19

152 10 0
                                    

HAWIE's POV

Nagpaalam na akong uuwi na kinabukasan.

"Nay, aalis na po ako." Ngumiti si nanay bago ako yinakap ng mahigpit.

"Mag iingat ka anak." tumango lang ako. Lumapit ako kay Hail at niyakap siya.

"Tandaan mo iyong sinabi ko, Hail."

Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya at ginulo ang buhok niya. Tumango siya.

Itinali ko na uli ang buhok ko at isinuot ang cap. Kinapa kapa ko ang bulsa ko.

"Ate!"

Nilingon ko si Hail na binato ang susi ng motor na agad ko namang sinalo malapit sa mukha ko. Ngumiti naman siya.

Tuluyan na akong lumabas ng bahay haban ang mga kamay ay nasa loob ng bulsa. Naglakad pa ako hanggang marating ko ang kakayuhan. Sumakay na ako sa motor ko at isinuot ang helmet. Pinaandar ko na ito at pinaharurot paalis.

*********************************************************************

Nang makarating ako sa bahay ni Aiden ay nagkakagulo ang lahat. Nagtataka ko silang tinignan.

"Ayzhia!" Agad lumapit si Aria pagkababa ko ng motorsiklo.

"Anong nangyari?" Nilingon ko ang paparating na si Mr. Parker.

"Where were you?!" galit na galit ang tono ni Mr. Parker. "Where's Aiden?!"

" Aiden?" inilibot libot ko pa rin ang paningin ko.

"Hah! Really?! Ikaw yung bantay pero di mo alam?!"

"Calm down, sir." Sabi sa kanya ni manang.

Isang araw lang akong nawala pero nagkaroon nawala na agad sa paningin ko si Aiden. Dinala ko si Mr. Parker sa loob ng bahay para kumalma. Kahit man ako ay natataranta din pero pinipilit kong kumalma.

"What happened?"

"I- I don't know! But Aiden is missing and it's your fault! Pinagkatiwala ko siya sayo pero anong ginawa mo?!" nagtaka ko siyang tiningnan.

He's missing?

Pinakuha ko ng maiinom si manang upang ipainom kay Mr. Parker.

"Iuuwi ko po siya ng ligtas. Hindi pa natin alam ang nangyari sa kanya, Mr. Parker. Maging kalmado po kayo."

"Paano ako magiging kalmado kung hindi ko alam kung nasaan ang anak ko?!"

Hinayaan ko nalang muna si Mr. Parker na magalit dahil dapat rin naman kasi hindi ko siya nabantayan at hindi ko rin naman mapipigil na maramdaman niya iyon dahil anak niya ang pinag uusapan dito. Medyo kumalma na si Mr. Parker ilang saglit bago ko siya pinainom ng tubig.

Tumayo ako at nilapitan si Aria.

"Anong nangyari? Sabi ko bantayan mo siya."

"Binantayan ko siya, Ayzhia. Pero ilang oras matapos mong umalis ay nagtaka nalang ako dahil wala na siya sa loob ng bahay." nakayuko niyang sabi.

Napakutkot ako sa tungki ng ilong ko. Hindi ko alam kung saan magsisimulang hanapin si Aiden pero napagdesisyunan kong umalis. Sumakay na ako sa motor ko.

"I'll go with you." Tumango ako. Mas mapapabilis ang paghahanap kung mas marami ang maghahanap.

Sumakay siya sa isa sa mga kotse na pagmamay-ari nila Mr. Parker at nagsimula na kaming maghanap. Magkaiba kami ng daang tinahak para mas mabilis ang paghahanap. Suot-suot ko ngayon ang TCAP ko. Pinindot ko iyon at kinontak si Yezha.

My baby is a Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon