20

153 10 0
                                    

HAWIE'S POV

Tinitigan ko lang ang mukha ni Aiden habang nakapikit at inaalala ang mga nangyari sa nakaraan. Napakaamo ng mukha niya.

Tugdug... Tugdug...

Tumikhim ako. Kasabay ng pagbukas ng mata niya ay ang biglaan niyag pagtumba pero agad ko siyang inalalayan. Tinitigan niya ako ng may awa.

"Hindi ko alam. Nakalimutan ko." pilit niyang iniiwasan ang mga tingin ko.

You're lying...

"Sabihin mo sa akin ang totoo, Aiden. Seryosong usapan at sitwasyon ito." nakatitig siya sa kawalan, Nag iisip.

Bumuntong hininga siya.

"Hindi mo ba ako kasusuklaman, Hawie?" Nagulat ako sa tanong niya.

"Sabihin mo na..." Bumuntong hininga siya at tinitigan ako.

"Ang dahilan ng mga nangyari noon ay dahil sa kagustuhan kong makita ang papa mo, si tito Hunter."

Buhay si papa!

Masaya ako sa balitang iyon. Totoong nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ako nagsalita. Gusto ko munang malaman ang LAHAT ng nangyari.

"Nagpadalos dalos ako at pumunta doon ng mag-isa." napakunot ang noo ko. "Alam ko naman kasing kahit sa pulisya ako maghanap ay hindi nila matutonton si tito."

Tama dahil simula nang maging agent siya ay parang nabura na rin ang katauhan niya sa totoong mundo at mamumuhay sa mga anino. Pero paano niya nakilala si Miller?

"Paano mo nakilala si Miller?" nagulat siya.

"Kilala silang sikat na sindikato sila Miller at base sa nakwento mo sa akin dati na nakikipaglaban si tito sa mga masasama ay nag bakasakali akong kilala ni Miller si Tito."

"Hindi mo sinagot ang tanong ko." Kitang kita ang gulat sa mukha niya.

"Dahil..."

"Ayaw kong nagsasayang ng oras."

"He's my... uhm... uncle."

Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Hindi pa man niya sinasabi ay alam ko nang malaking rebelasyon ang mangyayari. At isa pa, pina imbistigahan ko na lahat ng taong konektado kay Aiden.

Bakit kasi ang lakas ng loob ng isang to na pumunta doon ng mag-isa at umastang maangas.Tsk!

"He is my daddy's step brother. Naging anak sa labas si Miller, tito Alexis Miller. Hindi niya dala-dala ang apelyedo namin dahil hindi siya tanggap ni lola, na mommy ni daddy kaya napilitang itakwil siya ni lolo at nagulat nalang kami isang araw na nag iba na siya---"

"Gee. Balik tayo sa nakaraan. Hindi ako interesado sa naging takbo ng mala teleseryeng buhay ng tito at daddy mo."

Bumuntong hininga siya.

"Nakipagkasundo siya sa akin na ibibigay niya ang lokasyon ni tito Hunter kapag sumali ako sa grupo niya. Binigay naman niya pagkalipas ng dalawang taon na pakikiisa ko sa kanila. Nakausap ko si tito at madali kong nakuha ang loob niya dahil sa naging tayo noon..."

Naging tayo noon...

Masaya ako sa katotohanang hindi ako/kami nakalimutan ni papa sa kabila ng akala namin na nawala na siya. Ibinalik ko ulit ang atensyon kay Aiden.

"Pero inutos ni Mr. Miller na patayin ko si Tito Hunter." napakuyom ako ng kamao dahil sa narinig. "Hindi ako pumayag kaya bumalik ako kay tito Hunter at binalaan siya pero biglaan kaming nilusob nila Miller kaya napalaban kami. Marami kaming napatumba pero dahil sa kami lang dalawa ni tito, naabutan kami ng panghihina ng katawan at napilitang tumakas kaso sa pagtakas naming iyon ay hindi namin namataan ang tumatakbong sasakyan at nasagasaan kaming dalawa."

Nanginginig ako sa aking naririnig pero kailangan kong kontrolin ang emosyon sa akin para hindi mabalewala ang mga impormasyong na narinig ko.

"Nang magising ako nang wala ni isang maalala, tanging katawan ko lang ang dala ko." Mahihimigan ang lungkot sa boses niya. Tiningnan niya ako at kitang kita na ang luhang namumuo sa mata niya. "Hindi ko alam kung nasaan si tito... Sorry Hawie..." suminghot siya.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Ako lang ang yumakap sa kanya dahil inipit ko ang kamay niya sa dalawang braso ko.

"Sa k-kagustuhan kong matulungan ka sa paghahanap kay tito Hunter at bumalik ka sa buhay ko, mas naging malabo ang pagkikita niyo."

Ramdam ko ang paninikip ng lalamunan ko dahil sa pagpipigil ng luhang nagbabadyang tumulo. Tumikhim ako.

"N-nagpapasalamat ako sa iyo dahil alam kong sa panahong inaakala nila nanay na patay na si tatay ay yung din yung pagkakataon na nahanap mo siya kahit s-sandali lang." Umalis ako sa pagkakayap sa kanya at tiningnan siya ng diretso. "Hindi pa naman nakikita ang katawan ni tatay kaya may posibilidad pa na nakaligtas siya."

"Pero paano kung si Miller ang nakakuha sa kanya?"

"Edi babawiin ko ang pagmamay-ari ko."

"Babawiin mo rin ba ako?" nakatingin siya sa akin.

Loko! Siningit pa ang sarili niya.

"Malabo."

"Paano naging malabo?"

"Hindi NA kita pag-aari, Aiden. Iba na ang sitwasyon nating dalawa. Hindi na ito gaya ng dati." Tumitig ako sa mga mata niya na nakatitig din sa akin. "Ngayon, ang kailangan mo nalang gawin ay maging maingat at pahalagahan ang mga taong nandyan para sayo gaya ni Eunice at daddy mo." Tumalikod ako at magsisimulang maglakad na sana pero huminto ako. "Iuuwi na kita. Hintayin mo na muna ako. Magpapaalam lang ako."

Pumasok ako sa loob ng bahay para kausapin sila nanay. Pagbukas ko ng pinto ay biglang sumulpot si Hail na mukhang nabigla.

"Chismoso."

"Luh? Di ah." Tumatanggi pa.

"Hoy ikaw ba't di ka tumawag sa akin?" tinuro ko siya.

"Sabi niya kasi sa akin ate na surprise daw. Hindi ko naman alam na hindi mo pala ipinaalam sa kanya yang tungkol sa trabaho mo."

"Okay."

"Wow! Ang daling kausap ah."

"Tahimik. Ang daldal mo."

Tinawagan ko si Ayzhia dahil napakatagal niyang dumating pero hindi niya sinasagot.

"Nay, aalis na po ako. Sa susunod na may pumunta dito, tawagan niyo ako agad. Kahit kilala niyo pa yan o hindi." tumango lang siya.

Nagtaka ako kung bakit ni isang agent ay walang pumunta kina nanay nung dumating si Aiden. Nagtaka ako sa biglaang pagtahimik ng paligid na ni huni ng ibon ay di ko maramdaman. Tiningnan ko si nanay na nakatingin sa akin at mukhang nagtaka sa ikinikilos ko. Si Hail naman ay kakababa lang at panay tingin sa kisame.

They're here!

Si Aiden agad ang pumasok sa isip ko kaya dali-dali akong lumabas ng bahay pero wala na siya. Binasag ang katahimikan ng lugar sa isang putok ng baril papunta sa akin pero nailagan ko iyon. Dali-dali akong pumasok upang tingnan ang kalagayan ni Hail at nanay. Buti nalang ay nakayuko silang dalawa.

Nakakabingi ang katahimikan.

*Isa... *Dalawa... *Tatlong segundong pananahimik.

Biglang umulan ng bala mula sa labas.

Malakas. Napakalakas. Halos mabingi ako sa sobrang ingay. Wala kaming nagawa kundi magyakapan at yumuko. Ginawa kong pangsangga ang katawan ko para hindi matamaan si nanay at Hail. Biglaang sumakit ang tagiliran ko. Nang tingnan ko ito ay may dugo na akong nakikita.

Hindi to maari...

Hindi pwedeng matapos ang lahat sa ganito...

Biglang umikot ang paligid ko at dumilim ang lahat. Wala na akong makita.

To be Continued...

My baby is a Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon