7

199 6 0
                                    

HAWIE's POV

"Uh...because it is in his...uhm..." iginalaw-galaw ko ang aking mata sa paligid at kay Hyden ng may makita ako. "Collar." Pinanliitan niya ako ng mata tsaka tumayo.

Nakaupo pa rin ako. Umalis na si Hyden sa harapan ko at tumalon papuntang sa kama na hinigaan ni Aiden. Lumapit si Aiden sa pwesto ko at dahan-dahan yumuko. Inilapit niya ang mukha niya sa akin kaya napaatras ako ng bahagya. Tinitigan niya ako. Nailang ako pero nakipaglabanan din ako ng titig. Siya na ang umiwas at tumayo ng maayos. Tumalikod siya at binuksan ang pintuan palabas. Hindi pa man siya nakalabas ay huminto siya.

"I think we've meet before." tumingin ulit siya sa akin bago tuluyang lumabas ng sasakyan.

Nauna na akong bumaba at sumandal sa sasakyan. Narinig ko ang ingay ni Hyden na pababa. Agad siyang tumalon papunta sa gawi ko. Gusto ko mang makipaglaro sa kanya ay pinigilan ko ang sarili, lalo pa na narito si Aiden. Nakita ko na rin siyang bumaba.

"Hyden!" lumingon ulit sa kanya si Hyden. "Let's wait for your mommy before we go home."

Mommy? Here I am.

"Here she is." nakatingin si Aiden sa likuran ko kaya sinundan ko iyon.

"Nahuli ba ako, Honey? Hello baby Hyden." nilingon lang siya ni Haiden pero hindi ito tinakbo gaya ng pagtakbo niya sa akin.

Baby Hyden, my foot.

"You're just in time. Kakababa lang din namin."

"Looks like he's not in mood, again." pilit siyang tumawa. Napangiwi naman ako.

"hahaha I guess, so. I'll take him with me, honey. Is that okay with you?" Hinimas ni Aiden si Hyden.

Siya ang nag-aalaga kay Hyden? Di ko alam na marunong na palang mag-alaga ang aso sa kapwa niya aso.

"Of course, you can." nakangiti si Eunice pero nawala iyon nang mapadpad ang ngiti niya sa akin. "Oh. Hi Ayzhia." tumango lang ako. Mukhang napahiya siya. "I'll go then. Napadaan lang ako para magkaroon ako ng enery bago pumunta sa office."

Eh? Bakit energy drink ba si Aiden? Salita mo bulok, gaya mo.

"Come here." he spread his arms wide. Dahan-dahan namang lumapit si Eunice tsaka yumakap sa kanya. Yumuko ako at tumingin sa lupa. "I'll pass my energy to you." napalingon ako sa kanila. Sakto naman ang paghalik ni Aiden sa noo ni Eunice.

Ilang minuto pa ay umalis na si Eunice sakay sa sasakyan niya. Umuwi na din kami ni Aiden. Tahimik at nakangiti siyang nakatingin sa gilid ng bintana at tinitingnan ang bawat tanawin na madadaanan.Nakaupo naman si Hyden sa tabi niya at diretsong nakatingin sa akin habang nakalabas ang dila. Diretso lang ang paningin ko sa daan. Iginalaw ko ang ulo ko sa magkabilang gilid. Sumasakit ang likod ko ah. Puno ba naman ang itama ng lalaking yun, tsk!

"Did you rest?" tiningnan ko siya sa Rear view mirror. Tumango ako. "That's good. I need to go somewhere." Tumango ulit ako. "And address me appropriately there, okay?" tiningnan ko siya tsaka ngumiwi bago tumango.

Nakarating kami sa bahay nila Aiden. Lumabas na siya ng sasakyan pati na rin si Hyden at sumunod na din ako.

"Aalis muna ako." nakatalikod siya tsaka lumingon muli sa akin.

"What?"

"Aalis muna ako."

"Anoooooo?"

"Aalis muna ako" bingi ba siya?

My baby is a Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon