HAWIE's POV
"Who's that someone?"
"It's none of your business" ayan na naman siya. Nagsusungit agad.
Pinilit niya akong magsalita tapos ngayong nagsalita na ako, magsusungit siya?
"It is my business." diretso kong sabi.
"How can you say so?" ramdam ko ang titig niya mula sa rear view mirror.
"You are my responsibility." nangunot naman ang noo niya.
"I should've not bring you inside my office. Kung ano-ano ina assume mo diyan eh." napangisi ako.
"That's not it. You are my responsibility from now on because of some reasons. "
"And what are those reasons?"
"Just ask Mr. Parker. It will take lot of conversation and I'm tired."
Huminga ako ng malalim at kumuha ng chewing gum sa bulsa ko habang ang isang kamay ay nasa steering wheel. Pero bago ko maabot ang gusto ko sanang kunin, eh may nakapa ako. Kinuha ko iyon para tingnan at agad ding tinago.
Nako talaga! Bakit nilagay ko 'to dito? Pag nakita niya ang pang ipit na ito...ay teka...eto naman talaga ang kailangan naming gawin. Ang makaalala siya at nang matapos na ang misyong ito. Mamaya ko nalang siguro sasabihin.
Inihinto ko na ang sasakyan at bumaba para pagbuksan siya ng pinto. Nagtaka pa siya nung una pero ngumisi din. Nagyayabang tsk.Nagsisi na tuloy ako kung bakit ko yun ginawa.
Nang makarating kami sa mall ay pumasok na kami sa isang mamahaling restaurant. Napaganda ng desinyo niyon. Magkahalong puti at kayumanggi. Merong linya sa itaas na nagsisilbing liwanang sa loob. Dalawang uri ang desinyo ng mga upuan at lamesa. Sa kanan kasi ay pula at puti ang upuan na pinaggitnaan ng lamesa at sa kaliwa naman ay parang sofa ang desinyo na kulay itim. Meron ding nagsisilbing harang para sa uupo sa harap at likod.
"You can wait here." tumango ako. Nakatayo lang ako malapit sa pinto pero tanaw ko naman siya na naglalakad at tumigil lang ng may tumaas ng kamay. Siya ang nakaharap sa pwesto ko kaya di ko alam kung sino ag kasama niya pero base sa kamay ay malalamang babae ito.
Tumunog ang bell ng bumukas aang pinto. Di ko na iyon ginawang lingunin pa dahil binabantayan ko si Aiden.
"Hah!" napalingon ako sa babae na kakapasok lang. Maganda ang hugis ng katawan at bumagay sa suot niyang pulang sheath dress . Naka bun din ang buhok niya at nakasuot din siya ng shades. "Is this how guards treat their costumers? No greeting at all?! How rude!" nagtaka ako sa sinabi niya. Parang sinasabihan niya ang kasama niya tungkol sa guard kuno eh wala namang guard dito kaya binaliwala ko na lang. "Really?! Aren't you going to say sorry?" nilingon ko ulit siya pero nakakapagtakang sa akin siya nakatingin. Tinitigan ko lang siya. Tinanggal niya ang shades niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa tsaka tinaasan ng kilay.
"Excuse me? Are you...talking to me?"
"May iba pa bang guard?" lumingon ako.
"Di ko alam. Di ako may ari nito. Tanong mo lang sa kanila" ibinalik ko ang tingin kina Aiden na tumatawa.
Ano kayang pinag uusapan nila at ganun siya kung makatawa? Mas lalo siyang gumwapo ngayong ilang taon na ang nakalipas."How rude!" naramdaman ko ang pagtaas ng kamay niya at ang pagbabadyang pagsampal sa akin pero nahawakan ko iyon ng di inaalis ang paningin kina Aiden. Pinilit niyang tinatanggal ang pagkakahawak ko pero kulang na kulang ang lakas niya. "Let me go! You freaking guard!"
![](https://img.wattpad.com/cover/247086477-288-k106432.jpg)