HAWIE's POV
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Ang matuwa ba dahil naalala na niya ako o matakot dahil sa posibilidad na malalagay sa peligro ang buhay niya.
Nagising ako kanina dahil sa uhaw kaya pumunta ako sa kusina pero pabalik na sana ako ng may humawak sa braso ko, si Aiden. Hindi ko alam kung ano ang ilalabas na reaksiyon nang sabihin niya ang pangalan ko. Para itong musika sa tenga na gustong-gusto kong uulit-ulitin.
Nang magdikit ang labi namin ay aaminin kong sabik ako roon pero minabuti kong itago hangga't kaya ko upang di malagay ang buhay niya sa peligro.
"Maybe that will make you stop pretending, Hawie..." Napasinghal akong ngumisi.
"How dare you kiss me?! I am not pretending!" I lied.
"I know it's you. From the very start that I saw you, the feelings that I had made me remember you..." Nagulat ako sa sinabi niya pero minabuti kong hindi ipahalata iyon.
"What made you think that I am Hawie?" tinitigan ko siya.
"You have the hairpin that I gave for our monthsary, Hyden who used to be our baby knows you, and because... my feelings say so." sinseridad ang nakikita ko sa mga mata niya.
Hindi ko alam na ganito ka aga mong malalaman.
Nilingon ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. Agad kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya dahil baka maramdaman niya ang init ko dahil sa lagnat.
"Tch! I bought the hairpin for ten pesos and dogs can easily get attached. Your suspicions are wrong." nagulat siya sa sinabi ko. Tatalikod na sana ako pero humarap ulit ako sa kanya. "I will forget what just happened and you should too." Tumalikod na ako at diretsong naglakad pabalik sa kwarto.
Sumandal ako sa likod ng pintuan at umupo. Yumuko ako sa tuhod ko. Parang umiikot ang paligid ko. Sinabayan ng pagpipigil na sabihin ang totoo at ang sakit ng ulo ko.
*********************************************************************
Kinabukasan ay nagising ako sa pagyugyog ni Aria sa akin.
"Ayzhia? Ang init mo lalo! Bakit dito ka natulog?!" bumuntong hininga ako bago tumayo. Kumuha ako ng tuwalya. "Magpahinga ka muna, Ayzhia. Ako na muna ang magbabantay kay Aiden." tinitigan ko siya.
"Mamatay na ba ako Aria?" blanko ang tingin ko sa kanya. "Pag namatay ako, ibibigay ko na sa iyo ang prebilihiyong bantayan siya. Hindi lagnat ang magiging dahilan ng kamatayan ko. Tandaan mo yan." Bumuntong hininga siya bago naghanda na rin.
Pagkalabas ko ng banyo ay pakiramdam kong gumaan-gaan ang pakiramdam ko kaysa kanina. Uminom na din ako ng gamot pagkatapos kumain. Nagbihis na ako at agad dumeretso sa loob ng sasakyan. Doon ko nalang hinintay si Aiden. Biglang bumukas ang pinto sa gilid ko at tsaka siya umupo. Nagtataka ko siyang tiningnan. Sa likod kasi siya dati nakaupo kaya nakakapagtakang naisipan niyang maupo sa tabi ko.
"Bakit dito ka umupo?" Tinanong ko siya nang hindi nililingon. Imbis na galit ang maririnig ko mula sa kanya na dati niyang ginagawa ay mga mapuputing ngipin dahil sa ngiti niya nang lingunin ko.
"I want to stay close to you. I'm afraid I might lose you again." Sinabi niya iyon nang di inaalis ang paningin sa akin.
Tugdug... Tugdug... Tugdug...
Tumikhim ako.
"I told you I am not the woman you're looking for."
Pinaandar ko na ang sasakyan dahil mukhang wala na siyang balak bumaba at lumipat ng pwesto. Habang nagmamaneho ay naramdaman ko ang mga titig niya.
"Do you want to know why I keep looking outside the window all the time?" Hindi ko na siya sinagot. Diretso lang ako sa ginagawa ko. "Because I want to recall the memories that I had and to remember it, I must find something that possibly become the reason for it to return."
Nakikinig lang ako sa sinasabi niya pero di ako nagpakit ng interes. Nang makarating kami ay naalala ko ang sinabi niya. Sa buong byahe namin ay hindi ko siya nakitang ginagawa ang dating ginagawa na lumingon sa bintana.
"You should do it often." Tukoy ko sa pagtingin niya sa labas upang makaalala siya. Mukhang nakuha naman niya ang tinutukoy ko.
Nakaupo pa rin kaming dalawa sa sasakyan.
"There's no need." Tiningnan ko siya. "I already found the reason."
Ako ba ang rason na tinutukoy niya?
Iniwas ko ang paningin ko at agad lumabas ng sasakyan para sana pagbuksan siya ng pinto pero siya nang bubuksan ko na sana ay biglang bumukas ito at lumabas siya.
Marunong naman palang magbukas ng pinto. Inutus-utusan pa ako nung una.
"From now on, you don't have to do that anymore."
Mabuti naman.
Nakasunod lang ako sa kanya pasakay ng elevator. Nasa harapan ko siya pero ang paningin niya ay direktang nakatutok sa akin mula sa harap. Nararamdaman ko iyon kahit di ko na tingnan.
"Stop staring." Sabi ko na dahilan ng pagngisi niya.
"Why? Does it make you feel awkward?" hindi niya ako nilingon pero di pa rin niya tinatanggal ang paningin niya mula sa akin.
"Hindi naman." sumandal ako. "Baka masaulo mo ang mukha ko at di mo malimutan."
Lumingon siya sa akin at dahan-dahan siyang lumapit sa gawi ko at pinantayan ang paningin ko.
"Kahit di ko na tingnan saulo ko na, dahil di naman kita nakalimutan, Hawie..."
Ngayon ay magkaharap na kami sa isa't isa. Dahil matanggkad din ako halos mag ka lebel lang ang mukha naming dalawa. Umiwas ako ng tingin.
"I told you---" pinutol niya ang sasabihin ko sana.
"You're going to deny it again? My feelings have never been wrong and I will prove it to you." Napalunok ako. Sakto namang bumukas ang pinto kaya nauna na akong lumabas. "I know that your reasons are valid that's why you hid it from me, but I want you to know that I'm willing to understand those reasons."
Hindi ko na pinagtuonan ng pansin ang sinabi niya. Huminto ako upang mauna siyang maglakad kesa sa akin. Maraming bumati kay Aiden hanggang dumating kami sa opisina niya. Hinubad niya agad ang coat niya at inilagay sa likod ng upuan niya bago umupo habang ako naman ay umupo sa couch. Ipinatong niya ang mukha niya sa pinagdikit niyang mga kamay at direktang tumitig ng diretso sa patungo sa direksiyon ko. Kinunotan ko siya ng noo at ngumisi naman siya.
Loko-loko to ah.
"I was just thinking that even though your appearance had changed..." tiningnan ko ang langit mula sa malaking bintana. "my heart beat still beats for you. It is unchangeble." tiningnan ko siya at sinseridad ang makikita sa mga mata niya.
Hindi ko alam kong kailan ko matatagalan tong pagpapanggap ko kung ganyan ang mga kinikilos at sinasabi mo.
To be Continued...