"Did you call me, dad?" Biglang nangibabaw ang boses na matagal ko ng gustong marinig. Nasa likuran ko ang pinto at kasalukuyan akong nakaharap kay Mr. Parker kaya di ko nakikita ang pinanggalingan ng boses.
"Yes, come in. Sit down" di ko na siya nagawang lingunin pero nanuot ang mamahaling amoy niya sa ilong ko ng mapadaan siya sa gilid ko.
"Son, this is Ayzhia, your personal driver" nakapandekwatrong upo si Aiden habang nasa harapan ang ama. Nasa opisina kaming dalawa ni Aria upang ipakilala. Hindi man lang siya nag abalang tapunan ako ng tingin. "and Aria, your new maid."
"What for?"
"To drive you ...and clean our home?"
"Tsh. But why do you need to pick a woman as my...driver?" tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
Minamaliit ba ako nito?
Diretso lang ang tingin ko sa napakalaking salamin sa likod ng daddy ni Aiden pero nakikita ko pa rin siya sa gilid ng mata ko. After how many years, we've meet again.
"uh-uh haha, she's not an ordinary woman, son. You'll see"
"Okay. As you say so." tumayo na siya at lumabas ng kwarto. Di ko man lang napag aralan ang mukha niya, ulit.
"You may go. And, uhm... you can start your job now" tumango lang kami ni Aria at tsaka yumuko, senyales ng pagpapaalam.
"He's hot" pababa palang kami ng hagdan pero may tumawag na sa akin.
"Ayzhia" Napatigil ako at tiningnan ang lalaking nakatayo at ang nagmamay-ari ng boses.
Tugdug Tugdug Tugdug
Did he recognize me?
"Come with me." iniwan ko si Aria at sumunod kay Aiden. Pumunta kami sa garahe at bumulaga sa akin ang iba't ibang uri ng sasakyan. Iba talaga ang mayaman. "Let's go"
huh?
Nakatayo pa rin ako habang nakatitig sa malapad niyang likuran. Tumigil siya at lumingon sa gawi ko.
"What are you waiting for?"
Kinutkot ko ang ulo ko.
"I'm going to my office"
"And?"
"And...what? You are my driver and you are supposed to drive me,aren't you?" napakalalim ng boses niya. "Tsh. Dope" bulong niya pa. Napasinghap nalang ako sa ugali ng isang to.
Dun ko lang naisip na driver na pala ako ng hinayupak na to. Hinagis niya ang susi ng itim niyang kotse at agad ko naman itong nasalo. Nauna na siyang sumakay sa likuran at sumunod naman ako.
"Don't tell me you don't know where my building located at." di ko siya sinagot. Nakatingin lang siya sa bintana at tinitingnan ang daan. Inisa-isa ang bawat kalye na parang nakita niya lamang sa unang pagkakataon. Di pa ba niya saulo to?
Nakarating kami sa napakalaking building na may letrang P sa pinakataas. Ipinarada ko sa loob na alam kong para lang sa may ari ng gusali dahil walang ibang sasakyan ng kung sino-sino ang makikita. Unang tingin palang ay mga mamahalin na.
"Ayzhia!" napatingin ako sa bintana dahil sa boses ng lalaking to. Tinitigan ko ang mata niya. Napakaganda.
"What?" tinaasan niya ako ng kilay at ibinuka ang mga bibig na parang naiinis.
"Are you really that stupid? You should've open the damn door for me?!"
"Why?" napasinghap siya. Kanina pa mainit ang dugo niya sakin ah. Eh wala naman akong ginagawa sa kanya.
"Because you're my goddamn driver!"
"Eh?"
"What?!"
"Driver mo nga ako. Di naman sinabing ako yaya mo." Binigyan niya ako ng di mapakaniwalang tingin tsaka binuksan ang pinto at sinara ng napakalakas. NAPAKALAKAS.
Tiningnan ko lang siya na naglalakad papunta sa elevator. Papasok na sana siya pero lumingon pa siya sa gawi ko tsaka kinunotan ng noo.
"Ano ba problema niya?" bulong ko.
Humakbang siya papunta sa gawi ko. Sinenyasan niya akong ibaba ang bintana. Ibinaba ko naman ang bintana sa kabilang pinto.
"Come with me" pinasok niya ang ulo.
"Why?" kumunot ang noo niya. Ano bang nangyayari sa kanya?
"Can you just stop asking? I'm your boss and you'll do what I say."
Ganun ba yun? Suntukin ko kaya to ng maalala niya lahat ng matapos na tong acting ko. tsk!
Lumabas na ako at pinaunahan naman niya ang paglalakad. Sumakay na kami sa elevator at tumabi ako sa kanya. Klarong klaro ang mukha naming dalawa sa sobrang linaw. Tiningnan ko ang sarili ko. Nakasuot ako ng puting long sleeve na may itim na necktie at itim na slocks naman pang ibaba na pinaresan din ng itim na sapatos. Naka ponytail naman ang buhok ko. Gumalaw ang mata ko at napunta sa katabi ko. Nakatitig siya sa gawi ko. Hindi. Nakatitig siya sa akin.
"You...look familliar" sinasabi niya iyon habang nakatingin sa mga mata ko. "I think I've seen you before." napalunok ako.
Bumalik na ang ala-ala niya?
"May itatanong ako" tinitigan ko lang siya. Pinipigilan ko ang sariling maglabas ng anumang emosyon. Ayokong maging mahina sa lagay na ito. Tumango ako habang di pa rin tinatanggal ang mga paningin sa kanya. "Galing mental ka no?"
Eh? Nagbibiro ba siya? Napaikot ang mata ko sa walang kwenta niyang joke.
"Pipi ka ba?" di ko na siya pinansin hanggang sa bumukas ang pinto. "Hoy! pag kinakausap ka ng boss mo, sumagot ka! Nagsasalita ka pa ba?" Tumango ako. "Kailan naman yan nangyayari?"
"Kung kinakailangan."
Maraming bumabati sa kanya at tango lang ang isinusukli niya. Diretso lang ang tingin ko pero ramdam ko parin ang mga titig ng nakapaligid sa akin. Pumasok kami sa isang modernong opisina. Puti at gray ang kulay na dingding niyon at may napakalaking glass window sa likuran na makikita ang napakagandang syudad.
"After I signed this damn papers, let's go to the mall. I'm going to meet someone." Someone,huh? "Are you deaf? Mute?" umiling ako. "Then, talk"
Hinubad niya ang suot niyang gray suit at iniwan ang puting long sleeve na may necktie na itim din. Tiningnan ko ang suot ko.
Mukha na din siyang driver.
"Are you going to stand there all day?" umiling ako.
"No"
"Really?"
"Yes."
"How sure are you?" Di ko na siya sinagot.
Pagkatapos ng pirmahan ang napakadaming papeles, sinuot niya ulit ang coat at tumayo.
"Let's go."
Nakasunod na ako sa kanya at sumakay ulit ng elevator.
"Hundred percent sure." lumingon siya sa gawi ko. Nagtataka sa sinabi ko. "I won't stand there 'all day' cause you're meeting someone. I just stand there for almost one and a half hour." napanganga siya sa sinabi ko.
"Thank goodness! You talked!" eh? Di ko na siya ulit sinagot. "Talk again"
Hanggang makalabas kami ng elevator ay hinayaan ko na siya. Hanggang sa makasakay kami ay pinilit na naman niya akong magsalita. Gusto niya ba boses ko kaya gusto niya marinig?
"Hey" tiningnan ko siya sa salamin. "Talk again."
Pinaandar ko na ang sasakyan papunta sa mall na sinabi niya. Tumunog ang cellphone niya kaya napatingin ako sa salamin at nakita ko ang kumawala niyang ngiti.
"Who's that someone?" Tanong ko. Pinilit niya akong magsalita eh.
To be Continued...