17

154 8 1
                                    

Five days later...

AIDEN's POV

"Magpapaalam sana akong aalis bukas." Huminto ako at nilingon siya. Kinunotan siya ng noo. "S-sir."

"Ano ang gagawin mo?"

"Aalis." napanganga ako sa sagot niya.

Kailan ba ako makakakuha ng matinong sagot sa iyo?

Bumuntong hininga ako tsaka nagpatuloy tumalikod upang magpatuloy sa paglalakad.

"Saan ka pupunta?"

"Diyan lang. Mawawala ako buong araw. Si Aria muna ang magbabantay sa iyo."

"Huwag na. Kaya ko ang sarili ko."

"Pagdating sa kaligtasan mo, ako ang masusunod." nagulat ako at palihim na napangisi.

"Sige na nga. Pinapayagan na kita, Hawie." narinig ko ang buntong hininga niya kaya nilingon siya. "Bakit?"

"I told you, I am not----"

"Alight. Alright." nagpatuloy na agad ako sa paglalakad.

Ilang beses mo mang ipilit na hindi ikaw ang tinutukoy ko, hindi ako magsasawang ulit-ulitin iyon hanggang sa ikaw na mismo ang umamin.

Pumasok na ako sa isa sa mga silid na pagdadausan ng pagtitipon. Meron ding guwardiya sa labas. Balak makipag usap ng anak ng C.E.O ng isa sa malaking kompanya, pero mas malaki ang pag mamay-ari ko. Diretso akong naglakad papunta sa upuan ko sa pinaka unahan. Kasabay naman niyon ay ang pagtayo at kaagad yumuko ng lalaking hindi ko gaanong kabisado.

Umupo ako habang tahimik lang na nakatayo si Hawie sa gilid ng pintuan. Nilingon ko siya pero wala sa akin ang paningin niya. Nasa kaharap ko na agad nagpakunot ng noo ko.

I'm jealous!

Binata pa din ang isang to. Sa tingin ko ay magkasing edad lang kami. Maganda ang hugis ng katawan at may magandang mukha pero walang-wala yan kumpara sa akin.

"Hawie." Mas kumunot ang noo niya nang tingnan niya ako dahil sa pagbanggit ko sa pangalan niya. "Sit beside me."

"I can't." tumikhim siya. "Sir." Hanep! Mukhang pilit na pilit ang pagkakasabi niya ng sir.

Tiningnan ko lang siya pero ang paningin niya ay nasa kaharap ko na ngayon ay sumulyap sa kanya sandali.

Hindi ko nalang kaya ituloy ang meeting na ito?

Tumikhim ako kaya naagaw ko ang atensyon ng lalaking ito.

"Nice meeting you, Mr. Parker." lumapit siya sa akin upang makipag kamay pero tinitigan ko lang iyon at iniangat muli sa kanya. Sinarado niya ang kamay niya at bumalik sa inuupuan. "Your company is a great success, Mr. Parker. I admire you a lot. At your young age, you made it grow."

"Cut the sugarcoated words Mr...." napapahiya siyang tumingin sa akin.

"Mr. Trevor. I am Cyrus Trevor." tumikhim siya tsaka ngumiti.

Kinuha niya ang isang envelope na mukhang proposal. Binuksan ko iyon at tiningnan.

Not bad. Their ratings are impressive.

"Here are the ratings of the whole year. It keeps increasing per year."

"So, are you here to brag about the increasing rate of your company?"

My baby is a Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon