6

173 11 3
                                    

AIDEN's POV

"Here." abot ni Ayzhia sa akin ng plastic. Nasa gilid ako ng kotse, nakasandal, at hinihintay siya.

"Bakit ang tagal mo?"

"Hindi ko alam anong bibilhin eh, kaya naghanap ako sa iba't ibang tindahan."

Sinilip ko ang loob ng plastic. Merong coke, tubig, juice at iba pa. Ang dami neto ah. Napansin ko ang alikabok sa gilid ng suot niyang pantalon. Napansin niya rin ang tinintingnan ko kaya pinagpag niya iyon.

"Let's rest for a bit before going home." tumango lang siya. "Let's go upstairs." tinitigan niya ako. Nailang ako kaya ako na ang umiwas. "If you don't want to, then just wait me here." lumingon siya sa paligid.

"I'll go after you. I'll just make a call first."

Sino naman ang tatawagan niya?

"A friend of mine." Nagulat ako. Parang nababasa niya ang iniisip ko. Kakaiba talaga tong babaeng to.

"Okay." Umakyat na ako ng hagdan pabalik sa taas.

HAWIE's POV

Ayan na naman yung ugali niya.

Magpahinga daw muna kami bago umuwi. Saktong sumasakit ang likod kaya mas mabuting magpahinga muna. Hindi naman ako matutulog, babantayan ko lang siya.

"I'll go after you. I'll just make a call first." sinabi ko iyon sa kanya. Tinitigan niya ang cellphone ko. "A friend of mine." Sinabi ko na baka nahihiyang magtanong eh.

"Hello, Yezha." nang mawala na sa paningin ko si Aiden ay tinawagan ko agad si Yezha.

"Mm? Anything good happened?"

"I've met them. The group where Aiden belongs to." tumahimik ang kabilang linya at narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Good. Naaawa ako."

"Don't be. I can handle them alone."

"Hindi sayo. Sa kanila ako naawa." napangiwi ako.

"I noticed that there's a symbol behind their ears. All of them had it. It's a crescent moon."

"A crescent moon, huh?" tumango ako kahit alam ko namang hindi niya iyon makikita.

"And oh, Yezha . Their bodies are still in the location where I left them. Someone might sees it."

"Don't worry. They're on there way." Tukoy niya sa mga maglilinis ng mga katawan. Pinatay ko na ang tawag.

Tumingin ako sa tree house.

Ayos lang bang magpahinga muna? Baka may paparating pa eh.

Umiling ako.

Ayos lang yun. Kasama naman niya ako, eh. Hindi ko hahayaang malagay ang buhay niya sa panganib.

Nagulat ako sa sariling naisip at iniling ang ulo. Sumunod ako kay Aiden. Hindi na ako pumasok sa loob. Umupo lang ako sa upuan na gawa sa kahoy sa terrace habang tinatanaw ang magandang tanawin. Dalawa ang upuan naririto. Magkatabi at isang kahoy na lamesang hugis bulaklak. Ang terrace din dito ay kahoy. Walang bakal ang tree house nato. Kaya nga tree house eh.

Nakarinig ako ng kaluskos kaya agad akong naging alerto. Lumingon ako sa pinanggalingan nito. Mukhang nasa loob iyon ng kwarto. Tumayo ako at dahan-dahan binuksan ang pintuan. Maliwanag ang loob. Tiningnan ko ang kabuoan ng kwarto. Marami ng nagbago sa loob nito. May mga litrato nila ni Eunice sa isang dingding. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng lungkot. Ibinalik ko ang atensyon sa paghahanap ngunit hindi delikado ang nakita ko.

My baby is a Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon