14

149 10 2
                                    

AIDEN's POV

Kakaalis lang namin ni Eunice mula sa park. Pumunta kami sa restawran upang kumain. Mamahalin at napaka moderno ng disenyo niyon. Pumwesto kami sa gilid na kung saan may malaking salamin. Kitang-kita niyon ang buong lugar. Dumating na din ang inorder namin. Tiningnan ko ang langit at madilim na ang ulap. Maya-maya ay bumuhos na ang malakas na ulan.

Ayzhia...

Napatayo ako bigla. Nagtaka naman si Eunice sa inakto ko.

"I forgot I have to do something, honey. I'll drive you home. " Kinuha ko ang coat na nakapatong sa likod ng upuan.

"B-but..." kahit napipilitan ay tumayo pa rin siya at nagaya ang pagmamadali ko. Bigla akong napatigil dahil sa paghila niya sa kamay ko. "H-hey! Teka nga, Kkarating lang natin. Ano bang nangyayari sa iyo?! Tarantang-taranta ka ah?"

Oo nga. Ano nga bang nangyayari sa akin?

"I told you I have papers that needed by tomorrow. Please, honey." Hinawakan ko siya sa kamay. "Babawi ako. Pangako." Bumuntong hininga siya tsaka naunang naglakad.

Nagbayad muna ako ng bill bago sumunod sa kanya. Nang makarating kami sa parking area ay agad akong pumasok sa driver seat. Nagtaka ako kung bakit di pa pumapasok si Eunice. Lumabas ulit ako.

"Ano ba Eunice! Nagmamadali nga ako! Y-yung papers ko!" nangunot ang noo niya at napanganga na parang di makapaniwala.

"Did I heared it right? Did you call me by my name? And Papers? Alright. Papel ba talaga ang dahilan kaya hindi mo ako magawang pagbuksan ng pinto?"

Nakalimutan ko.

"I'm sorry, okay? Please honey. Huwag na nating palakihin yan, kahit ngayon lang." Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

Padabog siyang pumasok sa kotse. Magkakrus ang mga kamay at nakabusangot ang mukha.

"Look, honey..." Lumingon ako paharap sa kanya ang hinawakan ang kamay niya. "Babawi ako, pangako. Huwag ka namang ganyan. Ayokong naggalit ka sa akin, alam mo yan." bumuntong hininga siya.

"Alright. Alright." Mukhang galit pa rin siya kaya hinayaan ko nalang muna.

Pinaandar ko na ang sasakyan at pinaharurot iyon paalis. Nang makalabas kami sa parking area ay rinig na ko na ang lakas ng ulan. Bawat tama nito sa bubong ng sasakyan ko ay mas lalo kong binibilisan ang pagpapatakbo ko.

"Hey. Dahan-dahan lang. Ganyan ba ka importante yang papers mo? Mas importante pa ba yan sa buhay natin?" Tumikhim ako.

"Sorry." Hininaan ko ang pagpapatakbo pero parang hindi ako mapakali. Pasinghal siyang ngumiti. Alam kong hindi na siya natutuwa sa mga galaw ko.

Nakarating kami sa bahay niya ay kinuha ko ang payong at pinagbuksan siya ng pinto. Inihatid ko agad siya sa loob ng bahay niya.

"I'm sorry, honey. Babawi ako. I'll go ahead." Hinalikan ko siya sa pisngi at tumalikod agad papunta sa sasakyan.

Di ko na hinintay na makapasok siya ng pinto dahil agad ko nang pinaandar ang sasakyan at pinaharurot palayo.

Saan kaya siya nagpasilong ngayon? Basang basa na siguro siya ngayon!

Dahil sa naisip ko ay mas binilisan ko ang pagpatakbo.

Narating ko ang park ay malakas pa din ang ulan. Pinahinto ko na ang sasakyan at kinuha ang payong palabas.

"Ayzhia!" sigaw ko paroon at parito pero walang Ayzhia akong mahagilap.

Saan na yung babaeng yun?

My baby is a Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon