AIDEN'S POV.
Pilit akong nagpupumiglas sa pagkakatali sa akin. Masyadong mahigpit pero hindi ako pwedeng mawalan ng pag-asa lalo na't ngayon ay kailangan na kailangan ako ni Hawie.
Ang sakit ng katawan ko mula sa bugbog na natanggap. Napasinghap ako ng biglaan niyang putukan si Hawie sa bandang hita.
"H-Hawie!" Pinipilit ko paring makawala. Ang sakit na ng kamay ko.
"Miller! Stop!" Sigaw ko pa kay Miller. "H-Hawie! Umalis ka na!" Malapit siya sa pinto kaya may tyansa pa siyang makaalis. May hagdanan paakyat pero mas lalo lang magiging delikado kung sakaling doon siya dadaan.
Kahit saang anggulo tingnan ay lugi si Hawie dahil naririto lang sa loob ng bahay ang mga tauhan ni Miller.
"Scream all you want, boy. You can't do anything.You have no choice but to witness how this lady closed her eyes... forever."
No...
No...
No...
I don't wanna live more years without her.
Sunod-sunod na pagpapa-putok ang ginawa niya. Nakikita ko ang pagbutas ng dingding.
Hawie... No...
Hindi ko na ininda ang sakit nang pagkakatali sa kamay ko basta makaalis lang ako sa kinaapuan ko.
Umaalingawngaw ang putok. Akala ko'y dito lang sa loob ng bahay magiging maingay ang putok ng baril ngunit nagkakamali ako. Ilang sigundo lang rin ang nakalipas ay naging magulo na din sa labas. Nabilis ang pagsasalitan ng dalawang kampo ng pagpapaputok.
Dahil sa pag-iingay ay hindi napagtagumpayan ni Miller na lapitan si Hawie dahil lumulusot na din sa parte ng bahay ang ilan sa mga bala mula sa labas. Napatago na rin siya sa gilid at bahagyang sumilip sa bintana.
Natumba na ang upuang kinauupuan ko dahil sa pagpupumiglas at pag-iwas sa bala. Kung sana'y maabot ko lang ang sapatos ko, sigurado akong makakawala ako dahil may ballistic knife na dinikit roon. Pinagdikit ko ang dalawa kong sapatos upang matanggal yung isa. Nang mapansin kong wala na si Miller sa pwesto ay mas lalo akong kinabahan at mas lalo kong binilisan ang pag-abot sa sapatos. Nang matanggal na ito ay inabot ko sa isang kamay tsaka pilit na kong idinidikit ito sa makapal na lubid. Isinuot ko rin pabalik ang sapatos ko.
Maingay pa rin mga putok ng baril sa labas kaya nakayuko akong naglalakad. Bago ako tuluyang pumunta sa gawi ni Hawie ay pumunta muna ako sa kwarto at kinuha ang baril ko.
Nang makalabas ako sa kwarto nang tuluyan ay saktong may tauhan ni Miller ang nagpaputok sa gawi. Mabuti nalang ay napaatras ako kaya hindi ako natamaan. Inubos niya rin ang bala papunta sa gawi ko kaya iniawas ko nalang ang sarili ko para di matamaan, nang tumigil siya ay tsaka ako patayong lumabas at pinaputukan siya.
Shoot!
Nagmamadali akong puntahan ang kinaroroon ni Hawie kanina ngunit wala siya. Impossible rin namang lumabas siya dahil delikado nga sa labas dahil sa mga nagliliparang bala. Napatingin ako sa sahig nang may naapakang basa.
Dugo...
May ilang patak na rin sa hagdan. Mabilis akong sumunod sa gawi ni Hawie. Takbo-lakad ang ginawa ko. Maraming kwarto sa itaas na pwede niyang pagtaguan ngunit may third floor pa itong bahay. Sana laang talaga ay hindi pumunta roon si Hawie dahil wala siyang matatakasan roon.
Tanging mga bakas ng dugo ang ginawa kong basehan kung saan si Hawie ngunit papunta lamang ito sa pinakamataas na floor. Paakyat na sana ako sa hagdan nang may pares na paa ang dumapo sa mukha ko kaya malakas rin ang pagkakatama ng likod ko sa pader at nabitawan ang baril. Isa iyon sa mga tauhan ni Miller. Mabuti nalang at malapit sa akin kaya inabot ko ito ngunit bago ko pa man mahawakan ay tumalon siya at inapakan ang kamay ko.