THIRD PERSON POV
Sa isang maliit na baryo, hindi aakalain na dito pa makikita ang mga bagay na mahahalaga para masira ang iisang tao, para maging kahinaan.
Tahimik na niloob ng mga kalalakihang balot na balot ng itim na damit ang bahay na tinutuluyan ng mga Agent. Tahimik at maingat. Naging madugo ang labanan. Isa-isang pinagpapa patay. Ni hindi nakagawa ng ingay at hindi nakahingi ng tulong.
Sa malayo banda, isang lalaki na may peklat sa dibdib ang nakamasid. Nakangising nakatingin sa bahay na nilooban.
"Tingnan natin kung hindi ka pa lilitaw sa lagay na ito." Sinundan niya ng tawa ang sinabi.
Ilang segundo ang nakalipas ay may dumating na lalaki. Agad niyang nakilala ang pagka pamilyar ng mukha nito. Wala siya sa sariling napangisi.
"Jackpot..."
Pumasok ang nasabing lalaki sa bahay ng target ng grupo. Sumenyas ito na pasukin na nila kaso bigla ulit akong sumenyas upang tumigil dahil sa pag dating ng taong nakamotor. Dali-dali niyang tinanggal ang helmet niya at bumaba ng motor. Mahaba ang buhok, matangkad at maganda ang hugis ng katawan ng isang to.
'Mukhang nakita ko na siya noon.'
Iyan ang nasa isip niya nang mga oras na iyon. Habang tinititigan niya ang babae ay parang may namumukhaan siyang tao dito.
Pumasok ang babae sa loob ng bahay at maya-maya ay lumabas ito at hawak na si Aiden sa kamay niyon. Mababasa sa kanilang mga bibig na may pinag uusapan silang seryoso. Pumikit iyong lalaki at nang buksan niya ang mata niya ay nawalan ito ng balanse kaya umalalay iyong kasama niyang babae. Napakunot ng noo ang lalaking nakamasid.
Ilang saglit pa bumalik sa loob ang babae at iniwan ang lalaki. Sumandal ito sa kahoy na railings at nakatalikod banda sa pwesto ng lalaking may Peklat sa dibdib. Ilang saglit ay sumenyas siya na tirahin si Aiden. Pagtutok ng baril sa lalaki ay biglang may babae na humablot sa kanya at pinayuko siya kaya hindi napaputok ito. Kahit nagpupumiglas si Aiden ay hinila niya ito ng sapilitan at pilit pinapaalis sa lugar. Nakita niya ang pagsulyap ng babae sa gawi niya pero hindi na siya nagtago mula rito.
Ilang sandali ay lumabas iyong babae mula sa loob at inilinga linga ang ulo sa paligid. Namukhaan na niya ito.
'Posibleng mahalag siya sa buhay ni Hunter.'
Nagalit siya sa sariling naisip at inilabas ang baril mula sa likuran at itinutok sa babae. Nakatutok ito sa ulo niya pero nang pinutok ko na ito ay mabilis niyang nailinga ang ulo sa gawi ko at mabilisan patalon at umiwas. Pumasok din siya agad sa loob kaya sinenyasan niya ang mga tauhan na paputukan ang bahay. Inikotan nila ang buhoy bahay tsaka pinaputukan iyon.
*Maingay
*Malakas
*Hindi tumitigil na pagpapaputok ng baril
Napahalakhak siya na parang demonyo.
Hindi niya maiwasang hindi mamangha sa talas ng pakiramdam ng naturang babae. Ang mga galaw niyon ay nakakabilib. Ngunit hindi niya rin maiwasang magalit dahil ang taong hinihintay niya, si Hunter, ay hindi lumabas upang iligtas ang pamilya niya.
Itinaas niya ang kamay upang itigil nila ang pagpapaputok at dahan-dahang naglakad paalis sa kanyang pinagtataguan at dahan-dahang lumapit sa naturang bahay. Nakasunod sa kanya ang mga guwardyang malalaki ang katawan. Halos naka suot ng itim na suit. Napaka pormal.
Hawak niya sa kanang kamay ang baril at nakangising naglakad pero napatigil siya dahil sa biglaang pagtusok ng matulis na bagay sa paanan niya.
Napayuko siya sa sakit. Agad namang nagpaputok ang mga guwardiya niya sa paligid.