Pumasok ako sa isang Cafe. Napahikab ako. Inaantok na talaga ako. Lumingon lingon ako at may nagtaas ng kamay.
"Ate Hawie!" Lumapit ako sa gawi niya at umupo sa harap niya.
Yan si Hail, Keanne Hail Ruiz, kapatid ko. Hindi niyo magugustuhan ang isang to. Bukod sa maingay, pangit pa. Siya ang pinababantay ko kay nanay.
"Akin na ang baby ko." inilahad ko ang kamay ko sa kanya.
"Luh? Wala man lang kamusta sa mahal mong kapatid?"
"Alam ko namang maayos ka. Yung utak mo lang, hindi ko alam kung ayos pa ba." napangiwi siya.
"Oh ayan." nilagay niya ang susi ng motor ko. Napangisi ako.
My baby...
"Makangiti ka diyan."
"Kamusta si nanay?" lumingon siya sa akin tsaka ngumiti.
"Okay lang naman siya. Nababagot nga lang. Gusto niyang lumabas ng bahay kaso hindi pwede kasi nga dahil diyan sa trabaho mo. Ang hirap lumabas baka harangin kami ng mga kaaway mo diyan. Todo ingat nga ako kanina eh baka malaman pang kapatid kita." lumapit pa siya sa akin upang bumulong.
"Loko to ah. Kung makasigaw ka nga sa pangalan ko kanina parang di ka takot." napangiwi siya. "Hindi nila malalaman ang impormasyon tungkol sa akin, okay? Tsaka kung gusto ni nanay lumabas, sabihin mo sa akin. Igagala ko siya."
"Talaga?" Tumango ako.
Dahil sa trabaho ko, malalagay sa peligro ang buhay ng mga mahal ko sa buhay kaya naiintindihan ko si tatay kung palihim siya kung bisitahin kami. Oo, Agent din si tatay. Nalaman ko lang nung minsang sabihan niya ako bago siya umalis. Pitong taong gulang ako noon nang umalis siya at sinabi sa akin ang tungkol sa trabaho niya. Hindi pa siya patay, okay? Nawalan lang kami ng komunikasyon sa kanya hanggang ngayon. Isa din siya sa rason kung bakit napasok ako sa trabahong to. Hindi nga ako sigurado kung maayos pa ba ang lagay ni tatay pero nagbabakasali akong sa trabaho kong ito, mag krus ang landas namin at mabuo ang pamilyang ninanais ko.
"Aalis na ako. Mag iingat kayo." tumango siya.
Inayos ko ang suot kong cap bago lumabas ng Cafe. Sumakay na ako sa motor ko at pinaharurot ito papaalis sa lugar.
Nang makarating ako sa bahay ay pasado alas dose na.
Para na rin nababantayan namin si Aiden, mas minabuti at napagdesisyunan namin, kasama na si Mr. Parker, na dito kami tutuloy hanggat nasa misyon pa kami.
Ramdam na ramdam ko na ang pagod ng katawan ko. Pumasok na ako sa kwarto at naabutan si Aria na may tina type sa computer niya. Isa siya sa mga utak ng organisasyon. Napaganda ng lalagyan ng laptop niya. Mukha itong normal na briefcase ngunit pag itoy binuksan ay para itong laptop. Ginagamit namin ito sa pang ha-hack o pangangalap ng impormasyon o pag de-deactivate ng bomba. Yun lang.
Umupo ako sa tabi niya.
"She's incredibly amazing." Tukoy niya sa babaeng inutos kong hanapan niyia ng impormasyon. Ngumisi siya. Ngumiwi naman ako.
"I'm exhausted." tiningnan niya ako tsaka ibinalik din ang mata sa ginagawa.
"Halata nga."
"Bukas mo na sa akin ibigay yan. Magpapahinga muna ako." Tumango lang siya.
Hindi ko na rin hinayaan ang sarili kong mag isip dahil sa sobrang pagod, madali akong nakatulog.
Maaga akong nagising at naligo agad. Ilang minuto bago ang paggising ko ay bumangon na din si Aria. Ganun din ang ginawa niya. Naligo din siya tsaka nagbihis. Tahimik pa ang buong bahay kaya siguro tulog pa ang lahat. Tiningnan ko ang orasan at alas sinco palang ng umaga. Nagbihis kami ng damit na hapit na hapit sa aming katawan ko at pumasok sa isa sa mga kwarto na may mga gym equipment. Binigyan din kami ng permission ni Mr. Parker upang pumasok rito.
Sinimulan ko na ang pag inat inat ng katawan ko tsaka nag push up. Pumunta din ako sa punching bag at sinuntok suntok at sinipa ito.
"Galit na galit? Gustong manakit?" Nagsalita si Aria kaya tinigil ko ang ginagawa at nilingon siya na ngayon ay nagbubuhat ng dumb bell.
"Fight me. Papawis lang." Hamon ko sa kanya. Nagulat naman siya tsaka ngumisi.
Ibinalik niya muna nag dumb bell tsaka umayos ng tayo at pinantayan ako.
"P-papawis?" Tumango ako. "Huwag na. Pawis ka na kanina pa." Tinitigan ko lang siya.
"Malakas ka Aria. Pero kung utak lang ang lagi mong pinapaandar at hindi ang pisikal na lakas mo, kung patayan na ang mangyayari. Wala din."
"Pero dahil sa utak ko, ang patayan na yan ay malulusutan ko." ngumisi siya.
Aba aba lumalaban.
Bigla akong umikot at sinipa ang tiyan niya. Napa atras naman siya sa gulat. Sinenyas ko ang kamay ko upang lumapit siya.
She look pissed...
"Tumakbo siyang sumugod sa akin at inambahan ako ng suntok. Umilag ako at lumipat ng pwesto sa likuran niya tsaka siya sinipa. Lumingon siya sa akin na kunot na kunot ang kilay.
"Relax, Aria. Kung dadalhin mo ang galit mo dito ay di ka makakapag isip ng maayos. Saan na ang utak mo niyan?"
Tumakbo ulit siya papunta sa pwesto ko. Iwas at tapik ang ginawa ko sa kanya. Paulit ulit lang ang ginagawa niya kaya nabagot ako. Nang akma niya akong susuntukin ay hinawakan ko ang kamay niya kasabay ng pagtalikod. Iniyuko ko ng kaunti ang tuhod ko tsaka ko hinila ang kamay niya na nakapatong sa balikat ko. Napahiga siya at napatulalang nakatingin sa kisame.
"hahahaha!" bigla siyang tumawa. Ngumisi naman ako
That's Aria.
"Wow, Ayzhia! Ang galing mo talaga! Turuan mo ulit ako ah."
Tumango ako. Tumalikod na ako para lumabas ng kwarto. Lumingon ako sa kantya na ngayon ay nakatayo na.
"Meron kang punto Aria sa katotohanang susi ang utak. Pero sa kaso ng trabaho natin, kailangang meron ang dalawa. Utak at lakas na siyang meron ako. Gusto kong ilabas mo din ang tinatago mong lakas, Aria." ngumiti siya tsaka tumango.
Lumabas na ako ng kwarto at nagbihis ng lagi kong sinusuot na pang body guard. Hindi na ito gaya nung una na para akong guwardya. Itong damit na ito ay simple ngunit napaganda at komportable akong suotin. Nagsuot muna ako ng sleeveless tsaka pang ibaba. Kinuha ko ang jacket niyon na hindi naman mainit sa pakiramdam. Mukha siyang damit pang sundalo pero mas hapit sa katawan ko at kulay itim ito. Umupo ako habang at nakayuko habang isinusuot ang sapatos ko.
"Ayzhia...eto na." abot niya sa akin ng laptop niya. Tapos na din ako sa pag aayos ng sapatos ko kaya umayos ako ng upo at kinuha sa kanya ang laptop.
Napangisi ako sa nakita.
"Indeed, you are dangerous...Annika Fay Davis."
To be Continued...
