Sumakay na sila sa sasakyan at pinaharurot.
"I'm sorry Yezha, I lost them." bumuntong hininga ako.
"Huwag kang mag alala. Na track na namin sila." Nagulat ako.
"That's a relief." nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya Yezha.
Umalis na ang ibang sasakyan ng bisita pati na rin sila Miller. Pinaandar na rin niya ang sasakyan.
Nilalamig ako kaya inabot ko ang aircon at hininaan ito.
"Okay ka lang ba?" tumango ako. Hinawakan niya ang noo ko. "Ang init mo."
"Okay lang ako. Ibalik mo nalang ako dun sa salon."
"I can drive you home." umiling ako.
Nang makarating kami sa salon ay tuyo na ang damit ko. Pinalabhan na din daw nila ito. Kung hindi ako nagkakamali ay mga agent din tung mga to.
Isinuot ko na ang damit ko at nanghiram ng telepono. Tinawagan ko si Aria at sinabing magpapasundo ako.
Nagpaalam na ding babalik si Jax upang makipag usap kay Yezha. Nagpaalam na din ako sa mga tumulong mag ayos sa akin bago ako lumabas. Hindi ko tinanggal ang ipit sa buhok ko dahil mas komportable at naalala ko kung sino ako tuwing suot-suot ko ito. Naglakad-lakad muna ako.
Biglang may huminto na motor sa harap ko, si Aria. Motor ko ang gamit niya. Tinanggal niya ang helmet niya at kinuha ang isang helmet at ibinigay sa akin
"Oh. Kamusta?" kibit balikat lang ang sagot ko.
"Alis. Ako mag da drive." Bumaba siya at ako naman ang pumalit sa pwesto niya.
Sinuot ko ang helmet ko at umangkas na siya. Pinaandar ko na siya at pinaharurot ko na iyon.
Nang makarating kami sa bahay ay wala pa ang sasakyan ni Aiden. Tiningnan ko ang relos ko at alas onse na.
Ang tagal naman ng date nila.
"Susunduin ko muna si Aiden." Ramdam ko na ang init ng hininga ko.
*Cough Cough
"Okay ka lang ba Ayzhia?" hinawakan niya ang noo ko. "Ang init mo ah! Ano bang nangyari sa iyo?" Iniwas ko ang ulo ko sa kanya.
"Naulanan lang."
"Ako na ang susundo kay Aiden. Magpahinga ka na." umiling ako.
"Okay lang ako. Ako ang bantay niya kaya ako ang susundo sa kanya." Hindi ko na siya pinagsalita pa. Ibinalik ko na agad ang helmet at pinaandar ang motor at pinaharurot paalis.
Para akong nakalutang dahil sa nararamdaman ko ngayon. Ang lamig ng pakiramdam ko at ang init ng hininga na nararamdaman ko dahil sa helmet. Huminto ako at pinindot na ang tracking device na nakalagay sa harap ng motor ko para makita ang posisyon ni Aiden. Nakita ko na kaya sinundan ko na ito.
Napunta ako sa park. Sa lugar kung saan niya ako iniwan kanina.
Anong ginagawa niya dito?
Bumaba na ako sa motor at tinanggal ang helmet ko. Nakita ko ang sasakyan niya kaya tiningnan ko kung nandun siya kaso wala kaya naglakad lakad ako hanggang sa nakita ko siyang nakaupo sa slide. Naglakad ako at tumayo ako sa harap niya at nag angat siya ng tingin sa akin at nagulat. Tumayo sa bigla at ngumiti pero nawala iyon ng mahinto siya sa ulo ko.
"Bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong ko sakanya. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa ulo ko. Lumingon lingon ako sa paligid. "Asan si Eunice?" pero wala wala pa rin siyang kibo kaya hinawakan ko ang ulo ko at napatalikod bigla.
Yung hairpin! Hindi ko natanggal!
Agad akong naglakad paalis at tinanggal iyon sa ulo ko at inilagay sa bulsa. Nilingon ko siya pero nakatitig pa rin siya sa akin.
"May pupuntahan ka pa ba? S-sir?" mukha siyang nabalik sa reyalidad dahil napaigtad siya.
"A-ah wala. Saan ka ba nagpunta? Sabi ko sayo babalikan kita bakit wala ka dito kanina?"
Mahinhin ang pagkakasabi niyang iyon na lalong nakakapagtaka sa akin. Kung dati ay halos maputukan siya ng ugat kakasigaw, ngayon naman ay nag iba. May nakain ba siya?
"Diyan lang. Kung wala ka ng pupuntahan, umuwi na tayo."
Sumakay na ako sa motor ko at nilagay ang helmet. Sumakay na din siya sa kotse niya. Sinenyasan ko siyang mauna tsaka ako sumunod.
Ano ba Hawie! Bakit hindi ka nag iingat!
Nang makarating kami sa bahay ay hindi pa rin umaalis si Aria sa pwesto niya kung saan ko siya iniwan.
"Bakit hindi ka pa pumasok?" Lumapit siya sa akin at hinawakan ang noo ko. Tinabig ko naman iyon bago makita ni Aiden.
"You're burning. Lumala pa tuloy. Ang tigas ng ulo mo! Halika na." Mukha siyang nanay ko.
Nilingon ko si Aiden at kakalabas niya lang ng sasakyan.
"Good evening, sir." Bati ni Aria. Tango lang ang isinagot ni Aiden. Tiningnan niya pa ako bago tuluyang pumasok ng pinto.
Hinila ako ng Aria at pinapasok sa kwarto.
"Relax, Aria. Hindi lagnat ang makakapatay sa akin." Mukhang hindi pa rin siya naging kampante. "Matulog ka na. Magbibihis lang ako. Huwag kang mag-alala kung mamamatay man ako... hindi yun mangyayari."
Tumayo ako at nagbihis tsaka humiga. Mas lalong bumibigat ang ulo ko kaya uminom muna ako ng gamot. Kinuha ko ang hairpin at tiningnan iyon. Naalala ko ang naging reaksiyon ni Aiden sa hairpin na to.
Naalala na ba niya?
To be Continued...